Chapter 81

1.5K 83 21
                                    

Deanna





Almost a year.

Ganun na ko katagal dito sa kulungan.

Joke lang yata ang ginawang trial sa amin.

In a month ay nasentensyahan na agad kami.

How I wish justice system in the country is really that quick.

The verdict?

Life imprisonment.

We are bound to spend the rest of our lives here in prison.

Correctional Institution for Women located in Mandaluyong.

Si Dad sa National Bilibid Prison in Muntinlupa.

Reclusion Perpetua ang hatol sa amin ni Daddy at sa iba pang miyembro ng Colony.

We were never given a chance to have our own lawyer. The one who defended us came from the Public Attorney's Office.

Marami mang kaibigan na abogado si Daddy, I am sure he refused them.

Ayaw na niyang mandamay pa sa gulong to.

Well, it's the 'usual' prison.

Century old painted walls, steel bars and cold floor.

There is only one double decker bed here.

Si mayora lang ang may karapatang humiga. Sa upper deck ay nandun ang mga gamit niya at mga paninda na pulis ang may-ari.

Lahat kami sa lapag nakahiga. We can't even stretch pag oras na ng tulog.

Nakaangat ang mga tuhod namin. Pag iniunat ng isa man lang sa amin ang paa niya ay hindi na kami magkakasya.

Maayos na kahit paano ang higaan ko ngayon.

Nakakakain na rin ako ng maayos.

Unlike before.

Tumutulong akong maglinis sa walang pagasang luminis at bumango na banyo kahit hindi ko schedule.

Hindi dahil mahilig akong maglinis o nagpapagoodshot ako.

Hindi ko lang talaga matiis yung baho.

Ang lapit pa naman ng puwesto ko dun.

Amoy na amoy ko ang halimuyak grabe.

I experienced sleeping there.

Yun ang binyagan nila dito. Sa unang gabi mo ay dun ka matutulog. Hanggat walang pinapasok na bago ay dun ang tulugan mo.

Parusa kapag gabi na. Nakahiga na ang lahat kaya no choice ako kundi dun magstay.

Yung talsik ng weewee na nararamdaman ko sa tagiliran ko.

Yung may jumejebs tapos nasa harap ka niya.

Nung third night may nagLBM pa.

Apat na gabi ako dun natulog. Kung tulog ngang matatawag yun.

Since then, habit ko nang linisin yon.

Kahit hindi na ako dun natutulog ay yun ang pinaglilibangan ko araw-araw.

We are in a cell that is technically for 20 persons.

We are currently 48.

The normal prisoner can have visitors. Maiksi lang ang oras ng dalaw. 15 minutes lang.

Pwede magbigay ang bisita ng pagkain, pero binababoy muna yun, chinicheck daw baka may laman na droga.

Hindi pwedeng tumanggap ang preso ng kape, shampoo, sabon, sigarilyo at toothpaste.

I Love And Hate YouWhere stories live. Discover now