07

53 25 2
                                    

Sa araw-araw kong pagbabasa muli ng librong Ochinaide ay nawiwirduhan talaga ako. Para talagang nag-iiba ang bawat senaryo sa librong ’to.

Hanggang sa dumating na nga ang isang bagay na halos hindi ko mapaniwalaan, he existed. Ang lalaking nasa librong binabasa ko ay nasa harapan ko na ngayon.

“Miss, you okay?” muling tanong niya. Nakalahad pa rin sa akin ang kamay niya. Pinagtitinginan na kami ng mga studyante kaya mabilis kong kinuha ang kamay niya at tumayo ako.

“Josaiah?” Pinakatitigan ko pa siya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kamukhang-kamukha niya ang nasa libro.

“What?” takang tanong niya at binawi ang kamay na hawak ko pa pala.

“Ikaw si Josaiah ʼdi ba?” tanong ko pa. Maraming bulungan ang naririnig ko pero hindi ko na pinansin pa.

“No. Sorry, Miss.” Akmang aalis na siya pero hinawakan ko siya sa braso dahilan para matigil siya.

“I know it’s you, Josaiah.” Hindi ako pwedeng magkamali dahil ilang beses ko na siyang nabasa, ilang beses ko na siyang natitigan at paulit-ulit akong nahulog sa kan’ya kahit nasa libro lang s’ya.

“Nagpapapansin kasi gwapo ’yung guy.” Hindi nakatakas sa pandinig ko ’yung sinabi ng isang studyante.

“Baka paraan niya ’yon para malaman name ng guy,” sabi pa nung isa.

“Psycho!”

“Miss, I don’t know you. I’m sorry and excuse me,” sabi ni Josaiah at hinarap ang banda kung saan nagsalita ang mga studyante tungkol sa akin.

“Ang gwapo n’ya,” impit ang tiling sabi pa ng isa.

“Don’t call her psycho. Don’t judge her.” Nagulat ako sa sinabi niyang ’yon. Katulad na katulad talaga siya ng nasa libro, pakiramdam ko ay ako si Sabrina ngayon.

“Sorry...” sabi ng mga ito at bahagya pang yumuko.

Nilagpasan sila ni Josaiah. Nanatili naman akong nakatitig sa likuran nitong palayo na sa amin. Napadako ang kamay ko sa bag ko at isa lang ang pumasok sa isip ko— ’yung libro.

“Nasaan na ’yon?” takang tanong ko. Hinalungkat ko pa ang mga gamit sa loob ng bag ko pero wala talaga ang libro ko.

Baka nakalimutan ko lang?

Iyon na lang ang inisip ko at naglakad na muli ako papunta sa room namin. Ayokong isipin na nawala ang libro at nagpakita si Josaiah sa totoong mundo. Isang napaka-imposibleng bagay no’n kung nagkataon.

“Good morning, everyone!” bati sa amin ni Ma’am. Kanina pa ako tulala kakaisip sa mga nangyari.

“Good morning, Ma’am.”

Hindi na lang ako nakisagot. Nakatingin lang ako sa kamay kong nasa ibabaw ng table ko ngayon.

“You have new classmate,” masiglang sabi pa ni Ma’am. Hindi pa rin ako tumitingin sa harapan. Ayaw kong intindihin ang mga sinasabi ni Ma’am.

“Ang gwapo niya talaga,” rinig kong sabi ng medyo malapit sa akin.

“Buti na lang dito siya napunta,” sabi pa ng isa.

Taka ko silang tiningnan, kinikilig at sa harapan mga nakatingin. Taka ko rin tuloy tiningnan ang nasa harapan.

“Holy sh*t!” Nagtama ang paningin naming dalawa. Bakit siya nandito? Bakit kami magkaklase?

“He is Ryo Tuazon!” pakilala ni Ma’am. Bulungan at iritan na naman ng mga kaklase ko ang narinig ko. Asar ko silang tiningnan, busy sila sa lalaking nasa harapan.

“Nice to meet you.” Napalingon ako muli kay Jos dahil sa sinabi niya. Para sa lahat ang sinabi niya pero sa akin siya nakatingin.

“Have a seat, Ryo.” Napatingin ako sa tabi ko, bakante ito. Pasimple ko ring tiningnan ang ibang upuan.

“Thank you, Ma’am!” sagot nito at nagsimula nang maglakad para humanap ng upuan niya. Iniwas ko ang tingin ko at pinaglaruan na lang ang daliri ko.

“Dito ka na lang,” rinig ko pang sabi ng nasa harapan ko.

“Thanks,” sagot ni Jos. Gusto kong i-angat ang paningin ko para tingnan kung doon nga ba naupo si Jos pero pinigilan kong huwag tumingin.

“So let’s proceed to our topic yesterday,” nagsimula nang magdiscuss si Ma’am. Nanatiling nasa kamay ko ang paningin ko.

“Makinig ka, Miss.” Mabilis kong nai-angat ang paningin ko at napabaling sa katabi ko. Bakit dito siya nakaupo?

“Bakit nandito ka?” hindi ko na napigilang i-usal.

“Why?” takang tanong naman niya.

“Akala ko ay roon ka mauupo...” bahagya ko pang tinuro ang upuang nasa harapan niya.

“Ayaw mo ba akong katabi?” Napalingon ako at nakitang nakataas ang kilay n’ya.

“Hindi naman sa ganoʼn...” mahinang sabi ko dahil baka marinig ako ni Ma’am.

“Ayaw mo na may katabi?” tanong niya muli. Umiling ako.

“Nagulat lang ako na rito ka naupo, akala ko kasi talaga ay roon ka.” Tinuro ko pa muli ang nasa harapan niya.

“Yeah, whatever. Makinig ka na,” sabi niya at bumaling na sa harapan. Buti na lang at hindi kami napansin ng teacher namin na nagdadaldalan dito sa likod.

Nakinig lang ako buong klase pero hindi ko alam kung may pumapasok ba sa isip ko. Libro at ang lalaking nasa tabi ko ang sumasakop ngayon sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit kamukhang-kamukha niya ang nasa libro. Kailangan kong makita ang libro ko para maipakita ko rito sa katabi ko.

“That’s all for today,” saad ng teacher namin at nagtayuan na ang mga kaklase ko bukod dito sa katabi ko at ako.

“Bye, Ma’am.”

Nanatili akong nakaupo, nakatingin sa mga kaklase kong sumusulyap din dito sa gawi ko. Sa katabi ko sila tumitingin.

“Hindi ka magbebreak?” tanong ni Ryo. Yes, Ryo na itatawag ko dahil hindi ko pa sigurado kung siya nga ba ang nasa libro.

“Wala akong gana,” sagot ko pero ang totoo ay ayaw ko lang pumuntang cafeteria dahil pagtitripan na naman ako ro’n.

“Why?” Tumingin ako sa kan’ya, nakakunot ang noo niya habang nakatingin din sa akin.

“Wala lang talaga akong gana.” Ngumiti pa ako sa kan’ya. As usual bulungan na naman ang narinig ko.

Para kaming nasa libro. Si Ryo na nakatayo  habang nakapamulsa ang mga kamay at nakatingin sa akin. Ako na naka-upo at nakatingala habang nakangiti sa kan’ya. Para talaga kaming nasa libro, parang ako si Sabrina at siya si Josaiah.

“Let’s go.” Nagulat ako sa biglaang paghawak niya sa kamay ko. Kakaibang pakiramdam ang naging dulot nito sa akin. Para akong nakuryente sa simpleng dampi ng balat niya sa balat ko.

Josaiah...

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Where stories live. Discover now