Special Chapter

9K 359 59
                                    

I feel static. My journey with Calli? Mag sisimula pa lang iyon. Another chapter of my life that I am so sure to cherish every moment will happen so soon.

With her at sa mga kaibigan ko. I want to see how they find their true love too.

Calli as my first love makes my life enjoy the light while dancing into nothing but happiness.

"Ano na Tala? Mag oo ka na kasi!" Naiinis na ako dito kay Tala! I've been asking her that for almost two weeks from now and yet wala pa rin siyang answers!

This Special Chapter would be a moment for me and Calli but I need Tala to say yes.

Girl, this is too impossible.

"Ayokong magturo sa mga estudyanteng matitigas ang ulo, Galaxy." Binaba niya ang basong may laman na wine na kanina pa niya sinisimsim. Tahimik itong nakaupo sa silya niya dito sa office sa loob ng bahay niya.

"C'mon! Ayaw mo ba nun? Thrill yun para sayo! Hindi ka mabobored sa mga estudyante at papers doon!" Segunda ko pa. Sabi ko kasi kay Calli ay samahan niya akong pilitin si Tala e. Kaso wala siya ngayon dito, kasama niya si Athena na nag eenroll sa Blackwoods. Dito na rin siya mag aaral ng grade 12 sabi ni Calli.

Ang alam ko ay enrollment na rin ngayon sa Black Lily. Patapos na Vacation tapos hindi ko pa rin napapapayag itong si Tala!

Nagulat ako ng kinuha niya ang jacket sa upuan at tumayo para lumabas. Kaya naman lumabas din ako para sundan siya.

"Tala! Saan ka pupunta?" Hindi pa kasi ako tapos na pilitin siya tapos tinatalikuran na ako.

"Sa coffee shop." Akala ko ay sasakay ito sa sasakyan ko o sasakyan niya pero hindi. Tuloy tuloy lang itong lumabas sa gate nila kaya wala rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.

"Ano ginagawa niyo dito?" Maski ako ay natigilan ng makita si Summer, Hydra at Sherez dito sa labas ng gate ni Tala. Pasimple silang sumisilip sa loob ng bahay ng kaibigan ko. Curious ata dahil sa totoo lang they never step inside of Tala's house.

"Nakikisilip lang!" Tawang sagot ni Summer habang suot pa niya ang puting uniporme sa Hospital. Tumakas na naman ba siya sa trabaho niya? "Saan kayo pupunta?" Tanong nito. Tumingin lang ako kay Tala na naglakad ulit.

"Sa coffee shop daw?" Alanganin kong sagot.

"Maglalakad!?" I nodded, not sure enough if Tala is serious about this. She's just simply walking like having a rampa in a modeling studio. Like, seriously? She doesn't look like an investigator in her looks.

"Ang layo nun! Wala pa naman kaming dalang car." Reklamo ni Sherez.

"Let's make a deal then." We look at Tala, she is facing us now. Standing proud and classy in front of us. Is she my best friend? Well yeah, I can read the boredom in her eyes.

"What deal?" She smirked at me.

"Samahan niyo akong maglakad hanggang sa isang coffee shop." We look at her wide eye, in disbelief. I mean I can walk kahit na gaano kalayo. Pero sa ganitong sobrang taas ng init?

"Ha? Sure yan? Hoy Galaxy! Bakit ganiyan yang kaibigan mo?!" Napapakamot na tanong ni ate Hydra habang nangingiwi.

Tala shrugged and smirked. "I can say yes in your proposal, Galaxy. But then, kailangan kasama silang tatlo para naman may thrill." Bulalas niya and march in her way. Medyo mabilis ang lakad kaya mabilis din naming sinundan ito.

"What proposal!?" Nahihintakutang tanong ni Summer dahil medyo conscious siya sa itsura niyang naglalakad sa kalye with her lab uniform and heels. Nakaboots naman si Hyd kaya comfortable siya but si Sherez ay mas mataas ang heels nito habang nakamini skirt.

"Kailangan ko siyang mapa-oo sa alok kong pagiging propesor niya sa Black Lily." Sagot ko sa kanila. Masama lang ang tingin nila sa akin, I know it's my fault na naglalakad sila habang pinagtitinginan ng mga taong naglalakad din pero konti lang. Sila kasi may payong kami wala.

Kasalanan din nila kasi pumunta sila dito para lang sumilip. O baka manira ng lock ng bahay. They are comfortable na rin kasi around Tala.

"Goodness, sobrang init!" Napapunas na lang si Sherez sa noo. Pawis na pawis kasi siya gaya ni Summer na nagrereklamo na din.

"Tala! Sige na kasi pumayag ka na!" We are walking for almost ten minutes already. Mga twenty minutes pa mula dito ang pinakamalapit na coffee shop. Ang layo kasi ng bahay nitong si Tala.

"Pagdating natin doon."

I hissed, wala na talaga akong magawa kundi ang sundan namin siya. I need her to say yes, makakatulong rin naman sa kaniya yan e. I even asked her mom if it's okay and they agree with it. Baka daw kasi dito na siya hindi mabored and magstay na lang sa pagiging propesor.

"Sherez?"

Napalingon kami sa babaeng tumawag kay ate Sherez. A woman wearing her jeans and shirt only. She looks simple but money screams her aura. I am so glad that there are still many people who chooses being simple kahit marami silang pera.

"Toni? Saan punta mo?" Hindi kami tumigil sa paglalakad kahit nakita namin siya. Deretso lang kasi si Tala kaya hindi namin nagawang tumigil and sumunod naman ang babaeng tinawag na Toni ni Sher.

"Uh, naghihintay akong taxi kasi pupunta ako sa coffee shop e. Kayo? What a nice outfit habang naglalakad sa gitna ng araw?" Nagtataka man ay nagawa pa rin niyang natawa.

"Si Galaxy kasi dinamay kami sa problema niya! Oo pala, si Summer, and this is Hydra. Kilala mo naman si Galaxy, right?" She asked and Toni nodded. "This is Tala, ang pakana ng paglalakad namin papuntang coffee shop!"

"Ha? Malayo pa yun a? Sure kayo maglalakad kayo?"

"Kasama ka na ngayon!" Naningkit ang mata ni Toni sa narinig. "Guys this is Toni, pinsan siya ng pinsan ko." What did she say? Napakamot ako dahil hindi ko nagets ang sinasabi niya.

"Nice to meet you. Kahit ganitong— ha! I'm so freaking tired!" Summer stop for a while. Tinanggal ang heels pero binalik din. "No way! Ang init ng daan. I can't walk barefooted!" Natawa kami. Sa taas ba ng init ng araw ay talagang mainit din ang sementong daan.

"Sabi sayo Hydra h'wag tayong pupunta sa bahay ni Tala e!" Reklamo pa ulit niya. We start walking again.

Until, we saw a girl with her umbrella, pinapaikot niya ito na parang bata na naglalaro ng payong. May kausap itong pulis ata dahil halata naman iyon sa suot niya.

Nasa kabilang kalsada sila kaya nakita lang namin. Nagsasagutan ata sila dahil naiinis na ang babaeng pulis habang nakangiti lang ang may dalang payong.

"Sher, di ba si Banana yun?" Turo ni Toni sa babaeng may dalang payong.

"Banana? Wala akong kilalang Banana." Sagot naman ni Sher habang nakatingin sa dalawang nag uusap.

"Kaibigan ni Alex yan."

"Ang alam ko sila Ali at ang circle of friends ni Chabe ang kaibigan niya?"

"Kaibigan niya yan. Pinakamaloko at pinakaweirdo sa kanila. Minsan nasa coffee shop rin yan e." Hindi na namin pinansin si Toni at ate Sher na nag uusap lang. Parang nakalimutan na nga nilanh naglalakad kami sa sobrang seryoso nilang nag uusap.

Lumapit ako kay Tala na tahimik na naglalakad. "Kailan ang kasal niyo ni Jirin?" Ngumiti ako ng banggitin niya ang babaeng gustong gusto ko ng makita.

"Next year, napag usapan naman na namin. We're just going to enjoy being engaged for a while."

"I know that you can do it, Galaxy."

"Sana nga ganun. Thank you for always here for me, Tala ha?" She nodded and smile faintly.

"Magtuturo na ako sa Black Lily."

I thought this Special Chapter doesn't make any sense. But now, hearing Tala say yes would be glad for me. Her happiness is my happiness too. I know she would find the happiness she ever wanted to feel.

Malay niyo, ang love life pala niya ay nasa loob lang ng University.

A/N: Thank you for reading this. I love you.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon