Prologue

112 26 0
                                    

People say I’m weird.

They judge me easily.

They think I’m a psycho.

Because...

I fell inlove with the fictional character.

“Solemn, nagbabasa ka na naman!” malakas na sabi sa akin ng isa kong kaklase.

“Wala namang bago r’yan, hindi ka na nasanay sa bookworm na ’yan,” natatawang sabi naman ng isa pa.

Mga kaklase ko sila simula pa lang noong elementary at hanggang ngayong highschool ay hindi pa rin nila ako tinitigilan sa pangbubully sa akin.

“Ano bang meron d’yan sa manga mo? Bakit hindi mo tinitigilan ang pagbabasa?” tanong ni Dominic at hinablot ang libro ko. Mabilis akong napatayo.

“Akin na ’yan!” pilit kong inaagaw pero iniilag n’ya ang libro ko. Puro tawanan at asaran ang naririnig ko. Vacant namin ngayon kaya walang teacher na babawal sa kanila.

“Abutin mo muna,” pang-aasar pa niya at lalong tinaas ang libro ko.

“Akin na sabi, e!” Sinubukan kong talunin pero hindi ko nakuha at nalaglag pa ang salamin ko.

“Oops! Sorry hindi ko napansin.” Nang akmang pupulutin ko kasi ang salamin ko ay bigla itong tinapakan ni Dominic.

“Patingin nga ng libro ni Solemn,” rinig kong sabi ni Joanne. Nakaluhod ako ngayon para kunin ang salamin ko, basag na basag ’to at hindi na magagamit pa. Tumulo ang luha ko. Bakit ko ba nararanasan ’to?

“Ang gwapo naman pala ng bida,” pakinig ko pang sabi niya. Nanatili akong nakayuko.

“Nainlove siguro kaya hindi matigilan ang pagbabasa!” malakas silang nagtawanan sa sinabi ni Dominic.

“Boring naman ng buhay mo, Solemn!” komento pa ng isa.

Nagbalak na akong tumayo pero halos nawalan yata ako ng lakas nung makita ko ang bawat pahina ng libro ko na nalalaglag ngayon sa sahig.

“Anong... Anong ginawa mo?” Mabilis kong pinagpupulot ang bawat pahina at hinablot ko sa kan’ya ang libro ko. Gulat silang lahat dahil napatahimik ang buong classroom namin.

“’Yung pagsalitaan ninyo ako ng kung anu-ano ay matatanggap ko pa. Pero ’yung sirain ninyo ang pinakamahalagang bagay sa akin ay hindi ko na matatanggap!” galit kong sabi at dinuro-duro ko pa s’ya dahil sa galit ko. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at walang pakiealam na nilampasan sila.

“Oh? Uwian na ninyo?” salubong na tanong ni Mama sa akin. Hindi ko s’ya sinagot at dire-diretso lang akong pumasok sa kwarto ko.

“Bakit gano’n sila? Wala naman akong ginagawa sa kanila pero bakit ang grabe nila sa akin?”
Nagsimula na akong humagulgol habang nakatingin sa isang pahina ng libro kong pinunit ni Joanne.

“Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, bakit hindi nila maibigay sa akin ’yon? Bakit araw-araw ako na lang palagi ang nakikita nila? Hindi ba sila nagsasawang i-bully ako? Kasi ako, sawang-sawa na ako.” Nahihirapan akong huminga dahil sa pag-iyak ko.

Marami pa akong sinabi kahit ang kausap ko lang ay isang pahina ng libro ko. Gumabi na at lahat ay hindi pa rin ako tumigil kaiiyak.

“Sana nag-e-exist ka na lang, e, ʼdi sana may tagapagtanggol ako, gusto ko ring maranasan ’yung ginagawa mo sa kapartner mo,” huling sabi ko bago ako dinalaw ng antok.

“Hala ang gwapo n’ya!”

“Oh my gosh! Ang gwapo!”

“Anong grade niya kaya?”

“Bago lang s’ya ʼdi ba?”

“May bago na naman tayong kababaliwan.”

Taka kong tiningnan ang mga studyanteng nadaraanan ko. Anong meron? Anong gwapo? Kararating ko lang pero ganito na sumalubong sa akin.

“Ano kayang pangalan n’ya?” rinig kong sabi ng nakakasabay ko.

“Anong meron?” tanong nung isa. Pagkakataon ko na rin ’to para malaman.

“May transfer student, sobrang gwapo!” sagot nung isa. Nangunot lang ang noo ko. Bakit ang big deal sa kanila? Gwapo? Fictional character lang ang gwapo para sa akin.

Hindi ko na pinansin ang mga bulungan at tilian nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Aray!” Napaupo ako dahil sa lakas ng tulak sa akin ng isang studyante. Ano ba namang problema nito?

“You okay?” Napatingala ako sa nagsalita. Halos malaglag ang panga ko dahil sa nakita ko.

“You...” Nakaturo ako sa kan’ya habang nanlalaki ang mga mata. Parang kagabi lang ay kausap ko s’ya sa isang pahina ng libro ko, pero ngayon, narito siya sa harapan ko at nakalahad ang kamay para tulungan ako.

He existed?

OCHINAIDE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon