Chapter Twenty

7.4K 345 37
                                    

Galaxy


"Shit! Hindi ko macontact si Calli!" Kanina pa ako palakad lakad at hindi mapakali dahil hindi ko alam kung napano o nasaan na ba siya ngayon.

"Pwede ba kumalma ka muna Galaxy!? Baka may dinaanan lang siya!" Naiirita na rin si Hydra pero hindi ko ito pinansin.

Usapan namin na magkikita na lang dito sa mansyon nila Hydra after ng class niya ng alas tres kasi meeting lang naman ang pinunta niya sa school nila. Hanggang ngayon wala pa siya. Hindi ko matawagan at anong oras na.

"Tried to call Third and asked if she saw Jirin then." Napairap ako because she can do it naman while I am trying to call Calli but she act calm and there is no a problem that needed to be worry.

Before I called Third my phone ring. Unregistered number? Seryoso ba ito? I answer it, getting pissed off.

["Oh, hello baby!"] Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Trina. Tahimik ang background at siguro ay nag iisa lang siya.

["Ano na naman bang kailangan mo, Trina?"] Naiirita kong tanong. Napatingin si Hydra sa akin at nailing pero nagtataka rin siya.

["Aw, hindi mo ba ako namiss?"]

["Cut the crap Navidad!"] Nawawalan na nga ako ng pasensya sa paghihintay at pag aalala kay Calli ay siya namang pagtawag na naman niya.

["Lagi na lang mainit ang ulo mo sa akin. Hindi ba't hinahanap mo ang fiance mo?"]

["At paano mo naman nalaman na hinahanap ko siya?"] Naiinis na sagot ko. Nagtataka dahil ano bang sinasabi niya?

["Don't worry. Nasa akin siya okay? Mag lalaro lang naman kami e. Pero hindi ko na siya ibabalik ha? Bye baby! See you soon! Muah!"] Mabilis kong naitapon ang cellphone sa sobrang galit at inis.

Napatayo na rin si Hydra.

"What the fuck Galaxy! Ano bang problema?" Naiinis na rin na tanong niya sa akin.

"Hawak niya si Calli!? Ano pa ba? Kanina pa ako nag aalala Hyd! And ano na ngayon? Oh ayan! Hawak ni Trina at wala na daw siyang balak ibalik si Calli sa akin!?"

Nagulat man ay bumuntong hininga pa din ito at pilit kinakalma ang sarili. "I'll call the others."

"Call Lila too. Papuntahin mo dito. Let's trace Calli." I answered calmly. Tumango ito at mabilis na nagdial sa cellphone niya.

Nahalata ko ang saglit na pagpapanic niya. Tumayo ako at binuksan ang isang wine at ininom ito. Malakas ang tibok ng puso ko pero hindi ako dapat magpadalos dalos. Hindi ko pwedeng isugal ang buhay naming dalawa.

Kailangan ko muna siyang hanapin at magplano. Hindi naman ako ganun katanga para magkaroon ng makitid na utak para biglang umalis at hanapin siya.

Ano pa ba ang kwenta ng pagpalagay ko ng gps sa singsing ni Calli? Pinalagay ko yun kay Lila dahil ayokong ipagsawalang bahala ang mga pagbabanta ng babaeng iyon. Sigurado akong nababaliw na siya at nabaliw na sa pagiging desperada niya.

Malakas na nagbukas ang pintuan at sabay sabay na pumasok ang mga kaibigan naming hinihingal. Kasunod nun ay si Lila kasama si Lian. Napakunot ako ng noo dahil sa tagal kong hindi nakita ang babaeng ito ay bigla bigla nalang susulpot. Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Lian— si Calli." Pero hindi naman ako nagtatampo sa kaniya. Nabanggit sa akin ni Calli na may problema si Sherez at minsang nabanggit na pinagtataguan daw siya ni Lian.

"Everything is fine." Bumitaw na ito sa akin kaya lumapit ako kay Lila na nagbukas ng laptop.

"Kailan pa siya wala?" Tanong nito.

"Hindi ko alam kung anong oras siya nakuha ni Trina, Lila. Kakatawag lang sa akin ni Trina at hawak daw niya ito!"

"Hahanapin ko ang lokasyon niya." I watched her type in her laptop at may lumabas dito na kulay green. May pula at itim na dot doon.

"Look at this, Gal." I look closely nung tinuro niya ang black dots. "Ayan tayo. And itong red is where Jirin is. Isang isla sa Palawan."

"Isla!?" Exagerrated na sumigaw si Summer. Pawis na pawis ito at hindi rin mapakali. Si Sherez ay tila wala din sa sarili pero maya't maya at panay ang tingin sa kaibigan kong si Lian. Ano kayang meron sa kanila?

"Puntahan natin siya!?" Tumayo ako at lalabas na sana pero bigla akong natigilan ng pumasok si Tala. "Tala! Help me!" I almost cried begging. Yung kaba ko ay hindi ko na mapigilan. Parang nahulog din ang puso ko sa kaalaman na nasa panganib si Calli.

"I'll help you alright?"

"Please tara na!" Umiling ito.

"Kailangan na ako ni Calli, Tala! Ano pa bang hinihintay niyo!?" Hindi sila sumagot, may tinawagan si Tala at ako man ay hindi makaalis dahil nakaharang si Tala sa pintuan. May binagsak itong malaking itim na bag at binuksan tsaka siya lumuhod.

Napasinghap ang mga babae sa likod ko at ako naman ay napangiwi na lang. Bakit ba nakalimutan kong meron akong kaibigan na dating Army? Si Tala ay malaki ang maitutulong sa akin.

Naglabas ito ng mga baril, nag abot sa akin ng isa. "Hindi tayo pwedeng umalis na walang dala, Gal. Kailan ka pa ba nagpadalos dalos?" Kalmadong tanong nito. Napayuko ako. "Pwede itong mangyari, nasabi ko na sayo. Now, let me help you to get your girlfriend in that freaking Island." At tsaka siya ngumiti ng katakot takot. Nagulat ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan.

"Let's go?" Naunang lumabas si Lila habang hawak ang laptop at naglagay ng baril sa likuran niya.

"May back up naman tayo wag kayong mag alala." Napahinga ng maayos ang mga kasama ko. Kabado sila at iiwanan sana sila pero gusto nilang sumama.

"Bwisit! Mga baliw talaga 'yang nagkakagusto sayo Galaxy!" Reklamo ni Lian habang nagdadrive ng mabilis. Isa ito sa forte niya ang mag car race. Pupunta kami sa bahay ko dahil gagamitin namin ang helicopter sa likod ng bahay ko. Tala is our pilot so no worries.

Tumatakbo kaming dumeretso sa likod ng bahay ko kung saan ang sasakyan namin. Napalingon ako when they stop in their tracks maliban kay Lila at Tala.

"Ano pa bang ginagawa ninyo!?" Naiirita kong tanong. Nakatanga kasi silang nakatingin sa mga helicopter na nasa harapan nila.

Umakyat ako sa isa at ako ang magpapalipad, si Tala sa kabila. "Ano na!?" Mabuti naman ay nagmadali na rin silang tumakbo at nailing na umakyat ng helicopter. Isa rin itong helipad, itong likuran ng bahay ko ay isang helipad. Kaya siguro sila nakatanga kanina.

Pumasok sa tabi ko si Lila at si Hydra at Lian naman sa likuran ko. Sa kabila ay Si Tala, Sherez at si Summer.

"The freaking Island is known as Axy pad? Why does it call as Axy Pad?" I retorded.

"Ano namang problema kung Axy pad ang pangalan niyan! E akin yan e di syempre ako magbibigay ng pangalan!" Inis na sabi ko. Maririnig naman ako nito dahil sa headphone na suot namin.

I am free when it comes to my helicopter. So I can do whatever I want. "Sayo 'yong Island!?" Umirap ako. "Paano nakapasok si Trina diyan kung property mo pala?"

That's the thing that I didn't know. That Island is private land at hindi basta basta may nakakapunta doon without my permission.

"Mukhang maling lugar pa ang pinagdalhan sa girlfriend mo, Galaxy."

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon