Chapter Nine

7.8K 444 47
                                    

Jirin


Gosh, I really need to punch Galaxy right now. She's being hard headed. She's not acting with her age.

"Wag mo ng ubusin 'yang fishball, Meyer, masyado ka ng maraming nakakain. Ang dami kasi 'yang binili niyo." Kahit na sarap na sarap pa siya sa street foods na 'yan. Hindi naman pwedeng marami siyang kainin. 5 pesos is enough, baka mamaya biglang masira iyang tiyan lalo na at hindi ito sanay. Edi nagkaroon pa ako ng kasalanan kay Hydra?

"Nah, don't mind me, love." Athena smirked at me. Kanina pa nang iinis ang ngiti at tingin nito dahil sa tinatawag sa akin ni Galaxy. Ganun din si Mommy.

Naiinis na inagaw ko ang kinakain nito at nilayo sa kaniya. Sinamaan ko pa ng tingin ito dahil mukhang aagawin pa pabalik sa akin.

"Mommy, don't spoil her with street foods, it isn't good!"

Yes! Si mommy ang dahilan kung bakit may mga bagong biling fishball at squid ball na nasa mesa kanina na nilalantakan na naman ni Galaxy. Tuwang tuwa pa si mommy dito dahil ngayon lang daw siya nakakita ng artistang hindi maarte sa pagkain.

Kanina lang ay nagpaalam ako na aakyat muna para makaligo muna pagkauwi namin ni Galaxy dito sa bahay. Nakakahiya naman kasi na tumabi sa Galaxy na iyon ng hindi pa ako naliligo. Kahit kasi ata pawisan yun ay mabango pa rin siya.

Pagbaba ko ay nakita ko na lang na nagkakasayahan sila dito kasama si Mommy na bumili ng street foods na yan.

"Anak, bakit ba ang sungit sungit mo, ngayon?" Nakasimangot na si Mommy ngayon. Kita mo 'to, pati ata si Mommy ay da-dramahan pa ako.

"Mom, I told you not let Galaxy eat that kind of food, or maybe you can but not that much." Paliwanag ko naman. Tumango na lang ito.

"Pasensya na sa anak ko ija, ganiyan talaga yan e. Laging masungit." Natawa naman si Galaxy dahil sa sinabi ni mama na kinairap ko sa kaniya. She smirked at me.

"Naku, Mommy. Ayos lang, sanay na ako diyan e." Takang tinitigan ko ito dahil sa tinawag niya sa Mommy namin. At kailan pa niya naging Mommy ang Mommy namin ni Athena?

"Ate Galaxy, di ba may concert ka next week?" Si athena na siyang nagluluto ng meryenda naming lumpiang gulay. Our life here in Palawan is simple, walang kahit anong yaman o kaartehan. We love living as simple as that. Ganun din naman ako sa Manila kahit pa sabihin nating may pera o kaya naman o rich na matutukoy nila.

My mom is a well-knowned model. She retired nang namatay ang daddy.

Tumango si Galaxy dito. "Oo, kaya bukas ay babalik na ako sa Manila kasi paghahandaan pa namin yun." Athena hummed.

"Ikaw, Love? Kailan uwi mo?" Baling nito sa akin na ikinasingkit ng mga mata ko.

"I told you not to call me that." I raised my eyebrow. "And sa susunod pa ang uwi ko." Sasagot pa sana ulit ito ng tumunog ang cellphone niya. Nagpaalam saglit si Mommy na may gagawin pa daw sa taas.

But Galaxy as Galaxy, sinagot na lang ang tawag ng hindi muna lumalabas o nag e-excuse.

"Hello?" Nailing na lang ako na inayos ang mga naluto ni  Athena. Para meryenda ito dahil alas tres na ata ng hapon. "Mauna na lang kayo, Chris. Bukas na lang ako babalik sa hotel. Makikitulog muna ako mamaya." Napalingon ako kay Galaxy dahil sa narinig. Makikitulog? Saan? Dito sa bahay!? Sinamaan ko siya ng tingin. "Yeah, safe naman ako. Kilala ko naman mga kasama ko e." "Aha" "Alright, Ciao."

Binato ko siya ng basahan na kinatawa lang niya. "What are you saying Miss!?" Nakakainis. Bigla biglang nagdedesisyon at hindi man lang muna kami sabihan kung ayos lang ba o hindi.

"Makikitulog ako mamaya."

"Wala kaming kwarto." I rebut.

"Sa kwarto mo na lang." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ate, dito mo na lang siya patulugin. Look at her, she looks so tired." Mukha naman talagang pagod ito ngayon dahil nabanggit niya kanina na sunod sunod na araw ang taping niya at walang pahinga at tulog.

Hindi ko na lang sila pinansin at nilagay ang nilutong lumpia sa mesa. Nagtimpla naman ako ng suka at naglagay ng maraming sibuyas. Favorite namin ito ni Athena.

"What is this? It looks yum. Para siyang hubad na lumpia pero ito parang na i-deep-fry?" Takang tanong ni Galaxy na titig na titig sa lumpia.

"Nakatikim ka na ng hubad na lumpia ate Galaxy?" Si Athena. Tumango tango naman ang isa.

"Binigyan kasi ako noon ni Lila ng ganun e. Ang weird pero masarap lalo na sa sauce niya. Pero bakit ito suka?" Ang daming tanong. Nakamot ako sa kilay dahil dito. Naglagay ako sa plato niya at nag abot din ng suka sa kaniya.

"Try it." She looked at me.

"Hm. Okay." Inangat niya ang lumpia at inamoy pa ito. Kumagat naman siya at nagthumbs up pa sa amin. Sinubukan din niyang isawsaw sa suka ito at mabilis na kumain. Nagkatinginan kami ng kapatid ko ng sunod sunod itong kumain ma parang gutom na gutom.

"Seriously? Saan mo nilalagay ang pagkain mo? Kanina ka pa kumakain." Nangiwi ako dito. Para naman kasi siyang hindi nabubusog sa sobrang katakawan.

"Syempre sa tiyan! Ang sarap naman nito. Jirin, gawan mo ko nito pag balik mo sa Maynila ha?" Natawa si Athena sa kaniya dahil para itong bata. Mas bata pa ata kesa kay Athena na 16 years old na ngayon.

"Ate Galaxy, you're really cute, ano po? Ibang ibang Galaxy ang nakikita ko ngayon e." Napakamot ng ulo si Athena. "Sa mga social media kasi medyo fierce ang mga picture lalo na sa mga interviews mo sa Tv. Pero ngayon na nakikita kita. Parang hindi si Galaxy Meyer ang kaharap ko." Namamanghang paliwanag ni Athena na kinatawa lang ni Galaxy.

"Iba kasi ang showbiz, Athena. Tsaka pag walang camera sa paligid mas gusto ko simple lang. Kunwari hindi ako artista." Bida bida pa itong nagtaas ng kamay.

Gez. Mayroon pa palang ganitong artista.

"Kaya rin ba naisipan ng Daddy mo ate na kakasuhan ang mga bastang manggugulo at haharang sayo na mga fans?" Oh? How did she know that? Ganito pag may iniidolo sila? Lahat nalalaman nila?

"Part of it. Pero kasi twice na akong naharassed e. That's the whole reason." Sagot nito. Naalala ko na nung huling nagdinner kami ay tinanong ko rin siya about dun.

"Bakit ka nag artista ate Galaxy?" Hindi ba nauubusan ng tanong si Athena? Seryoso lang akong nakikinig sa kanila habang kumakain. Siguro kasi part of me is gusto ring marinig ang mga sagot nito about sa napiling career.

"Dahil sa isang tao." Tumingin ito sa akin. Smiling softly. "Kasi baka pag nag artista ako ay makilala niya ako at mabilis rin siyang makikita." I felt my hear pounding, sinong tinutukoy niya?

"Nakita mo na ba ate?" Takang tanong ulit ni Athena na halatang interesadong interesado.

"Oo naman! Nakita ko na siyempre!" She beamed. Her eyes is smiling and shining. She smile happily and even laugh, genuine and cutely. Lumalabas pa nga ang maliliit at malalalim niyang dimples sa gilid ng labi niya.

My heart is still pounding hard. It feels weird. I feel weird.

Lalo na ng makitang kumindat ito sa akin at bigla siyang natawa ng mahina dahil sa kalokohan niyang 'yon.

What's with Galaxy, today?

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon