18

46 23 0
                                    

Tahimik lang ako, kahit na kung anu-anong sinasabi nila sa akin ay wala akong kibo. Wala na akong maramdaman, pumapasok sa isang tainga at lumalabas sa kabila ang mga sinasabi nila.

Paanong ang maayos naming araw ni Ryo ay nauwi sa ganito?

“Good afternoon, class!” bati ng teacher namin na kararating lang. Nagsimulang bumalik sa ayos ang mga kaklase ko. Si Ryo ay nanatili sa upuang katabi ni Joanne.

“Mr. Tuazon, why are you there?” puna ni Ma’am sa kaniya.

“Malabo mata ko, Ma’am.”

Tumango na lang si Ma’am at hindi na muling nagtanong pa. Nanatili naman akong tahimik at naglalayag ang isip.

Ano ang nalaman ni Joanne na nilihim daw sa akin ni Ryo?

Ang daming tanong sa isip ko, gusto kong masagot lahat pero ayaw kong makausap muna si Ryo sa ngayon. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko matanggap na ganito kabilis ang nangyari.

“Ms. De Vera, are you with us?” tanong ni Ma’am sa akin. Saka ko lang napansin na nasa akin ang atensyon nilang lahat, maging siya ay nakatingin nang seryoso sa akin.

“Sorry, Ma’am, masama lang pakiramdam ko,” pagdadahilan ko na lang.

“Go to the clinic, hintayin mo na lang mag uwian,” sabi pa ni Ma’am. Tumango ako at mabilis na tumayo.

Mas gugustuhin ko pang mapag-isa kaysa makita ko silang lahat. Gusto kong iwasan silang lahat pero alam kong malabo, imposibleng mangyari dahil nasa iisang school lang kami.

“Sorry po!” hinging paumanhin ko dahil sa kalutangan ko ay may nakabunggo ako.

“Ayos lang,” sagot nung matanda at ngumiti sa akin. Pinakatitigan ko siya.

“Pamilyar ka po,” salubong ang kilay kong sabi at pilit inaalala kung saan ko siya nakita.

“Payong,” nakangiting sabi naman niya. Nung una ay hindi ko nagets pero nung mas tinitigan ko siya ay naalala ko na.

“Ikaw po ’yon, nasa akin pa ang payong ninyo!” mabilis kong kinuha sa loob ng bag ko ang payong.

“Buo pa pala ito,” sabi niya pagkabigay ko no’n.

“Opo, iningatan ko po ’yan kasi ibabalik ko pa sa inyo,” nakangiti ring sambit ko.

“Halika at maupo muna tayo,” pag-aaya niya sa akin at nauna nang pumunta sa bench.

“Ano pong ginagawa ninyo rito?” tanong ko sa kaniya. Ibang school na kasi ’to, grade 6 lang ako noong nakilala ko siya.

“Hinihintay ko ang apo ko,” sagot niya at binuksan ang bag na dala.

“Bakit po? At anong grade po ba?” tanong ko naman..

“Bilin ko sa kaniyang daraanan ko siya rito pagkagaling ko sa pupuntahan ko kanina. Highschool na rin siya.”

Tumango ako at takang tiningnan ang inabot niya sa akin. Isang plastic ’yon na hindi ko alam kung ano ang laman.

“Ano po ’to?” tanong ko sa kaniya.

“Libro, mahilig ka naman sigurong magbasa hindi ba?” tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. Libro? Wow!

“Opo!” masayang sambit ko. Akmang bubuksan ko na sana ’yon pero pinigilan niya ako.

“Huwag mo munang tingnan, hindi pa maaari,” seryosong sabi niya. Mas lalong nangunot ang noo ko. Weird, binigay niya tapos ayaw niyang pabuksan sa akin.

“Bakit po?” tanong ko na.

“Pag-uwi mo na lang sa inyo saka mo iyan basahin,” aniya at bahagya siyang ngumiti.

Hindi ko maintindihan pero may iba akong nararamdaman ngayon habang kausap ko ang matandang ’to. May iba sa awra niya na hindi ko maipaliwanag.

“Sige po. Nawala po kasi ang libro ko na matagal kong iningatan,” malungkot kong sabi.

Naalala ko na naman lahat, mula umpisa kung paano napunta sa akin ’yon hanggang sa nawala at dumating naman si Ryo.

“Paanong nawala kung iningatan mo naman pala ito?” bakas ang pagtataka sa tono niya.

“Sa tuwing hindi ko po iyon ginagamit ay nasa kwarto ko lang po iyon, nakakapagtaka nga po na isang araw ay bigla na lang nawala, tapos bigla namang may nagtransfer noon na kamukhang-kamukha ng lalaking nasa libro ko,” mahabang sabi ko.

I have this feeling na dapat kong ikwento sa matanda kung paano nangyari ang mga iyon. Hindi ko alam, parang kusang bumubuka ang bibig ko para sabihin ang mga nasa isip ko.

“Ryo?”

“Opo, iyon ang pangalan nung lalaking nagtransfer, Josaiah naman po ang lalaking nasa libro. Nung una ay inakala kong iisa lang sila,” nahihiyang sabi ko. Baka isipin niya kasi na baliw ako.

“Paano mo naman naisip na iisa lamang sila?” seryosong tanong niya. Napalunok ako sa kaba at kakaibang pakiramdam.

“Dahil nawala ang libro ko at bigla namang dumating si Ryo, kamukhang-kamukha niya ang nasa libro, kung paanong nangyari iyon ay hindi ko na po alam.”

Tumangu-tango ang matanda. “Naniniwala ka ba sa mahika?”

“Depende po, mahilig akong magbasa kaya minsan po ay nadadala ko sa kasalukuyan ang mga ganap sa libro.”

“Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin makita ang libro mo?” Umiling ako sa tanong niya. “Matanong nga kita, nagmahal ka na ba?”

Nahihiya akong tumango. Nakagat ko rin ang labi ko para sana matigil ako sa pagsasalita pero parang nagkukusa talaga ang mga ito.

“Minahal ko ang lalaking nakilala ko lang sa libro,” pag-amin ko. “Napagkakamalan na nila akong baliw dahil do’n,” dagdag ko, pagak pa akong napatawa.

“Wala kang minahal na totoong tao?” tanong niya sa akin.

“Meron po. Si Ryo, mahal ko na siya, pero hindi ko po alam kung bakit biglang nagkagano’n,” mahinang sagot ko. Napayuko ako para pigilan ang pag-iyak.

“Anong nagkagano’n?” nagtatakang tanong niya.

“Kanina lang po, may sinabi ang isa naming kaklase na may tinatago raw si Ryo sa akin matagal na, ayaw ipaalam ni Ryo kaya pumayag na lang siyang maging girlfriend ang kaklase ko at iwasan ako—sa pangalawang pagkakataon,” gumaralgal na ang tono ko. Hindi na maipagkakailang naiiyak na ako.

“Baka kasi iyon lang ang tanging paraan para manatili kayong magkasama kahit na hindi kayo nagpapansinan?”

Umiling ako. “Sinabi ko po sa kaniya na wala na siyang babalikan sa akin once na umiwas ulit siya.”

“Lola!” sabay kaming napalingon dahil sa boses na ’yon.

“Apo!” Tumayo ang matanda at niyakap ang parating na si Ryo. Halos matumba yata ako sa kinauupunan ko dahil doon. Ito ang apo na tinutukoy ng matanda na hinihintay niya?

Akalain mo nga namang napakamapaglaro ng tadhana. Lola ni Ryo ang pinagsabihan ko ng tungkol din mismo sa kaniya.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Where stories live. Discover now