Chapter 34

4.8K 169 42
                                    

Jema







😢😢😢





When I left Davao almost a year ago, Mama and I had a fight.

Umalis ako doon na masama ang loob namin sa isa't-isa.

Ayoko nang maalala yung mga sinabi niya tungkol sa relasyon namin ni Deanna. Masyadong masakit. Parang di siya nagsisimba kung makapagbitaw ng salita.





Tapos ngayon,





😢😢😢

Magkikita kami ulit pero hindi ako handa. Hindi ko kayang iharap sa kanya ang mukha ko.

The truth is, I had free time in school and UAAP.

Nung off season pa lang, pwede kami umuwi kahit sandali.

Nung unang sembreak ko sa Ateneo.

Nung nag-undas.






Nung Christmas break lang talaga ko napilitang umuwi. Nagtago pa ko sa kuwarto nun.








Tinetext ko naman si Mama almost everyday. Sinasabi ko sa kanya ang nangyari sa araw ko.

Kung ano yung mga nangyari o pinagaralan sa school, ano yung mga natutunan ko sa training,

lahat talaga,







maliban lang about sa amin ni Deanna.










Pero kahit na tinetext ko siya, hindi ko naman sinasagot ang mga tawag niya. 

Kay Papa ako nangangamusta. Nagtatawagan kami kahit papano. Kaming magkakapatid  ay may group chat kaya araw-araw nakikita ko ang mga ganap sa buhay nila.

Si Mafe ang di ko masyadong nakakausap. Mama's girl kasi siya. Masyado siyang masunurin kay Mama. Parang nagkalayo tuloy kami ng loob. Kahit parehas kaming nasa Manila ngayon, hindi kami naguusap o nagkikita.










Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala dito sa kuwarto. Wala si Deanna. Kanina tumunog yung radyo niya. Ewan kung saan nagpunta yun.










Alam mo yung parang sa retreat?

Nagninilay-nilay ako ngayon. Iniisip ko kung ano ba talaga ang gagawin ko sa future.

Pagpupulis ba talaga ang career na tatahakin ko? Eh ang daming kontra eh. Pag ganun diba jinx yun?

Tama naman si Deanna. Pwede kong gawin yung advocacy ko kahit di ako magpulis. Pwede kong tulungan ang mga napagkaitan ng hustisya tulad namin ni Flor nang hindi nakauniporme.



























Sige na nga!

Edi ikaw na!

Kung di lang kita love Deanna Wong!












Siya na ang panalo.

Hindi na ko magpupulis,

Magiging housewife ako ni Deanna, at ina ng mga future chikiting namin na iluluwal ko...
















😅😅😅

















Natatakot ako sa sakit ng panganganak pero sige na nga...



















I Love And Hate YouWhere stories live. Discover now