Chapter Nineteen

8K 348 38
                                    

Jirin


It's been two days simula ng mahila ko si September sa workshop na 'yon mula nang sugudin niya ang co-actress niyang si Trina.

Naiinis ako dahil sa babaeng iyon. Actually hindi lang siya, galing akong nakipagmeet sa client kahapon and I met Breeana. Sabi niya she's a dancer daw and she likes Galaxy.

She even threatened me na mag ingat kay Trina but looks like na dapat ay sa kaniya din. Hindi kasi makakapagkatiwalaan ang mga ngiti niya.

"What's your plan?" I looked at Sherez.

"I don't know." She sighed.

"Kailangan mo ata ng bodyguard." nailing ako. Hindi ko naman kailangan yun. Baka si September pa ang may kailangan nun dahil baka bigla na lang siyang kunin ng Trina o ng Breeana na yun.

Ano bang meron si Galaxy para agawin pa sa akin? Ako naman ang nauna sa kanila.

"Ang tinik niyang si Galaxy ano?" Nandito ako sa bahay ni Sherez. Kung bahay ba ang matatawag dito dahil parang mansyon lang ni Hydra e. Kaming dalawa lang ni Summer itong may matinong bahay na tinutuluyan e.

"I met Breeana." Nagtataka naman ito.

"Who's Breeana?"

"Co-dancer daw ni Galaxy. She likes my fiance as well." Hindi naman siguro kami mahihirapan ni September dito sa dalawang babaeng 'to.

Wala si September ngayon. Panay din ang pag ungkat ng balita sa issues ni Galaxy at sa kalat na kalat na relasyon naming dalawa. Kaya siya wala kasi she decided to fix that for the both of us.

"Parang siya lang, marami din nagkakagusto sa kaniya." Ha? Lumingon ako sa kinauupuan ni Sherez at parang wala sa sariling umiinom ng wine.

"Sinong sinasabi mo Sher?" Katatapos din ng klase ko kaya nandito ako kay Sherez ngayon. Mukha namang natauhan ito bigla.

"Ha? Wala naman akong sinasabi e."

"May tinatago ka sa amin 'no?" Pag uungkat ko pa rito.

Umiwas ito ng tingin at hindi komportableng uminom na naman ng wine na hawak niya ng deretso. "Okay, talk to us if you're ready."

"Sorry, I mean. I wanted to, but not now. I guess?" Nahiya pa itong sumandal sa upuan. I just nodded.

Malakas namang nagbukas bigla ang front door ni Sherez kaya mabilis kaming tumayo para makita sana ang nangyari dahil na rin sa gulat pero mabilis rin akong nailing at napairap ng makita si Summer kasama si Hydra na malaki ang ngiti.

"Summer, nakalock ang front! Sinira mo na naman ang lock ay jusko!" Mukha atang naistress si Sherez dahil kay Summer. Si Summer kasi ay may habit na manira ng lock ng pintuan basta makapasok e. Minsan nga naabutan ko pa siya loob ng bahay ko habang nakahiga sa couch at suot pa ang uniform nito na mahimbing ang tulog.

"Para naman may thrill." Ayan, isa pa yan. Para sa kaniya ay thrill ang mangsira ng lock.

"Bakit kasi kayo nandito?"

"Makikikain." Balewalang sagot ni Hydra at dumeretso sa kusina. Si Hydra naman ay madalas magpunta ng bahay para makikain pag tinatamad magluto e pwede naman siyang magpaluto. Sinasama pa nga minsan 'yang si Summer para pag lock ang bahay siya ang magbubukas. Malakas ang trip nilang dalawa. Minsan ay matutuwa na lang talaga kayo sa pagiging ewan nila.

"Buti na lang at wala si Alex dito."

"Oh, your cousin?" Tanong ni Summer na ikinatango lang ng isa.

"Oo e, nandito siya kaninang umaga pero umalis rin dahil may klase pa daw siya." Minsan lang kasi kami magpunta dito kila Sherez e. Lagi kasi siyang wala at madalas tambay sa bahay ni Hyd at sa shop niya. Si Summer na akala mo hindi Doctor e ang galing magwalwal.

Lumabas si Hydra galing ng kusina na may dalang isang plato ng spaghetti.

"Hoy! Meron pa ba? Pahingi ako!" Tumayo naman agad si Summer at mukhang inaatake na naman ng pagiging matakaw niya.

"Huwag mong ubusin lahat ng pagkain ko diyan Summer!" Sigaw pa ni Sherez.

Nilagyan ko naman ng wine ang baso ko na hindi ko ginagalaw kanina pa.

"Ang aga para sa wine a?" Pansin naman ni Hydra.

"Nah, si Sherez 'yan. Mukhang may problema siya e." I shrugged. Napasimangot naman si Sherez sa akin at tumingin sa akin na hindi ko dapat sinabi pero umirap lang ako dito.

"Sher, kinuha ko lahat ng tirang spaghetti ha?" Natawa ako ng makitang may hawak si Summer ng malaking plato at nilapag sa center ng table dito sa gitna ng sala.

"Malala na 'yang katakawan mo Summer." Pang aasar ni Sher sa kaniya. Napailing naman si Hyd dito at tila hindi na nagtataka sa nakikita.

"Bakit parang wala ata 'yong singsing mo? Binawi na ba ni Galaxy?" Napailing ako. Natawa si Summer, siya kasi ang nakapansin at parang gustong bumawi sa akin. E si Sherez naman ang nang asar sa kaniya.

"Kinuha niya at may ipapalagay daw siya." Paliwanag ko.

"Baka pupunta 'yon kay Lila." Tahimik na uminom lang si Sherez sa alak na hawak niya. Kanina pa yan umiinom kaya parang medyo tinatablan na siya. Hindi na kasi wine ang iniinom niya. Kundi isang tequila, nailing na lang tuloy kami. May problema ata talaga siya.

"Lasing ka na ata? May problema ka ba, Sherez Hidalgo?" Biglang humalakhak naman itong isa dahil hindi bagay ni Summer ang pagiging seryoso kahit pa man banggitin pa niya ng buo ang pangalan nitong si Hidalgo.

"Si L-lian—" She hissed and lie in the floor. Mukhang tinamaan na talaga ang magaling. Nakahalati na niya ang tequila. Mahina pa man din siya sa ganiyang alak.

"Lian? Galaxy's friend?" Hydra asked habang nakakunot na ang noo dahil sa pagtataka.

"That girl! P-pinag—t-tataguan a-ta a-ako!" Her voice is shaky at medyo hindi na maintindihan ang sinasabi. Ito ba ang problema niya? Ang kaibigan ni Galaxy?

"Bakit ka naman ng pagtataguan ng modelong 'yon?" Tanong din ni Summer habang may malaking ngisi at may hawak na cellphone. Vinivideo niya ata si Sherez. Kalokohan na naman niya.

"I- fucking l-layk dat g-girl! Y-yet sh-she doesn't want me!" Tuluyan na kaming nailing ng makatulog ito.

That's her problem, liking Lian but the girl doesn't like my friend.

"Lian is a straight girl. Kahit siguro minsan she flirt a girl, she's still a straight girl we know." Sabi ni Hydra. Of course, she knows Lian. Nakasama na rin niya yun ilang beses for sure dahil nga kaibigan ni Galaxy.

"Well, looks like our friend is in love. Where do we find this Lian girl? I-set up natin sila." Natutuwang saad ni Summer. Yan pa ang gusto niya e. Pag alam niyang may nagugustuhan ang kaibigan niya at broken hearted sila, sini-set up niya. Buti na lang kahit minsan hindi pa siya nabigo.

Well, at least now I have my woman to get married with.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon