Chapter 40

3.9K 180 25
                                    

Jema









"Kakanta na yan! Kakanta na yan!"

Sigaw ni Ricci. Nandito kami sa isang bar.

Nagulat ako nung pinilit niya kong tumayo.

Ako pala yung chinicheer niya!

Hindi ko alam kasi di ko naman siya tinitingnan.

Nakatingin ako sa phone ko. Hinihintay kong magparamdam si Deanna. Sa tatlong bantay ko, tanga na lang nila kung di pa nila alam na wala ako sa condo.

"Jema, kanta ka na! I once heard Tita Phennie bragging. You are a very good singer daw. Sige na... Pretty please?"

Hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Si Mafe naririnig ko na tinatawag si Ricci. Inaawat niya sa pagpilit sa akin.





"Kanta lang naman ah. I just want to hear her sing. Bakit ba?"

Tanong niya sa kapatid ko.




" Matagal nang di kumakanta si Ate. Wag ka na mapilit. Masasapak na kita eh!"

Natetense na siya.




" Ano ba ang nangyare? Nakakain ba ng palaka si Jema kaya ayaw na kumanta?"

Hindi sumasagot si Mafe.

Nagsisisi ako. Bakit ba ko lumabas ng bahay?

Alam kong magkaibigan si Mafe at Ricci. Siguro kung di siya nagpakita ng kayabangan sa akin, baka naging magkaibigan din kami.

May problema sa kanya si Tito, yung Daddy niya. Pero family matters yun. Sa mga kaedaran niya, okay naman siya. Friendly siya, kalog at may pagkaaskal ang ugali kaya marami siyang kaibigan.

Nagkataon lang pala na may gusto siya sa akin at walang pag-asa na manotice ko siya kung di siya magpapapansin.

Yang recap na yan sa nangyari noon ay kinuwento sa akin ng magaling kong kapatid pagkasakay namin sa kotse ni Ricci kanina.

Hindi ko pa rin kinakausap si Ricci kahit may paandar silang paliwanag.

Hindi ko alam kung ano ang utang ni Mafe kay Ricci pero narinig ko siya kanina na sinabing,


'quits na tayo ha. Hanggang diyan lang magagawa ko. Alam mo namang taken na si Ate.'








Ewan ko sa dalawang to.

Gusto kong lumabas para mag-unwind. Pero mukhang di mangyayari dahil any moment magwawala na ko.

I can feel my blood that's already in heat.

Konting-konti na lang tong si Ricci sa akin eh.






"Pare! Ano na? Akala ko ba may kakanta?"

Sabi nung lalakeng kalalapit lang sa amin.

Siya yung vocalist ng banda na nagpeperform kanina.








"Nagpapapilit pa pre. Tulungan mo nga ko!"

Tumayo si Ricci at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ko sa braso para itayo. Bigla akong kinilabutan.

May mga alaala na pilit ko nang kinakalimutan pero...


Tumayo ako at inalis ang kamay niya sa braso ko.


I Love And Hate YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ