Chapter Two

10.1K 441 55
                                    

Galaxy


Standing in front of everyone, mga bisita ni Hydra, my cousin. Nasa stage ako ngayon at inaayos ang gitara na hawak ko. It's my turn to sing and entertain everyone. Ito na ang regalo ko sa pinsan ko, ang kumanta sa gabi ng birthday niya. Kagagaling ko lang last week sa Greece, dahil sa Concert ko.

My next destination is dito nga sa Philippines dahil next month may concert ako sa Manila. Sunod sunod din ang project na natatanggap ko, ganito rin siguro talaga kapag sikat ka.

Gusto ko rin naman ang ginagawa ko kaya hindi ako nagrereklamo. Ang maganda lang dito ay hindi ako pwedeng lapitan ng mga tao dahil makakasuhan sila ng harassment. Kaya nga malaya din akong nakakapunta sa kung saan saan kahit pa sundan ako ng mga taga media ay hindi talaga sila pwedeng lumapit.

It's my father's idea and I am thankful dahil naisip niya ito. He's scared kasi na baka maharassed ako ng mga taong gustong lapitan ako dahil nga sa sikat ako. Dahil na rin siguro sa connection dahil isang kilalang malaking negosyante ang Daddy ko while my mom ay isang sikat din na tagaluto.

Ngumiti ako sa mga taong tutok sa akin ngayon at may mga camera na nakaharap sa akin. Mukhang magt-trending na naman ito sa socmed bukas o baka mamaya na agad.

Nagsigawan naman sila na halos ikatawa ko dahil nag uumpisa pa lang ako sa pag strum ng gitara ko ay nagsisigaw na sila agad.

Can't count the years on one hand
That we've been together
I need the other one to hold you
Make you feel, make you feel better

Sabay sabay na sigawan ang mga ito. Pinikit ko ang mga mata ko habang buong puso kong kinakanta ang paborito kong kanta simula ng bata pa lang ako.

It's not a walk in the park
To love each other
But when our fingers interlock,
Can't deny, can't deny you're worth it
'Cause after all this time I'm still into you

I wonder kung anong buhay ko kung hindi ako pumasok sa showbiz. Isang tao lang naman ang dahilan kung bakit ako pumasok sa pagiging singer at artista. Isang tao lang. Hindi ko rin pinagsisihan ang mga nangyaring ito sa buhay ko.

I should be over all the butterflies
But I'm into you (I'm into you)
And baby even on our worst nights
I'm into you (I'm into you)

As I open my eyes again, I met her dark gray eyes as she staring at me intently. Her eyes mesmerized me even though wala akong makita at mabasa na kahit emosyon dito. Naka pokerface lang ito at deretso ang tingin sa mga mata ko. I'm taken aback, she's the only one who has the gut to stare at me with those kinds of facial expressions. At ako pa ata itong maiintimidate sa presence niya. Siguro kasi she's cold tapos allergic ata sa pagngiti.

Let 'em wonder how we got this far
'Cause I don't really need to wonder at all
Yeah, after all this time I'm still into you

Ngumit ako, pero natawa na lang ako na tarayan at taasan ako nito ng kilay. She even crossed her arms and rest her back sa inuupuan nila ngayon. Woah, ang lakas talaga ng loob niya ha.

Hindi ko alam pero ikinatuwa ko 'yong ginawa niyang 'yon.

And the night goes on. Mabilis akong bumaba ng stage at siya namang pag abot sa akin ng alak ni Third. He's Hydra's younger brother. Nasa 18 years old na ata ito and he's a singer too pero ayaw niyang ituloy dahil sabi niya it's just hobby for him and mas gusto niyang maging Architect.

"Sino tinitignan mo diyan ate Galaxy?" He asks habang sinusundan kung saan ako nakatingin. Which is sa table nila Hydra.

"Type mo si Miss Ruiz?" Takang tumingin ako sa kaniya.

"Sinong Miss Ruiz?" Tanong ko rin dito. Tinuro niya naman 'yong table nila Hydra.

"Yung naka purple dress ate. Professor ko yan sa University. Tsaka isang Architect din yan e." So, si Jirin pala ang tinutukoy niya. Jirin Ruiz. What a nice name for an exquisite lady.

Mabilis akong tumingin pabalik ulit kay Third ng mapagtanto ang una niyang tanong sa akin.

"Hindi ko siya type ano!" Singhal ko dito pero tinawanan lang niya ako. Hindi siya naniniwala?

Alam kong maganda si Jirin pero type agad? Hindi p'wedeng nagagandahan lang muna?

"Sabi mo ate e."

At this moment my other cousin, Lila is the one who is performing on the stage. Si Hydra ay nasa stage na rin at siya ang nagd-drums. Magaling naman siya diyan e. Nasa genes na ata namin ang pagiging magaling sa musika at sa instruments.

Maingay pa din ang paligid kahit midnight na. Mas lalo pa nga atang nag eenjoy ang mga to. Pero isang tao lang alam kong hindi talaga nag e-enjoy. Mukha kasing bored na bored siya sa pagkakaupo. Hindi siya siguro sanay sa mga ganitong kadaming tao at sa mga okasyon na ganito.

"Hey, fucker!" Pabiro kong sinuntok si Lian, my best friend. Kung ako ay sikat na mang aawit ay siya naman ay isang modelo. Sabay kaming lumaki at kilala na namin ang isa't isa.

"Enjoying the night?" I ask. She smiled sheepishly.

"I met someone. Sa may CR." Natatawa nitong kuwento sa akin. Napataas ang kilay ko. Don't tell me-

"Fucker!" She laughed at me. "I don't do a quickie, Sept." Tinaas naman niya ang dalawang kamay nito at parang sinasabing suko na siya. "Alright! Gal, don't be so masungit tonight. Sabi ko Galaxy ang pangalan mo e." Natatawa itong uminom ng hawak niyang inumin.

"So, sino nga 'yung nameet mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Damn bro! Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa e. 'Yong nakabangga kasi sa akin hindi ako kilala!" Natatawang kuwento niya at ang mga kulay asul niyang mga mata ay parang nagkaroon ng interest. Napailing na lang ako.

"Hydra's friend doesn't know me, either bitch." Sabi ko dito.

Yung Jirin kasi kung titignan ako ay parang nangingilala at binulong pa sa akin ni Hydra na hindi ako kilala nung kaibigan niyang yun which is naging interesado din ako.

Sikat ako bilang Galaxy Meyer. Mayroon pa palang hindi nakakakilala sa akin?

"That's new! Pero grabe talaga e. Kanina kasi sabi nung babae sa akin, hindi niya ako kailangan na kilalanin pa e! Halos tadyakan ko na nga siya sa sobrang inis ko sa kaniya!" Kung kanina ay natutuwa siya ngayon naman ay parang nagrereklamo na.

Minsan talaga hindi ko siya maintindihan e.

Hinila ko na lang siya sa table ni Hydra dahil tapos naman na silang nagtugtog sa stage at kakababa niya lang.

"What the fuck Gal, siya yung sinasabi ko! Yung nakajacket na pula!" May diin na bulong nito sa akin. Bago pa man ako magsalita ay nakarating na kami sa table nito.

Si Sherez ang sinasabi niyang nakapula ng jacket. Ow! Interesting.

"Hydra, anong ginagawa nang babaeng niyan dito!?" Nagpapadyak na tinuro ni Lian si Sherez na nakataas na ang kilay sa kaibigan ko.

"Masama bang nandito ako ha? What are you, a kid? Nagta-tantrums?" Natawa naman ako. Mukhang nakahanap ng katapat itong si Lian dahil ni minsan wala akong nakitang tao na malakas ang loob na sagot sagutin siya.

Napatingin naman ako sa katabi ni Sherez na si Jirin na matamang nakatitig sa akin. I smiled at her na ikinataas na naman ng kilay niya at inirapan na naman ako! Aba't! Kanina pa ako sinusungitan ng babaeng 'to a?

Porket maganda siya e iniikutan na lang niya ako ng mata? Mas maganda ako sa kaniya! At hindi ko rin naman sinabi na maganda siya no!

Baka nagkamali lang kayo ng basa o kaya binabawi ko na lang para mas sigurado.

Tch.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon