16

46 25 11
                                    

Ilang linggo na simula nung magkausap kaming dalawa ni Ryo. Okay na ulit kami, balik na ulit kami sa dati. Makulit na ulit siya. Namiss ko ang ganitong side niya. Namiss ko siya. Hindi ko ikakaila iyon kahit saglit pa lang kaming nagkakilala nung una.

“Anong paborito mong pagkain?” tanong niya habang nakaupo kami sa tambayan namin. Yes, may tambayan na kaming dalawa, iyong pinuntahan namin na maraming puno, sa labas ng school.

Maaga pa kaya nakatambay muna kami, gawain na namin ’to simula nung magkaayos na ulit kami. Minsan ay may dala siyang pagkain para raw hindi boring kapag tumatambay kami.

“Adobo,” mabilis at natutuwang sabi ko pa. Nakangisi niya naman akong tiningnan.

“Ipagluto nga kita minsan,” sambit niya pa na nakapagpalaki ng mata ko.

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Oo, adobong palaka,” sabi niya at tumawa pa nang tumawa. Mabilis ko siyang nahampas dahil doon.

“Ano ba? Alam mong ayaw ko sa gano’n,” asar na sabi ko. Hindi ko siya tinigilan sa kahahampas dahil ayaw niya ring tumigil sa katatawa.

“Aray! Solemn, masakit na,” natatawa pa ring sabi niya at pilit hinuhuli ang kamay ko.

“Nakakagigil ka,” irita talagang sabi ko. Tumigil na ako sa paghampas sa kaniya at tumingin nalang sa harapan, hindi ko siya pinansin.

“Sorry na, sadya ko ’yon.” Tumawa siya nang tumawa pagkatapos sabihin kaya mas lalo akong nainis.

“Bahala ka riyan.” Naubos na ang pasensya ko.

“Hindi na nga, hindi na.”

“Badtrip ka kamo.” Inirapan ko siya dahil sa inis. Kahit hindi ko alam kung nakita niya ba iyon.

“Alam mo ’yung labong?” tanong niya bigla. Napalingon naman ako sa kaniya.

“’Yung nasa kawayan?” takang tanong ko.

“Oo, iyon nga, nakain ka no’n?” excited niyang sabi. Sa ilang buwan naming magkasama, nakikita ko ang bawat ekspresyon ng mukha niya pero ’yung ngayon ang pinakagusto ko. Halatang masaya at gusto ang pinag-uusapan.

“Dati, pero ngayon parang hindi na uso ’yon,” nakangusong sabi ko.

“Oo nga, pero masarap ’yon,” nakangiting sabi niya pa.

“Oo, ʼdi ba may luto pa no’n na parang may gata?” Kung hindi ako nagkakamali, ganoon ang nakita at natikman ko noon.

“Oo, kasarap kaya, noon hindi ako nakain n’yan kasi nga kawayan,” tumawa pa siya pagkatapos. “Nakakain naman pala,” dagdag niya pa kaya sabay kaming natawa.

“Nagtataka rin ako noon kasi nga ʼdi ba kawayan tapos niluluto,” napapailing na sabi ko na lang. Ang inosente ko pala noon. “Pero masarap kapag medyo maanghang.”

“’Yung do’n samin sinabawan s’ya, e, na may manok saka dahon ng sili ata ’yon or spinach, tapos minsan piniprito at may harina,” sabi pa ni Ryo.

“Pinapapak ko lang dati, sarap!” Naiimagine ko tuloy, nakakagutom naman.

“Nag crave ako,” natatawang sabi niya pa.

“Hindi na yata uso ngayon ’yan?” Wala na kasi akong nakikitang labong kahit sa palengke.

“Hindi na gaano,” sagot naman ni Ryo. May napagtanto ako, hindi nga siya si Jos. Magkaiba sila, ngayon alam ko na.

“E, sekan kumakain ka ba?” tanong ko sa kaniya. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin.

“Sekan? Ano ’yon? Describe mo nga,” sabi naman niya.

“Damo yata ’yon na nakukuha sa bukid. Mapait s’ya, nilalagyan ng sardinas or tinapa.” Nakakagutom naman ang usapan namin.

“Ah okay alam ko na, hindi naman ako kumakain ng ganiyan.” Iniwas niya ang tingin sa akin matapos sumagot.

“Ako rin naman, ang pait kasi.” Natawa pa ako. Ang sarap palang balikan ng mga ganoong pangyayari, bihira nalang kasi ngayon ang mga ’yan.

“’Yung buro, alam mo?” tanong niya ulit.

“’Yung kanin na pink? Hindi ako kumakain no’n, maasim kasi.” Naiisip ko pa lang ay para na agad akong nasusuka. Bakit ba kinakain nila ’yon?

“Oo, ’yung parang pinapanis na kanin na parang may isda ata ’yon,” ramdam ang pandidiri sa tono niya. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya, parehas yata kami.

“Oo, buro nga.”

“Shuta! Nasusuka ako kapag naaamoy ko ’yon, ewan ko kung bakit nasasarapan sila ro’n, amoy suka ng lumaklak ng isang case ng alak,” g na g pang kwento niya. Tawa naman ako nang tawa dahil sa reaksyon niya.

“Nandidiri rin ako ro’n sa totoo lang.” Nag-apir pa kaming dalawa, magkasundong-magkasundo kami ngayon, natutuwa ako sa simpleng usapan naming ’to. “Legit, ipaulam mo na sa akin ang okra huwag lang ang buro.”

“Okra? Ayaw mo ng okra? ’Yung parang sipon HAHAHAHA kasarap kaya,” masayang sabi niya pa.

Masaya siya sa kadiring sinasabi niya. Sa sobrang close na namin ganito na siya makipag-usap sa akin.

“Isawsaw mo sa kulay brown na, ano nga tawag do’n?” kunot ang noong tanong niya sa akin.

“Halubaybay,” sagot ko naman.

“Alubaybay na may suka at sili,” napapalunok pa siya habang sinasabi ’yon. Nakakagutom mga usapan namin. “Naglalaway ako,” natatawang sabi niya pa.

“Dati hindi ako kumakain ng okra kasi nga madulas diba parang sipon nga sabi mo. Kadiri ka. Pero nung nagtry magprito si Mama, ’yon nakakain ako, masarap pala.”

“Kasarap kaya,” nakangising sabi pa niya. “Ang ayoko talaga ay ampalaya, pvta ’yon HAHAHAHA never kong kakainin ’yon,” napapailing pang sabi niya.

“Favorite ko ’yan!” malakas na sabi ko at ngumuso pa.

“Kadiri ka! Bakit ka kumakain ng ampalaya?” Umiwas pa siya kunyari na parang nandidiri nga. Hinampas ko nga siya sa braso.

“Kadiri ka! Bakit ka kumakain ng okra?” ganting sabi ko naman. “Pero paborito ko talaga ang ampalaya, lalo na kapag ginisa tapos maraming itlog na kasama, shems! Heaven sa akin ’yan.”

“Yak HAHAHAHA!” maarteng sabi pa niya.

“Nagugutom ako, kasalanan mo ’to!” Paninisi ko sa kaniya.

“Masarap talaga sitaw, adobong sitaw solid.”

“Hoy! Favorite ko talaga ang adobo. Ampalaya, sitaw at talong ang gulay na gusto ko, hindi mo ako mapapakain ng labanos, okra nakaya ko pa pero labanos? No, never.”

“Labanos? Kadiri ’yon shuta HAHAHA lasang ʼdi mo mawari,” diring-diri pang sabi niya.

Tawa ako nang tawa dahil sa kaniya. Nagkasundo kami sa maraming bagay. Nakakatuwa lang na nahanap ko sa kaniya ang matagal kong hinihiling. Kaibigan, kakampi at kasama. Nakita ko sa kaniya lahat ng ’yon.

Sana lang ay hindi siya mawala sa akin. Sobrang halaga na niya sa akin. And I think, may nararamdaman na ako para sa kaniya. Hindi dahil inakala kong si Jos siya, kundi dahil si Ryo siya.

I think I’m inlove with him.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Where stories live. Discover now