06

61 25 5
                                    

Panibagong araw na rin ngayon para sa akin. Hindi ko na natuloy ang pagbabasa matapos akong utusan ni Mama maghiwa ng sangkap niya. Nakatulog na rin ako kaya hindi na ako nakapagbasa.

“Anong page na ba ako?” Nakaupo ako ngayon sa pwesto ko. Tapos na ang flag ceremony namin at wala pang teacher kaya may oras ako para magbasa.

“Nagbabasa ka na naman, bookworm.” Napatingala ako dahil sa nagsalita. Si Dominic kasama ang iba pa naming kaklase.

“Inlove na inlove siya sa lalaking bida,” sabi ni Seth at tumawa na sila.

Hindi ko na lang pinansin at hinanap ko kung anong page na ako.

“Boring mo talaga kahit kailan, Sol.” Iniwan na nila ako matapos sabihin ’yon. Hindi ko na lang ulit pinansin ang sinabi nila.

Josaiah: Binubully ka na naman nila?

Nakita ko na kung saan ako nahinto. Nasa school na rin silang dalawa ni Sabrina. Nakita niyang may nambubully kay Sabrina.

Sabrina: Ayos lang, hindi ko naman na pinansin.

Nakahawak siya ngayon sa balikat ni Sabrina. Gaya ng palagi kong ginagawa ay tinititigan ko muna ang litrato nila at saka pa lang binabasa ang mga susunod na linya.

Josaiah: Sa susunod matuto ka ring lumaban.

Nakakunot ang noo niya. Ang gwapo talaga niya.

Sabrina: Mas gusto kong manahimik na lang kaysa makipag-away sa kanila.

Parehas kami ni Sabrina. Ganoon din ang gusto kong mangyari. Mas gusto kong manahimik na lang kaysa makipag-away pa. Titigil naman siguro sila kapag nakita nilang wala akong pakielam.

Josaiah: Mas lalo ka nilang ibubully kapag nakikita nilang mahina ka.

Napatitig ako sa mukha niya. Sa mga mata niyang parang hinihigop ang buong lakas ko. Kakaiba ang ganda ng mga mata niya.

“Solemn? ” Napatingin ako sa harapan nung tinawag ang pangalan ko. May teacher na pala.

“Sorry po, Ma’am!” hinging paumanhin ko at sinara na ang librong hawak ko.

Nagsimula ang klase pero ang isip ko ay naglalakbay kung saan na ang susunod na mangyayari sa binabasa ko.

Lumipas pa ang mga araw na puro pagbabasa ang ginawa ko. Bawat libreng oras ko ay nagbabasa ako. Natapos ko na rin ang librong Ochinaide ang pamagat.

“Hay buhay!” napapabuntong-hiningang sabi ko. Nabobored ako, may hinahanap ako sa bawat binabasa ko. Hindi ako nag-e-enjoy sa mga librong nabasa ko na.

Hinahanap-hanap ng sarili ko ang librong binasa ko noon. Ang librong may lalaking sobrang grabe ang epekto sa akin.

“Nainlove na ba ako sa fictional character?” naitanong ko na lang sa sarili ko.

Sa rami ng librong nabasa ko, wala ni isa ang nakapantay sa excitement na naramdaman ko kapag Ochinaide na ang binabasa ko. Hindi ako sobrang excited magbasa simula nung natapos ko ang librong ’yon. Para pa akong nawalan ng gana.

Lumipas pa ang ilang taon pero hindi nawala sa isip ko ang lalaking nasa librong ’yon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng ibang libro pero siya talaga ang hinahanap-hanap ko. May kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.

“Highschool na tayo pero adik ka pa rin sa pagbabasa, Sol.” Natatawang sabi ni Dominic.

Highschool na kami pero patuloy pa rin siya sa pang-aasar sa akin.

“Ano bang pakielam mo?” asar na tanong ko. Nagulat yata siya dahil ngayon lang ako sumagot sa ilang taon niyang pambubully sa akin.

“Matapang ka na?” nakangising tanong niya. Hindi ako umimik. “Porket nagmatured ka na, gumagan’yan ka na ngayon?” tumawa pa siya.

“Ikaw, kailan ka magmamatured?” Naagaw namin ang atensyon ng ibang kaklase.

“Palaban na ang kaklase nating psycho!” sigaw niya kaya natawa ang mga kaklase namin.

Psycho. Yes, they called me that. Nainlove raw kasi ako sa lalaking nasa libro. Wala akong nagugustuhang lalaki bukod doon, lahat ng nagkakagusto sa akin ay hindi ko binibigyang pansin.

“Matapang ka na niyan, Sol?” Tinulak niya pa ako sa balikat.

“Tinuruan yata siya ng lalaking nasa libro,” sabi ni Joanne. Nagtawanan sila ulit.

Nanatili na lang ulit akong tahimik. Ayoko nang makipagsagutan sa kanila. Wala akong mapapala sa kanila.

“Baka tumanda kang dalaga niyan, Sol!” sabi pa ni Seth.

Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan muli silang magsalita nang kung anu-ano tungkol sa akin.

Josaiah: Ayos ka lang ba?

Yes, binabasa ko ulit ang librong ’to. Ilang taon ang pinalipas ko at ngayon ay binabasa ko na ulit.

Sabrina: Yes, thank you.

Ganoon pa rin ang epekto sa akin ng mga linya ni Josaiah. Ang itsura niya ay nakatatak pa rin sa isip ko pero hindi ako nagsasawang tingnan muli ang litrato niya sa libro.

Josaiah: Don’t let them judge you.

Napatitig ako sa linyang ’yon. Hindi ko alam kung nabasa ko na ba ito noon pero parang hindi pa. O baka nakalimutan ko lang ang ibang pangyayari rito.

Sabrina: Silence is better than bullsh*ts, Jos. Wala akong pakielam sa mga sinasabi nila. Mas kilala ko ang sarili ko.

Seryosong sabi ni Sabrina. Nakatingin lang sa kaniya si Josaiah. Mga tinging ilang taong hindi nawala sa isip ko.

Walang araw na hindi ako nakaramdam ng kakaiba sa tuwing nagbabasa ako nito. Pakiramdam ko ay bawat araw nag-iiba ang takbo ng storya kumpara noon.

“Kumain ka muna,” sabi ni Mama. Nakagayak na kasi ako at handa nang pumasok sa school.

“Baka ma-late na po ako.” Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.

“Maaga pa, Solemn. Kumain ka muna,” muling sabi niya. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Mama.

Late na kasi akong nagising dahil sa kakaisip ng mga nangyayari sa akin at sa librong binabasa ko.

“Ma, posible bang magkatotoo ang mga kwento sa libro?” wala sa sariling naitanong ko.

Napakunot ang noo ni Mama. “ʼDi ba ang mga movies ay sa libro rin naman nakukuha?” tanong niya.

Napatango ako. Oo nga naman, posibleng maging totoo ang mga kwento kung gugustuhin mo ito. Kumain na lang ako nang mabilis para makapasok na ako sa school.

As usual, pagkarating ko ay pinagtripan na naman ako ng mga kaklase ko. Sanay na ako kaya diretso na lang akong naupo sa upuan ko at nilabas ang libro ko.

“Nakalimutan ko lang ba o sadyang nagbabago talaga ang storya sa bawat pahina?” mahinang sabi ko habang nakatitig sa libro at marahang hinahaplos ito.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Where stories live. Discover now