Chapter 13

3.9K 155 27
                                    

Jema







"Hi Margarett! Nareceive mo ba yung flowers?"

Tumango lang ako sa kanya.

Gusto kong sabihin na nasa basurahan na.

Dire-diretso lang akong naglakad.

Nakakainis!

Wag niyo kong kakausapin!








"Mainit na naman ulo mo Marge?"

Si Maddie, bestfriend ko.

Sinabayan niya na lang akong maglakad.

Araw-araw talaga sa tuwing papasok ako, naiinis ako.

At alam yun ni Madz. May toyo ako tuwing umaga.

Sa totoo lang, di ko akalaing magiging magbestfriend kami nito.

First year kami nung sumali kami sa search for Miss Ateneo de Davao.

Kaming dalawa ang naiwan. As in top 2 kami.

We answered the same question.








"As a modern Filipina, what makes you extraordinary?"






Anong sinagot ko?

'I am extraordinary because being an  extraordinary person denotes that this person is resilient, patient and focused on her goals. She will do everything to succeed. As a child I always wanted to be a policewoman. So come hell or high water, I will be. Thank you.'







Si Maddie?

She answered the question with:

'I am not just extraordinary, I am a limited edition.'

Di ko na matandaan yung sinabi niyang iba, basta may pabible verse siya. Sa Ecclesiastes yata yun, words of wisdom ni King Solomon about wisdom and how to be a legacy.






Natalo niya ko.



Ginalingan eh. Unang sentence pa lang niya, hiyawan na ang mga tao. Sikat kasi si Madz. Middle blocker siya sa volleyball team ng school. At ako, hindi naman ako kilala. Ordinaryong estudyante lang ako.

At sobrang tangkad niya. 6 footer siya samantalang 5'7 lang ako. Pangbeauty queen talaga.

Pero kahit runner up lang ako, naging magkaibigan kami. Sabi niya mas maganda daw ang sagot ko kaso kilala lang daw talaga siya ng mga tao.

Nadaan daw niya sa audience impact.

Sa totoo lang, gusto ko ang sagot niya.

Sa ganun kami nagumpisang maging close.

Matagal na kasi kaming magkakilala.

Acquaintance lang kami ganun.

Mommy niya ang may kasalanan kaya napunta kami dito sa Davao.

Nagkakilala kasi ang mga nanay namin dahil sa isang convention na ginanap sa Pampanga.

Parehas principal ang mga nanay namin. Si Tita Irene ay principal noon sa isang public school dito sa Davao.

Naging magkaclose via facebook at later on ay sinabi ng Mommy ni Madz na vacant ang position ng principal sa elementary department sa Ateneo de Davao. Hindi raw siya puwede kasi Dean ang Daddy ni Madz. Bawal ang mag-asawa.

Tapos inakit nila si Papa at Mama na tumira dito dahil mura ang lupa.

Kaya ayun, lumipat na kami dito.

I Love And Hate YouWhere stories live. Discover now