03

62 25 3
                                    

Pinigilan kong mapahikbi. Pinigilan ko ang luha ko. Walang nagsasalita ni isa man sa amin.

“Anong nangyari?” muling tanong ni Ma’am.

“Wala naman po,” si Mica ang nangahas na sumagot.

Hindi ko sila nakikita dahil nanatili akong nakayuko.

“Umiiyak ka ba, Sol?” Mabilis akong umiling sa tanong ni Ma’am. Hindi ko magawang i-angat ang ulo ko para tingnan s’ya.

“May masakit po yata kay Sol, Ma’am!” sabi ni Dominic.

“Oo nga po, Ma’am. Kanina pa siya nakagan’yan,” rinig ko naman sabi ni Seth. Ang sinungaling talaga nila.

“Anong masakit sa ’yo, Sol?” tanong ni Ma’am sa akin. Ramdam ko na rin ang paglapit niya sa akin.

“Wala po...” mahinang sagot ko.

“Umiiyak ka, ano bang masakit sa ’yo?” muling tanong ni Ma’am. Gusto kong mapahagulgol pero pinigilan ko.

“Wala po, Ma’am.” Ramdam ko ang nginig sa boses ko. Pahikbi na naman ako.

“Sa clinic ka muna kung masama ang pakiramdam mo,” sabi pa ni Ma’am at hinagod ang likod ko.

“Salamat po.” Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumayo na ako saka mabilis tumakbo palabas ng room. Habang tumatakbo, roon ko nilabas lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

“Ouch!” may nakabunggo ako, hindi ko siya napansin.

“Sorry...” hinging paumahin ko naman.

“Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!” ramdam ang inis sa boses niya.

“Pasensya na, hindi ko napansin.”

“Apat na mata mo hindi mo pa napansin.” Inirapan niya ako at binangga pagkatapos.

“Sorry ulit...” hindi ko na lang pinansin ang pagbangga niya. Diretso na lang akong naglakad papuntang clinic.

“Anong masakit sa ’yo?” tanong ng nurse.

“Ulo ko po,” sagot ko. Kailangan kong magsinungaling dahil hindi pwedeng papasukin dito kapag walang sakit.

“O, sige, roon ka sa huling kama pumwesto,” utos niya na sinunod ko naman agad. Pagkalapit ko ro’n ay nahiga ako at kinuha ang librong binabasa ko.

“Sana nag e-exist ka na lang...” mahinang sabi ko at napabuntong hininga.

Sa kwentong ito kasi ay may babae ring nabubully, madalas ay sinasaktan pa siya ng mga kaklase niya. Isa lang ang kakampi niya at iyon ay ang lalaking bida. Sa kwentong ’to ay mas dumami ang nangbully sa babae dahil close ito sa lalaking bida. Dahil sa taglay nitong kagwapuhan ay talaga namang hinahangaan nang nakararami.

Wala pa ako sa kalagitnaan ng storya. In-e-enjoy ko ang bawat pahina dahil sobrang ganda ng kwento at bonus na ang gwapong bida. Pakiramdam ko ay naiinlove ako sa kan’ya.

“Uminom kang gamot.” Inalis ko ang tingin ko sa binabasa at tiningnan ang nurse na may hawak na basong may tubig at gamot.

“Salamat po!” Kinuha ko ang gamot at mabilis na ininom ito.

“Magpahinga ka muna,” bilin n’ya pa at iniwan na ako.

Pinagpatuloy kong muli ang pagbabasa. Nasa parte na akong pinagtatanggol n’ya muli ang babaeng bida.

Josaiah: How many times do I have to tell you?

Van: Kinakampihan mo na naman ang babaeng ’yan?

Magkaibigan ang dalawang ’to. Pero si Van ay nambubully din sa babaeng bida na nagngangalang Sabrina.

Josaiah: Van, hindi ka na bata. Alam mo na ang tama sa mali.

Van: Nagkakatuwaan lang kami, Jos.

Josaiah: Kailan pa naging katuwaan ang pangbubully?

Napatitig ako sa galit na litrato ni Jos. Ang perpekto ng lalaking ’to. Napakaswerte ng babaeng mamahalin nito kung nag-e-exist lang siya sa totoong mundo.

Van: Umamin ka nga, may nararamdaman ka ba para sa babaeng ’yan?

Muli ay tinitigan ko ang litrato ni Jos. Walang emosyon ang mukha niya habang hawak ang kamay ng babae.

Maganda si Sabrina. Mahinhin at maamo ang mukha kaya nakakapagtaka na tampulan pa rin siya ng tukso sa eskwelahan nila.

Josaiah: Tigilan mo si Sabrina.

Taliwas ang naging sagot ni Jos sa tanong ni Van. Nakakaramdam na ako ng excitement dahil dito sa binabasa ko.

Sabrina: Tama na.

Ang ganda talaga ng babaeng ’to. Bagay na bagay sila ni Jos. Gusto ko na agad tapusin ’to para malaman ko ang mangyayari.

Van: Ayusin mo ang desisyon mo sa buhay, Jos.

Masamang tingin ang pinukol ni Van kay Jos. Si Jos ay nanatili lang seryoso habang si Sabrina naman ay nakayuko na.

Tinigil ko muna ang pagbabasa ko dahil naiihi ako. Mabilis akong pumunta sa cr ng clinic para gawin ang dapat kong gawin.

“Sol, may cellphone ka bang dala? Bakit may umiilaw dito?” nagtaka ako sa tanong ng nurse.

Nang matapos akong umihi ay mabilis akong lumabas. Nakita ko ang nurse na nasa pwesto ko kanina.

“Ano po?” tanong ko.

Kunot ang noo niya akong tiningnan. Kahit ako tuloy ay nagtataka sa nurse namin.

“May cellphone ka bang dala?” tanong niya. Mabilis akong umiling.

“Wala pa po akong cellphone,” sagot ko naman.

“May nakita kasi akong umiilaw kanina kaya akala ko ay may tumatawag sa cellphone mo.” Tiningnan niya pa ang paligid.

“Wala po akong cellphone,” muling sabi ko.

“May umilaw kasi at medyo may tumunog pa,” sabi niya pa.

Nakakapagtaka naman kung ganoon. Gamit ko lang ang nandito sa pwesto ko.

“Baka namalik-mata lang po kayo?” Ayokong takutin siya na baka may multo rito dahil madalas ay mag-isa lang s’ya.

“Baka nga. O, baka dahil gutom lang ako,” sabi niya at pa-iling iling pang bumalik sa pwesto niya.

“Kumain na po muna kayo,” sabi ko naman. Ngumiti at tumango lang s’ya sa akin.

Hindi ko na muling kinausap ang nurse at nagbasa na lang ulit ako. Pero may napansin akong kakaiba sa libro.

Nakatingin ba kanina si Jos? Hindi ba ay wala siyang emosyong nakatingin kay Van? Bakit ngayon ay nakatingin na siya sa akin?

“Gutom lang din siguro ako,” pagkausap ko sa sarili ko at tinuloy na muli ang pagbabasa.

Josaiah: You okay?

Nakatingin sa akin ang litrato niya. Bakit pakiramdam ko ay ako ang tinatanong niya?

Sabrina: Yes.

Dahan-dahan ang naging pagbabasa ko dahil nakukuha talaga ng atensyon ko ang nakatingin niyang mga mata sa akin.

Hindi ko lang ba napansin kanina ’to? Pero tinitingnan ko bawat litrato niya. Ang alam ko talaga ay nakatingin siya kay Van, anong nangyari? Bakit ngayon ay nakaharap siya sa akin?

“Baka dahil lang sa gamot na ininom ko,” nasabi ko na lang sa sarili ko at umiling-iling pa para mabalik sa huwisyo. Uminom kasi ako ng gamot kahit wala namang masakit sa akin.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Where stories live. Discover now