EPILOGUE

76 25 13
                                    

JOSAIAH RYO's POV;

I love her since the first day I saw her. Those pretty eyes and pouty lips that canʼt get out of my mind.

"Miss, you okay?" tanong ko sa kaniya matapos kaming magkabunggong dalawa.

"Josaiah?" biglang sabi niya. Kinabahan ako pero hindi ako nagpahalata.

"What?" Nagkunwari akong walang alam sa sinasabi niya.

"Ikaw si Josaiah ʼdi ba?" tanong niya ulit.

Nakarinig ako ng mga bulungan galing sa mga studyante rito. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang ginagawa nila kay Solemn noon.

"No. Sorry, Miss." Tinalikuran ko siya. Please, huwag agad-agad, Sol. Gusto pa kitang makasama nang matagal.

Halata ko sa kaniya na napapansin niyang ako talaga si Josaiah kaya naman nag-isip ako ng paraan para mawala sa isip niya 'yon. Pinanindigan kong hindi ko siya kilala, pinanindigan kong ako si Ryo Tuazon at hindi si Josaiah na nasa libro.

Yes, I existed. Noon pa mang nasa libro ako ay kilala ko na siya, alam ko na lahat ng nangyayari sa kaniya. At sa libro pa lang ay nagkaroon na ako ng nararamdaman para sa kaniya.

"Akala ko ay doon ka mauupo," tinuro niya pa ang upuang nasa harapan.

"Ayaw mo ba akong katabi?" taas ang kilay kong tanong sa kaniya.

"Hindi naman sa gano'n," mahinang sabi niya. Cute.

Everything's okay. Umaayon sa plano. Solemn is a tempt, hindi malabong mahulog ako ulit sa kaniya. Hindi siya mahirap mahalin. Pero kailangan kong panindigan ang tungkulin ko. Pinalabas ako sa libro para protektahan ang babaeng 'to, ang isang pinakaimportanteng bagay na hindi dapat suwayin ay huwag mahuhulog ang loob sa kaniya.

"Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya. Kakaibang pakiramdam ang dumaloy sa katawan ko, para akong nakuryente.

Hindi siya kakain kaya inaya ko siya. Hindi pwedeng pababayaan niya ang sarili niya para lang makaiwas sa mga nambubully sa kaniya.

"What's your name?" tanong ko kahit alam ko naman na. Kailangan kong umaktong hindi ko siya kilala.

"Uhm... Solemn De Vera..." mahinang sagot niya pero rinig ko naman.

"Again?" tanong ko ulit, kunyari ay hindi narinig.

"Solemn De Vera..." pag-ulit niya. Ilang beses ko ring binanggit ang pangalan niya. Ang ganda, parang siya.

"I'm Ryo Tuazon, 19 years old," pakilala ko. Hindi ako 19 years old pero kailangan kong sabihin na gano'n.

Naging maayos ang takbo ng buhay ko sa labas ng libro, naging masaya ako dahil sa kaniya. Lahat ng nagtatangkang mambully sa kaniya ay inuunahan ko na agad. Tingin pa lang ay natatakot na sila kaya wala ni isa ang lumapit kay Solemn.

"Being with you is a big deal with them," sabi ko nang mapansin ko na 'yon kanina pa.

"Big deal sa kanila dahil kasama ko ang gwapong tulad mo," diretsong sagot niya.

Napanguso ako para pigilan ang pagngiti. Inulit niya ang sinabi niya pero iniba niya ang huli. Kunyari pa, narinig ko naman na.

Napatawa ako sa huling sinabi niya. Bingi raw ako. That day I realize something. Kailangan ko ring baguhin ang personality ko dahil mas mahahalata niya ako kung gagamitin ko ang personality ko sa libro.

"As long as I'm here no one will touch you, again."

Hindi ko hahayaang may manakit na naman sa kaniya. Tama na ang ilang taon na paghihirap niya.

"May iba akong gusto." Napatingin ako sa kaniya. Magka-usap kami about sa kaniya at ito ang nalaman ko ngayon.

"Sino?" salubong ang kilay kong tanong. Isipin ko pa lang na may gusto siya ay parang gusto ko na manapak.

"Si Josaiah."

Gusto kong manapak sa sobrang tuwa. Ako? Ako ang gusto niya? Pero nasa libro ako, ngayong nasa harapan niya na ako, hindi niya pa rin ako kilala bilang Josaiah.

She fell inlove with me? With the fictional character? Wow, she's cool.

Maraming nangyari simula nung nakasama ko siya. Puro kulitan kaming dalawa, minsan pa akong umiwas sa kaniya dahil nagdedelikado ang buhay ko, dinahilan ko na lang na pinaiwas ako ng mga taong nangbubully sa kaniya pero ang totoo ay umiwas lang talaga ako.

After no'n bumalik ulit kami sa dati at mas naging close pa kami. Doon, unti-unti ko ng nararamdaman ang hindi dapat. Unti-unting nanghihina ang katawan ko pero nilalabanan ko. Hangga't kaya ko ay pinipilit kong labanan. Umiilaw na ang dibdib ko, sign iyon na malapit na talaga ako, malapit na ang oras ko.

"Paano kita mamahalin kung mismong tadhana ang humahadlang sa atin? Gumawa nga ng paraan para makasama kita pero hindi naman pwedeng mahalin kita."

Nasa likod ako ng bakanteng room. Ako lang mag-isa, nasa library si Solemn at nagbabasa. Si Josaiah pa rin ang nasa isip niya. Ako pa rin naman 'yon pero mas gusto kong mahalin niya ako bilang Ryo at hindi bilang Josaiah.

"Paano kita mamahalin kung galing ako sa libro at anytime pwede akong mawala kapag napagtanto kong nahulog na ako sa 'yo," muling sabi ko pa.

Nagulat ako sa paang nasa harapan ko kaya mabilis kong inangat ang paningin ko.

"So, isang himala nga, totoo ngang nag-exist ang kinahuhumalingan ni Solibro," sabi ni Joanne, isa sa nambubully kay Solemn.

Binlackmail niya ako, sa totoo lang kaya ko namang gawa'n ng paraan 'yon kung gugustuhin ko. Kayang-kaya kong burahin sa isip ni Joanne na narinig niya akong sinasabi 'yon pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko silang lahat, hinayaan ko si Solemn sa lahat ng desisyon niya pero hindi ko kinaya.

Konting oras na lang ang nalalabi sa akin kaya sinulit ko na. Sa library kung saan ko una at huling beses nahalikan ang mga labi niya, kung saan una at huling beses ko ring nasabing mahal na mahal ko siya.

Ayaw ko pa sana siyang pauwiin pero ayaw ko ring makita niya akong unti-unting naglalaho sa paningin niya. Ayaw kong mas masaktan pa siya.

Nakikita ko na ang kamay kong unti-unting lumilinaw, malapit na, konti na lang ay makakabalik na naman ako sa totoong mundo ko.

"Anong gusto mong mangyari?" tanong ni Lola sa akin, nakatingin siya sa unti-unting naglalahong kamay ko.

"Kapayapaan ni Solemn, Lola. Iyon lang ang hiling ko. Alisin mo ako sa memorya ng lahat at ibigay mo ang kapayapaan sa kaniya," malungkot ngunit may ngiti kong sabi.

Tumango si Lola. Once na makabalik ako sa libro, wala akong magagawa pa para kay Solemn. Mananatili na ako ro'n at muling hihintayin na maglaro ang tadhana.

"In another life, I hope still you and I."

Huling katagang sinabi ko habang tumutulo ang luha at mga alaala namin ni Solemn ang nasa isip. Lahat ng nangyari ay itatatak ko sa isip ko at mananatili sa puso ko.

Hanggang sa muli, Mahal ko!

                                   THE END
                  ALL RIGHTS RESERVED©

OCHINAIDE (BOOK 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang