Epilogue

9.2K 371 95
                                    

Jirin


"Hey! Kanina pa ako nagtatanong kung saan tayo pupunta e." Hydra rolled her eyes. Halatang inis na inis na ito dahil sa totoo lang kanina pa ako nagtatanong.

Nagulat kasi ako ng sunduin niya ako sa school at kinaladkad ako papunta sa sasakyan niya sa parking lot ng Blackwoods.

"Stop asking, Rin. Wait na lang kasi malapit naman na e." Napasimangot naman ako dito.

Ilang araw ko na rin hindi nakikita si September at hindi ko man lang siya macontact. Kahit isang ring man lang ay wala. Pumunta na din ako sa bahay niya pero wala talaga siya doon. After bumisita ng Daddy niya dito ay naging weird na siya. Tapos biglang mawawala siya at hindi man lang nagpaparamdam.

"Pumunta ba si Sept sa bahay mo, Hyd?" Umiling siya, saan ko ba siya hahanapin?

"Kahapon, oo. Pero kanina hindi naman."

"Nandoon siya sa inyo kahapon?" Ulit ko dito na ikinatango niya.

"Hindi ba kayo nag uusap? Lately di ko kayo nakikitang magkasama." Napairap ako. "Break na ba kayo?"

"Of course not!" Mabilis na sagot ko dito. "Hindi ko siya makontak at hindi ko alam kung saan siya nagpupunta."

"Nag away kayo?" Umiling ako. Hindi naman kami nag away e. Ewan ko sa kaniya at mailap siya ngayon at hindi sunod ng sunod sa akin.

I looked at my watch and it's already 6:30 in the evening. May meeting kasi kami sa school ngayon pero in-excuse kasi ako nitong babaeng ito at hindi ko maintindihan pero may iba sa mga ngisi nila.

"Nasaan na ba tayo?" Madilim kasi sa paligid at parang wala na akong makita sa labas. Tinigil ni Hydra ang sasakyan niya at lumabas.

Lumabas na rin ako dahil hindi ko na naririnig si Hydra. Nasaan na ba 'yon?

"Hydra?" Sandali akong tumahimik at pinakiramdaman ang paligid. "Hyd? Where are you?" Iniwan ba niya ako?

Masasapak ko talaga 'yong Hydra na iyon. Ang dilim dilim dito tapos iiwan ako.

"I swear, Hydra! Itatapon ko lahat ng alak mo!" Wala talagang nag sasalita o kahit anong ingay sa paligid. Sobrang tahimik.

"Oh shit!" Nagulat ako ng biglang nagbukas ang mga ilaw sa taas. Parang mga Christmas light na nakasabit sa taas ng mga puno? Nasaan ba ako?

"Summer?" Nakita ko si Summer sa tabi ng unang puno sa gilid. May hawak itong puting rosas habang lumalapit sa akin bago iabot ang bulaklak sa kaniya. "Anong meron? Anong pakana ito Summer?" Pero imbes na sumagot ay tinalikuran niya lang ako at bumalik sa tabi ng mailaw na puno. Ngumingiti lang na parang baliw.

Nagulat naman ako ulit ng umilaw na naman ang kabila. Sa tapat ng puno na kinaroroonan ni Summer ngayon. Anong meron? Nagtataka akong nakatingin kay Sherez na malaki ang ngiti ngayon. Lumapit din siya sa akin at nagbigay naman ng pulang rosas.

"Sher—" She shh me na sinasabing tumahimik lang ako. I retorted, nakakainis sila.

Kinakabahan na ako ngayon at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
Sunod sunod na nagbukas ang ilaw at si Hydra naman ngayon ang nakita ko, sa kabila ay ang kapatid niyang si Third. The next thing I know ay sabay sabay ng nagbukas ang ilaw hanggang makita ko ang city sa ibaba.

Nasa clift kami? Kung saan una kong nakita at nakilala si September. "Mom?" Nagulat ako ng makita si Mommy kasama si Athena na malaki ang ngiti. Si mommy ay tumango lang sa akin at parang naiiyak na. Kasama rin niya si Tala at Lila.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon