19

48 23 4
                                    

Gulat din ang bumakas sa mukha ni Ryo pagkalingon sa akin. Mukhang hindi  niya rin inaasahan na makikita niya akong kasama ang lola niya.

“Solemn...” pagtawag niya sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

“Alis na po ako, salamat po rito,” sabi ko sa matanda at mabilis tumayo para makaalis na.

“Sandali!” pigil niya sa akin. Ayoko sanang sundin pero ang bastos ko kung gano’n man.

“Ano po?” tanong ko, iniiwasan ang tingin ni Ryo.

“Mag-usap muna kayo,” sabi niya, mukhang alam niya na si Ryo na apo niya ang tinutukoy ko kanina.

“Huwag na po,” tanggi ko agad.

“Baka pagsisihan mo kung hindi mo siya kakausapin,” seryosong sabi ng matanda.

“Lola!” tumaas ang tono ni Ryo sa lola niya.

“Panahon na, nakatakda na.” Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ng matanda.

“Lola, hindi ako nahulog,” seryosong sabi rin ni Ryo. Nakayuko lang ako at hindi sila matingnan.

“Maaring maloko mo ako sa tunay mong nararamdaman, ngunit hindi ang libro.”

Nagtataka ako sa pinag-uusapan nila. Halata namang seryoso iyon pero wala akong maintindihan.

“Lola, ginawa ko ang lahat para lang manatili ako rito,” matigas na sabi ni Ryo.

“Mag-usap na kayo, walang saysay ang mga ginawa mo kung hindi mo naman masasabi ang totoo,” muling sabi ng matanda.

Sa pagkakataong ’yon ay tumunghay na ako sa kanila. Nakatingin na sa akin si Ryo pero ang matanda ay nawala.

“Nasaan na si Lola?” takang tanong ko. Kagaya noon, nawala rin siya agad, hindi ko alam kung saan dumaan. Ang bilis.

“Let’s talk, Solemn.” Hinawakan niya ako sa kamay at hinatak papunta sa library. Anong gagawin namin do’n?

“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko.

“Marami akong gustong sabihin sa ’yo,” sagot naman niya.

“Ayaw kitang makausap,” direstsong sabi ko at sinubukang bawiin ang kamay ko pero hindi ko nagawa.

“Solemn, please, kahit ngayon lang,” nahihirapang sabi niya. Nakita ko pa ang paghawak niya sa dibdib niya. May umilaw na naman doon.

Nakarating kami sa library at mabilis niya akong dinala sa pinakadulong parte. Walang tao bukod sa aming dalawa.

“Ryo, ano ban----” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sinalubong niya na ako ng halik.

Nung una ay nagpupumiglas ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Hawak niya ang kamay ko, parang hinihigop niya ang lakas ko kaya wala rin akong nagawa at hinayaan ko na lang siya sa paghalik sa akin.

Hindi ko namalayang nadadala na ako. Ang kaninang kamay ko na hawak niya ay nakayakap na sa batok niya at siya naman ay nakapulupot ang mga braso sa bewang ko.

“Ryo...” mahinang sambit ko sa pangalan niya matapos niyang bitawan ang mga labi ko.

“Mahal kita...” mahinang sabi rin niya pero parang sigaw sa pandinig ko. Hindi ako nakasagot.

“Ryo...” walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi ang pangalan niya. Hinawakan niya ako sa gilid ng leeg ko at hinaplos ang pisngi ko habang seryosong nakatitig sa akin.

“I love you so much, Solemn. I’m sorry, I’m really sorry,” sambit niya at mabilis akong kinabig para mayakap. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin. Ginantihan ko rin siya ng yakap. Mabilis na tumulo ang mga luha ko.

“Mahal din kita...” bulong ko sa kaniya.

“Patawarin mo ako kung nasaktan kita sa mga ginawa ko, sinubukan kong pigilan na mahalin ka.”

Kumalas siya sa yakap sa akin at tinitigan muli ako. Kita ko ang luha sa mga mata niya at ang sakit na nararamdaman niya at bakas sa mukha niya.

“Ryo, hindi naman kailangang pigilan, e. Mahal din naman kita.”

Umiling siya pero nakangiti. “Kailangan, Solemn. Gustuhin ko mang mahalin ka, hindi naman pwede, pero nagpapasalamat ako na mahal mo rin ako,” sinserong sabi niya.

“Bakit hindi pwede?” naguguluhang tanong ko.

“Malalaman mo rin,” nakangiti ngunit malungkot niyang sabi at muli akong niyakap.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko dahil parang nararamdaman kong mainit siya.

“Konting minuto pa, gusto pa kitang mayakap kahit saglit na lang,” bulong niya sa akin. Hinigpitan ko rin ang yakap ko kaya mas dama ko ang init niya.

“Nilalagnat ka ba?” nag-aalalang tanong ko na dahil mainit talaga siya.

“Mahal na mahal kita.” Hawak ang magkabila kong pisngi ay pinagdikit niya ang noo namin.

“Mahal din kita...” nakangiting sagot ko naman. Muli ay sinalubong ako ng labi niya.

“Umuwi ka na, mag-iingat ka palagi,” sabi niya at binitawan ako.

“Ikaw?” tanong ko, nag-aalala pa rin dahil sa lagay niya.

“Kaya ko ang sarili ko. Sige na, umuwi ka na. Mahal kita!”

Nag-aalangan man ay sinunod ko siya. Iniwan ko siya sa library. May mabigat na pakiramdam akong nararamdaman pero pinagsawalang bahala ko na lang.

“Oh, Sol, late ka yata?” takang bungad ni Mama sa akin.

Simula nung inakala nilang baliw ako ay lumayo na ang loob ko sa kanila. Kailan lang ulit kami nagka-ayos nung pinakiusapan ako ni Ryo.

“May ginawa lang po ako,” sagot ko naman at nagmano sa kanila ni Papa.

“Magmeryenda ka na r’yan,” sabi ni Papa na tinanguan ko na lang.

“Sa kwarto muna po ako,” paalam ko sa kanila. Tumango lang sila kaya tinuloy ko na ang pagpunta sa kwarto ko.

Mabilis kong binaba ang bag ko at binuksan ang plastic na may libro galing sa lola ni Ryo.

“Ochinaide?” takang basa ko sa libro. Katulad na katulad ito ng librong nawala ko. Kinakabahan man ay binuklat ko iyon.

Josaiah...

Nagbalik ba ang libro ko? Hindi ako pwedeng magkamali, sa akin ’to, may tanda akong nilagay rito. Nilagyan ko ng initial ko ang libro ko. SDV ang nilagay ko at nakita ko nga iyon sa librong ’to.

Kusang tumulo ang luha ko dahil sa nangyayari. Anong ibig sabihin nito? Paanong napunta sa matanda ang libro ko?

“Josaiah, nagbalik ka na!” umiiyak kong sabi at niyakap nang mahigpit ang libro ko.

Bakit ganito ang nangyayari? Hindi ko maipaliwanag. Napakahiwaga.

“May isa pang libro?” Pinahid ko ang luha ko at tiningnan ang librong kasama nitong hawak ko.

結果
Kekka

Ito ang nakalagay na title sa libro. Taka kong kinuha iyon. May nakalagay na description sa likurang bahagi no’n.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Where stories live. Discover now