Chapter Twenty-three

7.6K 342 30
                                    

Galaxy


It's been a week pagkatapos ng nangyaring kidnapping kay Calli. We are staying dito sa mansyon ni Hydra kasama si Calli just for a while.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove on sa nangyari." Komento ni Sherez habang katabi si Lian. Nakapag usap na silang dalawa pagkatapos ng gabing 'yon. Nakapag usap na rin kami at nakuwento niyang hindi sinasadya ang pagkikita nila sa New York nung nagpunta siya doon. Sila na ata ngayon? Ayaw na raw niya tumakbo.

"Me either. The kidnapping incident is so epic." Iling pa ni Hyd. "I never imagined to see myself na nasa kidnapping incident ako at panoorin ang epic at fail na pag uusap."

"Actually." I heard Lila. I looked at her and saw how she retorted. "Ang dami ko ng napanood na kidnapping sa tv, movie, o sa balita man walang ganun ka epic."

Paulit ulit sila sa word na epic e ganun naman talaga ang nangyari. Sadyang pinapangalandakan lang nila yung pagiging useless ng kidnap thingy.

Tinatawanan kasi nila 'yong nangyari. Mga goons lang nakipaglaban sa amin. Nakakulong na sila ngayon, si Deborah at Trina ay nasa isang institution dahil sa possessiveness problem nila sabi sa akin ni Lila. While Breeana nakakulong na ito dahil matino naman ang pag iisip niya pero dahil isa siya sa may gawa ng nangyari hindi ko na pinaglagpas pa.

Sabi ni Tala kailangan ding makulong talaga ni Deborah. May kinalaman iyon sa mga names na binanggit daw niya.

"Badtrip din yung naghostage sa akin! Wala palang bala ang baril niya." Nailing ako kay Summer.

Siya ang nahostage pala nung gabi na iyon na sinabi ng isang sundalo. Kagulat din na sundalo ang nandun at hindi mga pulis. Tauhan pala ni Tala iyon.

Sa sobrang gulat at inis daw ni Ate Summer e binugbog niya yung lalaki dahil na rin sa pananakot niya. Nagulat din sila ng may marinig ng putok ng baril. Iyon ang galing kay Deborah.

I even asked Tala about Deborah Lane at sa mga pinagsasabi niya but she never said anything. Confidential daw yun at ginamit lang niya para mawala ang atensyon ni Deborah sa akin.

Tinawanan niya rin ako sa totoo lang kasi ni minsan wala daw sa isip niyang magkaroon ng ganung kidnapping. Weirdo at wala daw kwenta. Nag enjoy lang daw siya nung nakipaglaro sa mga unggoy na goons nila Trina, after that nabored na daw siya. Nasapak ko nga dahil hindi ko alam kung paano mawawala ang boredom ng taong iyon. Baka pag nagkalovelife ay siguro mawala na ang boredom niya.

"Huwag niyo ring pahahawakan ng kutsilyo si Tala pag nandito siya ha!?" Nahihintakutang sambit ni Sherez dahil sa takot. Kabado kasi itong nanonood sa tuwing gamit ni Tala ang patalim niya. "She's scary!"

"Dating Army yun." Tawa ko sa kanila.

"Bwisit! Kaya pala." Napakamot ng ulo si Summer.

"Galaxy?"

Nagulat ako, hindi lang ako dahil pati sila Ate Hydra din. "Daddy!" Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya. "I miss you!"

"I miss you too sweetheart. I heard the news about the kidnapping kaya nandito ako." I nodded. "Where's Tala?" She's fond of Tala, marami kasing nagagawa ang babaeng iyon at gustong gusto ni daddy dahil sa galing niya sa business.

"She's not here dad, naghahanap yun ng pagkakaabalahan. Halika dad, umupo ka. Kasama mo ba si Mommy?" Hindi ko alam na uuwi siya dito para puntahan ako. I know he's busy with his business.

"No, swertheart. Nagpunta ako dito para kumustahin ka. Hindi alam ng mom mo." Natawa ako kay Daddy. Minsan talaga may ugali siya na uuwi dito tapos malalaman kong hindi pala alam ni mom. Tapos pagbalik niya sa Canada magkukwento siya kay Mommy e di nasasapak siya ni Mommy kasi hindi niya sinasama.

"I can't believe you have a lot of admirers, but a psychopath." I giggled. "Hello, Hydra." Hydra hugged Dad and greet him too. She even introduce her friends na medyo na conscious sa professional presence ni Dad.

Si Lian lang ang hindi. Sakto rin na bumaba si Calli, mukhang bagong ligo lang siya at bagong gising din. I smile at nilapitan siya. It's time to introduce my Lady to Dad.

"Baby, halika." Nagtataka itong nakatingin sa nakahawak kong kamay sa kaniya. I winked at her pero inirapan lang ako nito. Gladly, wala naman siyang trauma about sa incidents. Epic din daw kasi 'yon sabi niya. But for me? It is still dangerous lalo na at girlfriend ko ang nasa kapahamakan.

"Baby, this is my Daddy. Dad, this is Calli, my girlfriend." I smiled cheekily as I excited to introduce them to each other.

"So you're the Calli? Ang matagal ng hinahanap ng anak ko." Calli composed herself. Gulat kasi itong makita ang Daddy ko. She doesn't know na nandito dahil nga galing siya sa taas.

"Yes, sir. Pleasure to meet you." Nagshakehands silang dalawa pero mabilis itong hinila ni Dad para yakapin. I chuckled.

"Just call me Daddy. I saw a ring in you, kailan ang kasal?" Natawa ako nang mahina ng makita ang mukha ni Calli na nahihiya at namumula ang mukha pero patuloy pa rin siya sa pagcompose ng sarili.

"Hindi pa namin napag usapan iyan Daddy."

"Mayber a year." Dad chuckled as he heard it from Calli.

A year!?

Does that mean magpapakasal na kami after a year!?

"Siguro ay kailangan muna naming hanapin ang iba pang nababaliw na mga admirer ni Galaxy, Tito. Baka kasi maulit na naman ang nangyari. Ayaw na namin ng isang weird at napaka epic fail na kidnapping."

Nagpakuwento si Dad about sa nangyari. Hindi ko alam pero tuwang tuwa ito at sumang ayon sa epic fail daw pakikidnap. Ayaw talaga nilang tigilan.

Inakbayan ko si Calli at isang ngiti ang binigay ko ng yakapin niya ako sa waist ko.

"Ang boring talaga ng kidnapping tito! Ang useless, nakakaantok." Segundang pagkomento ni Lila na tahimik lang kanina pero panay ang iling sa naririnig na komento ng isa't isa dahil sa nangyari.

Siguro magt-take muna ako ng break sa showbiz. Kalat na kalat din kasi ang nangyaring yun at ang daming komento ng mga tao tungkol dito. Marami ding natanggap na masasamang salita ang tatlo. Even Trina and Breeana dahil nga sa sikat rin sila kagaya ko.

I am disappointed sa totoo lang. Iyong takbo ng buhay ko mula ng nakilala si Calli, it was a thrill for me. And the kidnapping thingy ay yun yung na disappoint ako. Naging kaibigan ko din kahit papaano sila Bree at Trina. Iniwasan ko lang ng mapansing hindi na maganda at sumusobra na ang ginagawa nila.

I want a break muna and mag enjoy siguro with Calli.

Also, andito daw si Dad to check on me and meet Calli na laging napag uusapan sa media pag may fans na nag a-upload ng picture naming dalawa.

I mentally smiled and plan how to surprise Calli. It's time to propose on her. Kahit na Fiance ko na siya gusto ko pa rin na may mangyayaring ganun para hindi makalimutan ni Calli. I want this proposal to be a memorable one.

"Baby tara, magdate tayo. Iwan na natin sila dito."

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon