CHAPTER THIRTEEN

31 2 0
                                    


CHAPTER THIRTEEN

ATHANASIA'S POV

"Wala naman pong naging kahina-hinalang tao kanina sa contract signing event niyo po," imporma sa akin ni SPO3 Benjie.

We're once again back at the fast-food restaurant where we used to meet up and have our short meetings about the case.

SPO3 Caylo was in the company building this morning as well, but he was inside the CCTV room to make sure of the people who would enter and exit the building, specifically the function room where I was.

Napatango naman ako. "I was also observing and no one looked suspicious to me either." Pilit kong inalala ang mga tao kanina sa event, saka pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Bangun. "Yep, no one."

The officer nodded as well. "So may posibilidad na hindi siya nagkunwaring isa sa mga interviewer kanina?" mahinang tanong nito.

I shrugged. "Maybe, or maybe he or she didn't make his or her presence outstanding. Then he or she is great at acting."

Sabay kaming napabuga ng hangin ni officer. "So bale maghihintay na lang tayo ng galaw niya sa Miyerkules."

"Yes. If the suspect will move according to their pattern, then it'll be easier for us to catch them." We both agreed with my statement and became silent as we indulged in our own thoughts when a suggestion came to my mind. "Officer, I'm just curious though it might help our case."

Agad siyang napatingin sa akin. "Ano po 'yun?"

"Can you find someone for me? Most likely she's living in Sitio Tumana."

Napatango naman siya kaagad. "Sino ho ba?"

If this is really happening, then you'll be heading towards her. "Kaia Samson."

"Sige, Ma'am. Hanapin ko po kaagad mamaya. Sabihan ko ho kayo kapag alam ko na po kung nasasaan siya," seryosong sagot niya na nagpatitig sa akin. Why isn't he asking me who she is? Ganoon niya ba akong pinagkakatiwalaan?

Ilang saglit pa naming siniguro ang lahat ng mangyayari para sa paghahanap namin sa suspect. Ni hindi namin alam kung babae o lalake ang pumapatay. Wala naman kasing fingerprints or even footprints na naiiwan ang suspect. There were signs of struggles on the victims' bodies but we couldn't identify the gender of the murderer.

But most importantly, we don't know why he or she is doing this. What's the reason? Why involve my stories? Why involve me?

Napabuntong hininga naman ako. Matatagalan pa ng kaunti bago kami makakuha ng lead tungkol sa suspect.

"Ayos ka lang po, Ma'am?" biglang tanong ni officer na nagpaangat ng tingin ko.

I barely smiled at him. "No, but I know I'll be, once this case is solved."

Tumango naman ito. Determination is seen in his face. "Mahahanap din natin, Ma'am, kung sino ang may sala sa mga pagpaslang sa mga biktima." I agreed and faced the window to divert my attention. "And once we do, we'll be together again, mi Amor."

Agad akong napatingin kay officer dahil sa narinig ko. And when I thought I was just hearing things, I saw him. I finally saw him right there. Sitting, smiling, staring at me.

"Solve the case, mi Amor, and we will be together like how we wished we would be."

I can feel my lungs malfunctioning. I was holding my breath. A part of me was happy and another was trembling in fear. "Zagan..."

"I have missed you so much, mi Amor. So much." He gave me his sweetest smile, matched with the longing feeling of his stares.

I suddenly felt a tear falling from my eye. "Mi Corazón, I... I have waited for so long."

His hand reached for my cheek, wiping away my tears. "Just a little more time, mi Amor. Just a little more. You and I will always be together."

I couldn't say anything anymore. I just cried there and closed my eyes as I felt the warmth of his hand.

"Soon, mi Amor. Soon."

When I opened my eyes, the worried Bangun was now in front of me. He was the one wiping my cheek. "Wha-What—"

"Kanina pa naka-alis yung pulis at nagkaroon ka ng sandaling walang malay," he said as he pulled away his hand. "You saw him again?" Halata ang kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

Iniwas ko ang tingin ko saka tumango. "Yeah."

I heard him let out a heavy sigh. "I want to help you. I badly want you to be happy, Athanasia. Trust me. Your happiness is all that matters to me, but..." Napatingin ako sa kanya. He stared deep into my eyes. "I don't like this one bit."

Nanahimik na lang ako saka muling tumingin sa labas. Hanggang sa ihatid ako ni Bangun sa apartment, at ipinagluto ng para sa hapunan ay nanatili akong tahimik.

Halos isang daang taon ko pinangarap na makasama siyang muli. Isang daang taon akong nangulila sa kanya. Kaya ilang beses ko rin ginustong mamatay para makasama siya, pero hindi pumayag ang mga nasa itaas.

Halos magta-tatlong siglo na simula nang bigyan ako ng ganitong sumpa. Ngunit sa ikalawa kong siglo ay nakilala ko si Zagan.

Masaya ako sa piling niya. Kinalimutan ko ang kagustuhan kong mawala sa mundong ito. Alam ko sa sarili kong basta makasama ko siya ay siguradong ayos na ako.

Ngunit hindi lahat ng gusto ko ay aking makukuha.

Nang dahil sa isang digmaan ay kinuha sa akin ang aking minamahal. Nakita ko kung paano siya pinaslang, kung paano siya kinuhanan ng buhay, kung paano unti-unting nawala sa mga mata niya ang sigla.

Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang sakit ng kanyang pagkawala.

Nang araw na iyon ay ilang beses akong humingi ng awa sa mga diyos at diyosa na hayaan na akong mamatay kasama si Zagan. Nagmakaawa ako, lumuhod sa kanilang mga harapan, lumuha hanggang sa maubos ang tubig sa aking mga mata.

Pero anong ginawa nila?

Lahat sila ay tinalikuran lamang ako. Na para bang mga walang awang tiningnan lamang ang paghihirap ko.

Isang linggo akong nagmakaawa.

Isang linggo akong humingi sa kanila ng tulong upang tapusin na ang buhay ko.

Pero wala.

Pagkatapos noon ay bumalik ako sa pagsubok kong pagpapakamatay. Wala na akong hiningan ng tulong. Tatapusin ko ang sarili kong buhay nang mag-isa at walang basbas mula sa kanila.

Ngunit mas lalo lamang dinagdagan ng diyosang iyon ang paghihinagpis ko. Sapagkat nang araw na bumalik ako sa kagustuhan kong mamatay ay dinagdagan niya ang sumpa ko.

Tuwing magpapakamatay ako ay babalik ang oras. Tatlong araw bago ako magpakamatay.

Sobra-sobra ang galit ko noong araw na iyon. Bakit hindi niya ibinigay ang sumpang iyon noong araw na namatay si Zagan? O noong araw kinabukasan ng kanyang pagkamatay?

Galit na galit ako ngunit ano nga ba ang magagawa ng isang immortal na katulad ko sa mga diyos at diyosa? Wala naman. Hindi ko naman sila mahahamon sa isang duwelo. Wala.

Kaya isang siglo na naman ang aking naranasang puno ng galit at hinagpis. Wala naman silang pakealam. Kaya naman ibinuhos ko na lamang ang aking atensyon sa pagsusulat. Lahat ng galit, inis, at panghihinayang na aking naranasan at nadarama ay ibinigay ko sa aking mga akda.

Pero itong nangyayari ngayon? Itong pagpaparamdam ni Zagan? Punong-puno ako ng saya ngunit may isang parte sa akin na nagdadalawang isip. Na para bang 'wag na lang sana siyang bumalik.

Dahil ang digmaan kung saan binawian ng buhay si Zagan ay ang digmaang sinimulan naming dalawa. 

Endless Pen [COMPLETED]Where stories live. Discover now