SC 4. Blanket Hog

507 28 22
                                    

Need to destress. Still can't write a full chapter for OAAS so hanggang dito muna ako.

Hope you enjoy this! Happy reading and stay safe!

xx

I woke up feeling cold again.

Sobrang sakit pa ng ulo ko. Sa tingin ko ay nasa mga dalawang oras palang ang tulog ko. And it pains me to remember that in a few more hours, I'd be at work again.

I should be resting. I should be sleeping soundly right now but...

Kahit na medyo nakapikit pa ang mga mata ko ay nakuha ko pang umirap nang marinig ko ang kaunting ingay mula sa tabi ko. I groaned lightly when the small portion of my blanket that was barely covering my left leg was taken away from me too.

Sleepy and pissed, I turned to my other side. And of course, Jason's already sleeping so soundly! Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ito. Parang kani-kanina lang ay naglalaro pa kami ng pictionary and then it was like on the next minute that he's already sleeping comfortably, na parang hindi ito kakagaling sa 16-hour shift, na parang hindi ito papasok mamayang alas sais ng umaga.

Inabot ko ang kumot kong tinatakpan ang katawan nito, nagmumukha siyang lumpia dahil tanging ulo niya nalang ang nakikita ko. Mas lalo lang akong nainis nang bahagya itong umungol at napakunot ang noo sa marahan kong paghila sa kumot ko.

My fucking blanket.

"Jason!" I called him, still trying to tug my blanket from him kaso nga lang ay mas hinatak niya lang ito at lalo pang inipit sa katawan niya. "Tangina, Jas! Namumuro ka na!"

Hindi ko alam kung anong kaluluwa ang sumapi sa 'kin pero 'di ko na napigilang pagtaasan ito ng boses.

Antok na antok na ako! Gustong-gusto ko nang matulog! Nilalamig na ako! Why can't I have my blanket?!

And because, let's face it, I am petty and I am sick of this, ay hindi ko na napigilang sipain si Jason paalis ng kama. Hindi ko alam kung san nanggaling ang lakas ko para mahulog ito but I actually did! Malamang ay dahil sa gigil ko!

I heard him cuss and grunted as he landed butt first on the floor.

"What the fuck, Junipher?!" He growled, immediately standing up. I sat up and turned on my side lamp. Agad ko itong tiningnan, napakagulo pa ng buhok nito at medyo namamaga pa ang mga mata. But what made me mad even more is that he's still clutching my blanket as if his life depended on it!

"I had enough of this!"

I kinda felt bad nang makita ko ang unti-unting pagkawala ng inis sa ekspresyon nito, he looked so alert, scared, and worried. Kaya bago paman ito makapag-isip ng kung anu-ano ay muli na akong nagsalita.

"Kumot ko 'yan eh!" I grabbed my pillow and tossed it to his direction.

Dahil sa inaantok pa ito ay 'di na niya nagawang umilag at tumama ito sa tiyan niya. Ba't ba siya natutulog ng walang pan-itaas kung nilalamig pala ito?

"What?!"

"God knows how much you mean to me but I really can't stand waking up in the middle of the night without any blanket on anymore!"

"What are you talking about?"

"Tingnan mo nga sarili mo!" Dinuro ko ito. "You're wrapped around my blanket habang ako ay nilalamig na dito! Hindi mo man lang ba naisip na ang liit-liit ko? Pakiramdam ko ay tumatagos na sa buto ko 'yung lamig, but did you care about it? Obviously, not! Hindi ba sumagi sa isip mo na baka nilalamig si Bebi, I probably should be sharing this blanket of hers with her? Lagi nalang ganito Jason, eh! Sawang-sawa na ako!"

I'm still fuming mad while still looking at him.

Seryoso niya lang akong tinitingnan, hindi parin inaalis ang kumot sa pagkakabalot sa katawan nito. It's like he's studying me... until that lazy smirk appeared on his fucking face.

"What?!" Inis na inis kong tanong.

He licked his lips then shook his head. I heard him whispering to himself pero hindi ko marinig kung anong pinagsasabi nito. Muli na siyang umupo sa parte niya ng kama, he took off the blanket from his body and wrapped it around my small frame. Making sure to tuck in tightly. Inis na inis parin ako dahil 'di parin nawawala ang pagkakaaliw sa mukha nito.

"Hindi ako natutuwa, Jason ha."

He just playfully pouted while still nodding his head, clearly mocking me.

"Seryoso ako..." I murmured.

He just nodded.

Kaagad niyang inabot ang switch ng lamp shade ko saka iyon pinatay. He then wrapped his arms around me and pulled me with him to settle on the bed again. He held me close at naaaninag kong nakapikit na ito.

"You should have told me." Bulong nito. "Ilang gabi mo na ba itong kinikimkim at talagang sinipa mo na ako?"

Umirap ako. "Ilang araw na ba simula nung birthday mo?" I hissed.

He just laughed and pulled me closer.

"Why are you so amused? I'm really mad."

"I know, I'm sorry." Natatawa parin nitong saad.

Huminga nalang ako ng malalim, as much as I wanna argue and all pero masyado na akong hinihila ng antok.

Next thing I knew, my body's already curled closer to him, with my head buried on the crook of his neck.

Everything's at peace, I was able to sleep soundly... until I woke up freezing cold the night after that again.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon