Chapter Eight

7.9K 432 36
                                    

Galaxy


"Cut!" Nangingiti akong lumapit sa director at inabutan naman ako ng tubig ni Christine, my manager.

"Wow! Ang galing mo talaga, Galaxy. You always impressed me!" I thank him at saglit ding nag usap muna bago ako mag excuse sa kaniya.

Pumunta ako sa may tent ko to rest. Nandito kami sa Palawan, mag aapat na araw na ako dito.

"You can rest na. Sabi ni direct last na yung taping na yun. Pwede ka ng magpahinga at mag enjoy na lang daw tayo for the rest of the day." Tumango ako kay Christine. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay bumungad na agad sa akin ang magandang balita na 'yan. Pagod na pagod na kasi ako e.

Next couple of months ay maipapalabas na rin ang movie na "Heirs" na pinaghirapan namin nang mga co-actress ko.

"You did great, Gal." Christine rests her back in her chair as I smiled at her.

"Well, may manager kasi akong ginagawa ang lahat para sa akin e." Natawa naman ito sa akin at binato ako ng unan na napulot niya sa tabi.

"Thank you Gal, dahil nga sa kasikatan mo napatayuan ko ng bahay ang pamilya ko." She's teary-eyed. Lagi na lang siyang nagt-thank you sa akin e.

"Chris, stop thanking me. You always do great din naman, right. You work hard, kaya dapat thank yourself din." She smiled again at tsaka ako nilapitan para yakapin. I patted her back.

"Alright, magrest ka na. And enjoy the rest of your day. Puntahan mo ang gusto mong puntahan." Tumango ako dito.

Bukas ay talagang kailangan na rin namin umuwi, because magre-ready pa ako for the concert na mangyayari next week. May mga rehearsal pa akong gagawin. I really need a lot of rest after the concert.

Tumayo ako at lumabas muna. I texted Christine na maglakad lakad lang muna.

Nasa Coron Palawan pala kami. Ngayon ko lang nalaman kung hindi ko pa nabasa yung paradahan ng mga tricycle.

Kahit naman artista ako at sikat ay hinahayaan ko pa rin ang sarili ko na mag explore. Pagbalik ko nga dito sa Pilipinas galing Greece ay sinubukan ko na lahat ng hindi ko pa nasubukan dito. Ang magcommute mag isa? Nagawa ko na din. Medyo hassle kasi marami pala talagang nakakakilala sa akin kahit saang bansa pa ako magpunta. At ang traffic talaga ata ang problem sa Maynila. Laging traffic e. Sobrang hassle nun.

Lalapitan ko sana ang isang cart na may tindang street foods nang may nabangga ako. Halaa!

"Hala! Miss Sorry! Hindi ko sinasadya!" Tinulungan ko naman ito sa mga nahulog na bitbit niya na medyo kumalat pa. Inabot ko ito ng maayos sa kaniya.

Kung kanina ay maasim ang mukha niya ngayon naman ay parang gulat na gulat na ang itsura. Wait, she looks like someone. Halatang nasa 16 o 17 ang edad nito dahil sa itsura.

"Hala, s-sorry! M-ms G-galaxy. Ka-kayo pala." Kilala niya ako.

"Kilala mo ako?" Takang tanong ko dito at parang tanga na tinuro ko pa ang sarili ko.

"Oo naman po! Idol ko kayo Miss Galaxy! Hala anong ginagawa niyo dito?" Halata sa boses nito ang paghanga at halos kuminang din ang mata nito. Tumataas na nga rin ang boses nito dahil ata sa sobrang pagkaexcite niya.

"Taping. Pero you can drop the Miss. Call me ate Galaxy na lang." Napasinghap siya at namumula na ang pisngi nito ngayon. Hindi lang ganung halata dahil medyo morena ito.

"Athena? What took you so long?" I stiffened. That voice! Owemji. Nilingon ko ang babaeng nasa likuran ko ngayon. Myloves!

"Galaxy? Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo nito at nagtatakang tumingin sa akin pati sa babeng nakabangga ko na hawig niya at kaninang tinawag niyang Athena. Tinitigan ko lang siya ng mapansin ang suot nito.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" Tinuro ko pa ang short nito na medyo may inis sa boses ko. Nakataas na rin ang kilay ko. Buti na lang at medyo malaki ang suot nitong puting t-shirt pero hindi ko pa rin gusto na may suot itong short na maiksi habang nandito sa paligid na marami pa man din taong dumadaan. Tinaasan lang ako ng kilay nito na kinairap ko pero nauwi lang sa ngiwi dahil ang sama na ng tingin niya sa akin.

Ang hirap niyang sungitan dahil susungitan din niya ako pabalik.

"Ate Galaxy, kilala mo ang ate ko?" Takang nagtatanong na si Athena. Ate? Kapatid niya to?

Inakbayan ko si Athena. "Oo naman!" Tinuro ko ang ate niya. "'Yang ate mo? Sobrang sungit sa akin!" Reklamo ko kay Athena. "Lagi akong inaaway niyan! Ang hirap paamuhin e." Natawa naman ito at hindi makapaniwalang tinignan ako ni Jirin.

"Anong ginagawa mo dito, Meyer?" Tanong ulit nito sa akin. "You can go now Athena. Susunod kami." Tumango si Athena dito kahit may pagdadalawang isip at napansin kong pumasok siya sa isang bahay na two-story house ata.

"May taping ako dito love e." Sagot ko. "Teka nga, libre mo muna akong fishball dun o!" Tinuro ko yung cart na lalapitan ko sana kanina. Nakataas na naman po ang kilay niya.

"Kumakain ka niyan?" Seems like she's doubting me ha?

Iniwan ko siya dun at lumapit sa may Cart.
"Hi manong! Pabili akong sampong pisong fishball tapos 10 pieces ng squid ball!" Masaya kong sabi dito.

"Ang ganda mo naman ija. Ngayon lang kita nakita dito a. Tsaka parang nakita na kita sa selpon ng anak ko. Sabi niya Idol daw niya 'yon." Naku kahit pala ata dito ay sikat ako.

"Baka ho kamukha ko lang 'yon manong." Tumango naman ito at masayang naglalagay ng binili ko sa mga basong lagayan. Siya na rin ang naglagay ng sweet sauce nito.

"Are you sure about that, Meyer?" Nilingon ko si masungit ng magsalita ito sa tabi ko.

"Oo naman! Masarap nga ito e. Ilang beses na ako nakakain nito sa Manila." Sabi ko pa sa kaniya na ikinailing niya naman.

"Oh ija, ito na o." Inabot ko naman ito. Mainit init pa, yum! Nag abot ako ng 500 dito.

"Sayo na pati 'yong sukli manong! Salamat!" Nagulat naman ito at gusto pa sanang ibalik muli sa akin pero hindi ko na tinanggap pa.

"Naku, ija. Malaki masyado ito e." Umiling ako.

"Basta po manong, okay?" Tinalikuran ko na ito ng nagpasalamat siya akin na may ngiti. Ang saya naman. Inabot ko kay Jirin ang fishball at nilantakan ang squidball.

"Pakihawak, huwag mong bawasan ha?" Natawa naman ito bigla na kinatigil ko at tinitigan ulit siya.

"What?"

"Hala love. Tumawa ka! Tapos ang ganda mo lalo!" Umirap lang ito sa akin. She fixes herself at binalik ang poker face nitong mukha. I pouted. I want her laugh kaya or simple smile lang. Like the genuine smile, di ba?

"You're crazy. I have emotion so I can laugh nor smile." Nauna na itong naglakad sa akin.

Ngumiti naman ako. "Gusto mo ba nitong kinakain ko, Jirin?" Umiling lang ito. Pero nagtusok ako ng isang squid ball at sinabing isusubo ko sa kaniya. Ayaw pa sana niya pero kinain din naman niya.

"Pag sumakit ang tiyan mo diyan, Meyer." Banta nito habang nginunguya ang sinubo kong squid ball sa kaniya.

"Hindi yan love, nag aalala ka na ba sa akin ngayon?" She hissed na kinatawa ko naman. Ang sungit talaga nito. Hindi naman masama ang magbiro hindi ba?

"Stop calling me love." Ngitian ko lang siya. "Tara sa bahay." Masaya akong sumunod sa kaniya papasok ng bahay nila.

Wow! I felt at home!

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon