Chapter 11

4.1K 170 41
                                    

Jema




🙄🙄🙄🙄🙄🙄🙄🙄






Nakakailang missed calls na si Deanna.

Mula kagabi hanggang ngayong umaga. Ang dami kong gusto ishare eh. Kaso text ako ng text tapos di naman siya tumatawag.

Nandito kami ngayon ni Mafe sa palengke.

Bumibili ng fishballs, kikiam at quail eggs.

Kagabi kasi may pumakyaw ng ice candy ko. Tuwang-tuwa na sana ako kasi isang linggo ko na yung ginawa at hindi maubos-ubos. Tapos biglang may bumili ng lahat.

Kaso sabi wag ko na raw ulitin.

😢😢😢

Masarap naman eh! Hindi ko talaga tinamisan masyado para hindi nakakaumay.

Si Mafe grabe sa pang-o-okray sa mga ginawa ko.

Parang yelo lang daw.

Wala daw kalasa-lasa.

Kinakain lang daw niya para maubos na.




Kaya eto, fishballs na ang ititinda namin. Bumili si Manang ng maliit na kalan para dito. Maliit lang din ang kawali.

Dahil dinagdagan ulit ni Mama ang puhunan namin, nakabili pa kami ng hotdogs at french fries.



Pagdating namin sa bahay, nagprepare kami agad. Tinuruan kami ni Manang gumawa ng sweet sauce at magmix ng suka. Buti na lang nagtinda rin si Manang noon ng ganito kaya alam pa niya.

Binilhan din kami ni Manang ng apron, hairnet at face mask.

Habang kumakain kami ng lunch ay tinuturuan kami ni Manang kung ano ang mga dos and donts sa pagtitinda.

Ala una nung binuksan namin ang kalahati ng gate ng garahe. Naglabas kami ng table at ilang upuan.

Si Mafe ang galing mag sales talk.

Ako medyo aloof pa sa mga tao dito sa lugar namin. Hindi kasi talaga ako palakibo.

Si Mafe taong kalye talaga. Lagi siyang nakikipaglaro sa labas, ako hindi eh. Nagbabasa lang ako buong araw.

Si Mafe kilala halos lahat ng kapitbahay.

Ngumingiti lang ako pag nababanggit ang pangalan ko.

Sa totoo lang di ko namalayan ang oras.

Alas singko nung nasold out ang paninda namin.

At ang dami naming tubo! Halos doble ng puhunan ang naging pera tapos may tira pang sawsawan.








"Sabi ko sayo ate eh! Edi sana mayaman na tayo last week pa!"


😅😅😅








"Sorry na bunso. Ito na nga eh. Kalimutan mo na yung ice candy venture ko ha. Bukas magdagdag tayo, palamig naman."

Madali lang pala magtinda eh. Konting ngiti lang tapos focus lang sa binibenta.

Nagliligpit na kami ng mga ginamit namin ng lumapit si Manang.








"Jema, akala ko may bubuyog sa kusina, cellphone mo pala."

Naiwan ko nga pala yun sa lamesa.







50 missed calls

18 messages


I Love And Hate YouWhere stories live. Discover now