SC 7. A Dream

635 40 31
                                    

Happy birthday, Junipher Jimenez!

Here's an SC with a bit of J&J's married life.

Play I'm Not Sorry by Gabriel Conte. 'Yung lyric vid ha. Malala 'yung feels. Hahahaha

Take care of your mental health. Happy reading and stay safe!

Love, Vam 🧡

xx

I woke up knowing that I didn't have much sleep. Alam kong dapat pa akong magpahinga, mula pa sa ilang overtime shifts, sa cruise, hanggang sa araw ng mismong kasal ko— the list of how restless I am could go on and on. I know that I should sleep in.

But I can't.

Last night was wonderful. It was magical. It was the best. Yesterday, I got married in a beautiful garden with the love of my life as we were surrounded by the people that are close to our hearts. Hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang bawat kaganapang nangyari kahapon...

Crying with Clem and Lilith, Luke calling me his sister, my older brothers looking at me with awe when I showed them my complete wedding look; and of course, my parents who were nothing but proud of the woman that I am becoming. PJ finally brought his girlfriend and introduced her to us, dahilan para kantiyawan siya ng buong barkada dahil sa wakas ay hindi nalang panlalasing ng ibang tao ang aatupagin nito. I was also laughing so hard when I realize that Malcolm and Elaine came as each other's dates. Hindi rin nawala ang mga kasamahan ko sa anesthesia department. Although our seniors couldn't make it, sinigurado naman ni Ebony na kumpleto ang mga intern namin at ang lahat ay makakadalo, kahit na 'di rin sila pwedeng magtagal sa reception bilang kulang nga sa tao ngayon since ikakasal ako.

Ang daming mga nangyari kahapon na hindi ko makakalimutan. Everything's special. But my favorite? It'll always be the moment na naglalakad ako papuntang altar.

If I'm gonna be honest, I'm not the most perfect bride. Hindi magandang kombinasyon na lagi akong busy at napaka-perfectionist ko. There were instances na ang lala ng pagkaka-stress ko sa mga bagay-bagay to the point that I have to take a step back para masiguro na hindi ko mabubuntong sa ibang tao ang galit ko.

At syempre, hindi exception ang mismong araw ng kasal. Even the littlest inconveniences ay bini-big deal ko na.

Masyado akong nagpa-panic na baka wala akong bouquet, o baka nagkulang ng isang mesa sa reception, o baka maging disorganized ang mga guests sa wedding ceremony.

I was clearly a wreck habang inaayusan. Good thing that there's Clem, Lils, Ai, and Abby to assure me that everything is under control, na wala na akong dapat pang ikabahala. Although hindi parin 'yon sapat to calm a bridezilla down. Kaya naman ay kinailangan na rin ng reinforcement mula sa nanay at sa mother in-law ko.

"Okay nga lang ang lahat, Bebi. 'Wag mo na masyadong isipin. Hayaan mo nalang na gawin ng make up artist at hairstylist ang trabaho nila."

"Yes, darling. The more that you're stressing out, the more that we're wasting time. You don't wanna delay the wedding, right?"

At siyempre, naging sapat ang pananakot ng dalawang nanay para maging cooperative ako sa team ko. I apologized to them for being such a bitch at hinayaan na silang ayusan ako.

I was calm on the outside but on the inside ay hindi lang mga paru-paro ang nagwawala doon. I was feeling a million things. All at once. Hindi pa nakakatulong na wala sa 'kin ang cellphone ko buong araw dahil tinago 'yon ni Clem when she found out that Jason and I slept on the same bed the night before.

Busy being YoursWhere stories live. Discover now