CHAPTER FIVE

44 4 0
                                    


CHAPTER FIVE

ATHANASIA'S POV

I woke up feeling a bit lightheaded. Hindi naman ako uminom nang marami kagabi pero mukhang nagkamali ako ng bilang ng bote.

Si Bangun naman kasi eh. Alam nang ganito ang magiging resulta ko tapos nagyaya-yaya pa. Para namang nalalasing siya.

Napabuntong hininga na lang ako saka hinilot ang noo ko. I tried to adjust to the surroundings before I decided to stand up and walk toward my medicine cabinet to grab myself a pain reliever.

Hindi pa ako tuluyang nasa mood nang biglang tumunog ang telepono ko. Without looking at the caller ID, I answered the call. "What?" I irritatedly asked.

Saglit na natahimik ang nasa kabilang linya bago ito nagsalita. (Ahm... pasensya na po kung tumawag ulit ako, Miss Dolores.)

Agad nanlaki ang mga ko saka inilayo ang phone sa tenga ko para makita kung sino ang tumawag. Bigla naman akong napamura sa isip ko. "I'm sorry. That was mean of me. I thought you were someone else."

Mahinang natawa ang pulis. (Ayos lang po, Miss. Mukhang maaga pa naman po talaga para sa tawag ko.) Halatang medyo nahihiya ang lalake.

I sighed before massaging my forehead. "Anyway, why'd you call, officer? Is there an update regarding your case?"

He cleared his throat. (Yes, Miss. At tama ang hinala ko. Hindi lang po simpleng suicide ang nangyari sa mga dalaga. Nakuha ko ang medico-legal, at ayon dito ay may nakitang signs of struggles sa katawan ng mga biktima.)

Bigla akong natigilan. So, they were killed? "How about the crime scenes? CCTV footage?" Nagsisimula nang makuha ng kasong ito ang interes ko.

Narinig kong napabuntong hininga ang pulis. (Walang CCTV camera sa sitio nila dahil kulang daw sa pondo, sabi ng barangay chairman.)

Agad napakunot ang noo ko. "You've been mentioning the barangay chairman since yesterday. Do you think..."

(Hindi ko rin sigurado, Miss. Pero ang alam ko ay lahat na ng tao sa sitio na 'yun ay pinaghihinalaan ko na.)

Right. Trust no one. "You said that the deaths are somehow similar or connected, right?"

(Yes po, Miss.)

"I just finished a novel yesterday, and I just killed a character there. She hanged herself."

(So kung totoo ngang konektado ang mga nobela mo sa mga pagpatay. Dapat nating asahan na may mangyayaring krimen na pagbitin?) Halatang naguguluhan din ang pulis.

I took a deep breath. "Do you have the list of the victims' cases? The date of their deaths?"

(Ahh... opo. Nandito po sa presinto. Bakit niyo natanong?)

"I have a theory on how you're going to catch the culprit. Or at least when he or she will attack."

(Sige po, Miss. Bale magkikita po ba ulit tayo roon?)

I nodded. "Yes, that's much better. Maybe around four o'clock," I suggested.

(Noted po, Miss. Maraming salamat po sa tulong niyo.)

"Anytime, officer." Saka ko tinapos ang tawag.

I quickly went to my laptop and turned it on. Kung tama ang hinala ni officer Benjie na sa akin ka nga naka-base, then you'll be aware of my updates.

Nang bumukas ang laptop ay saka ko tiningnan ang listahan ko ng mga petsa kung kailan ko natapos ang bawat nobela ko.

June 13, 2015

Endless Pen [COMPLETED]Where stories live. Discover now