02

66 26 4
                                    

Nang makarating sa school at wala pang masyadong studyante ay pumwesto na ako sa upuan ko saka ko inilabas ang libro ko.

“Ang gwapo talaga!” Kinikilig pa rin ako sa tuwing masisilayan ko ang mukha ng bida.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at hindi pinansin ang mga parating na kaklase ko. Kahit maiingay sila ay hindi ko alintana at nakafocus ako sa libro.

“Hoy! Solibro, maglilinis daw,” tawag sa akin ng isa kong kaklase. Solibro ang binansag sa akin dahil mahilig nga akong magbasa.

“Sige,” sagot ko naman. Muli akong nag-ipit sa libro ko para hindi ko makalimutan kung saan na ako.

“Ang aga-aga puro pagbabasa inaatupag mo,” sabi naman ni Mica, isa sa maarte kong kaklase.

“Wala naman kasing ginawa kanina,” katwiran ko naman at inirapan niya ako.

Sumunod ako sa kanila para maglinis. Hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari sa binasa ko. Kaya naman kahit na mahirap ang ginagawang paglilinis ay hindi ko maramdaman ang pagod dahil okupado ng manga ang isip ko, lalo na nung lalaking bida ro’n.

“Buti pa si Solemn ang sipag,” puri sa akin ng teacher namin. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

“Sipsip sa teacher,” parinig ni Mica.

“Sipag-sipagan para mapuri,” sabi naman ni Joanne.

Hindi ko na lang sila pinansin kahit ang dami nilang sinasabi sa akin. Nanatili akong tahimik at iniisip ang mga nabasa ko sa libro.

“Sige na, pumasok na kayo at magpahinga,” sabi ng teacher namin matapos ang ilang minuto. Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko para maghugas ng mga kamay.

Nagpahuli na ako dahil alam kong masasaktan lang ako kapag nakipagsiksikan ako sa kanila.

“Oh, Sol? Bakit hindi ka pa maghugas ng kamay?” tanong ni Ma’am sa akin.

“Mamaya na po kapag tapos na sila,” sagot ko naman. Tumango ang teacher ko sa akin.

“Sa cr ka na maghugas,” sabi niya pa kaya naman mabilis ko s’yang sinunod. Per cubicle naman ang cr sa school namin kaya maraming gripo rito. Pinili ko ang huling cr para siguradong walang tao.

“Nakakainis ’yang Sol na ’yan.” Maya-maya’y narinig ko. Palabas na sana ako pero natigil dahil sa usapang iyon.

“Sobra, halata namang nagpapapansin sa teacher natin.” Kung hindi ako nagkakamali ay si Mica at Joanne ’tong nag-uusap.

“Sipsip kasi,” sabi pa ni Mica.

“Dapat do’n tinuturuan ng leksyon.” Kinabahan ako sa sinabi ni Joanne.

“Abangan natin sa labas mamaya,” sabi naman ni Mica.

“Sige.” Nakarinig pa ako ng ilang sinabi nila at saka sila lumabas.

Hindi muna ako lumabas agad. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay bibigay ako ngayon. Ano bang nagawa ko sa kanila at bakit ginaganito nila ako? Sa ilang taon naming magkakaklase ay walang araw na hindi yata nila ako binully.

“Nand’yan na si Solibro!” Nagtakbuhan pa sila sa mga upuan nila pagpasok ko sa room. Ano na namang ginawa nila?

“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Mica pero hindi ko siya sinagot.

“Nasaan ang bag ko?” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang makita kong wala ang bag ko sa upuan ko.

“Hanapin mo,” sabi ni Seth. Isa sa bully din dito sa room.

“Nandito lang naman sa paligid ’yon,” sabi naman ni Marcus. Sa totoo lang, magtotropa silang lahat dito, ako lang ang naiwan dahil ako ang binubully nila.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang bag ko. Nagbubulungan at nagtatawanan sila.

“Nasaan ba?” gusto ko nang umiyak pero pinipigilan ko. Ayokong ipakita na mahina ako dahil mas lalo nila akong gaganituhin.

“Hanapin mo nga!” sabay nilang sabi at nagtawanan pa.

“Clue! Nakasabit,” sabi ni Dominic. Mabilis akong tumingin sa mga pwedeng sabitan nila pero wala akong makita na bag ko. Saan nila tinago?

“Another clue, malalaglag na,” sabi naman ni Joanne at tumawa sila.

Nagkaroon ako ng hint sa sinabi niya. Mabilis akong tumakbo sa bintana at doon nakita ko nga ang bag kong nakasabit. Konting galaw ay malalaglag na ’to sa kabilang bakod ng school namin.

“Mga punyawa!” mabilis kong kinuha ang bag ko, buti na lang at hindi ito nalaglag.

“Ang galing naman,” sarcastic na sabi pa ni Dominic. Hindi ko sila pinansin at niyakap ko ang bag ko. Pumunta na ako sa upuan ko.

“Iyak ka na, Solibro!” tumatawang sabi ni Seth. Hindi ako iiyak, hindi ako pwedeng umiyak.

“Iiyak na ’yan!” sabi pa ng iba. Nanggigilid na ang luha ko pero pinipilit ko pa ring pigilan.

“Kawawa naman si Solibro, walang kaibigan, walang kakampi,” sabi pa ni Dominic at hinampas pa ang table ko na s’yang kinagulat ko. Nagtawanan muli sila.

“Iyak ka na, Solibro.” Pinalibutan nila ako. Niyakap ko ng mahigpit ang bag ko at yumuko roon. Hindi ako iiyak.

“Lumayo kayo sa akin.” Nahihirapan akong huminga, pinapalibutan nila ako.

“Paano kung ayaw namin?” rinig ko pa ang maarteng boses ni Joanne.

Tumunghay ako at tiningnan sila isa-isa. Mga nakangisi silang lahat sa akin. Nang-aasar na mga tingin.

“Please! Layuan ninyo ako!” malakas na sabi ko na kinagulat nila.

“Sumisigaw ka na? Lumalaban ka na?” dinuro-duro pa ako ni Joanne sa noo. Hindi ako kumilos at hinayaan ko lang siya.

“May maipagmamalaki ka na ba sa amin?” Naramdaman ko naman ang pagsabunot ni Mica sa akin. Ang sakit ng anit ko dahil doon. Gusto ko nang umiyak pero pinigilan ko pa rin.

“Tama na, tigilan na ninyo ako,” muling sabi ko.

“Ayaw nga namin, anong gagawin mo?” si Dominic naman ang nagsalita.

“Wala akong ginagawa sa inyo para ganituhin ninyo ako.” Nararamdaman ko na ang paggaralgal ng boses ko.

“Marami kang ginagawa, Sol. Maraming nakakainis sa ’yo pati iyang pagmumukha mo,” sabi muli ni Joanne.

Tiningnan ko s’ya. “Huwag kang tumingin kung naiinis ka sa akin.” Nakatanggap ako ng sampal sa kaniya.

“Namimilosopo ka pa!” inis niyang sabi. Muli na naman niya sana akong sasampalin pero biglang may sumigaw.

“Nand’yan na si Ma’am!” Mabilis silang nagsibalik sa mga pwesto nila. Sinamaan pa nila ako ng tingin at mga nagbabanta.

Napahagulgol na lang ako habang yakap ang bag ko. Hindi ko na kaya, sobra na sila.

“Anong nangyari rito?” tanong ni Ma’am na nakapagpatahimik sa kanila.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ