CHAPTER TEN

38 2 0
                                    


CHAPTER TEN

ATHANASIA'S POV

The meeting last night was simple and quick. I informed Officer Benjie about today's contract signing event and asked him if he'll observe my surroundings.

It was an easy yes, but I ended up getting awkward or sometimes terrified when he was near. And it's all because of the dream and the pieces of the puzzle of my mission.

"Shoutout mo 'ko mamaya ha? Tapos ngumiti ka para naman dama ko yung pagbati mo." I flatly stared at Bangun as he told his demands for later's event.

"I don't even have plans to open my mouth later," I nonchalantly replied.

Ngumuso naman siyang parang bata. "Napaka-KJ mo naman. You should at least greet me in front of many people," he complained, making my eyebrow raise.

"Gusto mong pagkaguluhan ka ng mga tao? May I remind you how many people are gonna watch and be there at the contract signing."

Nagpalumbaba naman siya at hindi pa rin inaalis ang pagkakanguso ng mga labi niya. "That's exactly the point."

If it's possible, my eyebrow went higher. "Gusto mo ngang pagkaguluhan?"

He turned his head in my direction and stared straight into my eyes. "I want them to know that you have someone like me."

My forehead then creased. "Someone like you? What do you mean?"

Napabuga naman siya ng hangin na para bang problemadong-problemado siya saka nag-inat ng kaunti para isandal ang likod niya sa sandalan ng sofa ko. "Napakamanhid mo talagang nilalang," halos pabulong na wika niya pero narinig ko naman.

"Paano naman ako naging manhid, ha?"

Muli niya akong tinitigan. Mas matagal kaysa kanina at hindi na siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin at habang patagal nang patagal ay naaasiwa ako kaya naman umalis na ako sa pagkakaupo at piniling tumayo na lamang.

"Aalis na ako at baka ma-traffic pa ako," pag-imporma ko sa kanya habang hindi makatingin.

Tumayo na rin naman siya. "Tara na. Kanina pa naman kita hinihintay eh. Bagal kumilos." Pabulong ang huli niyang sinabi pero pakiramdam ko pinaparinig niya talaga sa akin 'yun kaya naman binatukan ko siya. "Aray ko. Para saan 'yun?" angil niya habang hinihimas ang batok niya.

"Kanina ka pa eh." I rolled my eyes. "Plus, stop acting like it really hurts. You have very high pain tolerance, Bangun."

He sighed. "Ilang beses ko bang sasabihing Wake nga?" reklamo na naman niyang hindi ko naman pinansin.

Dumiretso na ako sa pintuan para tuluyan nang makalabas ng apartment ko. Hindi na ako nag-abala pang patayin lahat ng kailangang patayin na appliances kasi kaya naman nang gawin 'yun ni Bangun with just a snap of his fingers.

Nang tuluyan na kaming makalabas ay nauna na siyang maglakad sa akin at baka saan daw ako pumunta kaya sundan ko na lamang daw siya. "Naka-park yung sasakyan na gagamitin natin."

Both of my eyebrows rose up, curious about what he's talking about. "You have a car?" Nilingon naman niya ako saka ngumiti pero hindi na sumagot.

Once we reached the parking space, Bangun took out a car key from his pocket and clicked something on it which made a car make a noise. Lumapit siya sa isang kulay puting four-wheeler lift car saka binuksan ang pinto ng driver's seat. "Tara na. Baka ma-late ka pa, diba?" nakangisi niyang pang-aasar sa akin.

Hindi pa rin nawawala ang pagkamangha sa mukha ko. Kasi naman, ang tagal na naming magkakilala ni Bangun at ang tagal ko nang nakatira sa apartment na 'to pero kahit kailan ay hindi ko nakitang may kotse siya.

Kung iisipin eh hindi ko rin alam kung saan siya nakatira. May tinitirahan nga ba siya? Tiningnan ko muli si Bangun na nakatayo pa rin sa harap ng nakabukas na pinto ng kotse niya. Nginusuan niya naman ako saka itinuro ang passenger seat. "Tatayo ka lang ba talaga riyan o bubuhatin kita pasakay ng kotse? I mean... I could also let you commute if that's what you prefer."

I glared at him before walking towards the passenger's seat. Hindi niya rin naman ako pinagbukas ng pinto kaya mas nakahinga ako nang maluwag. If that happens, I swear it's the end of the world.

Kaya nga hindi madaling mawala sa isip ko ang mga inaakto ni Bangun lately eh. The Bangun I know doesn't care that much about me. I mean there's the "how are you?" "Are you okay?" "Where are you?" but not the "What are you doing?" "I'll be with you wherever you go, whether you like it or not." and definitely not someone who would slowly near his face on mine while deeply staring at my lips.

Napailing na lang ako, iniisip na sana eh mawala na sa isip ko iyon at nawa'y bumalik sa dati si Bangun. Nakakakaba kasi 'yung kasalukuyang siya.

"Anong iniiling mo riyan?" Napabalik ako sa kasalukuyan nang magtanong siya.

Napatingin naman ako sa paligid saka nakitang nakalayo na pala kami sa apartment ko. Ganong ako katagal nag-isip?

"Huy! Ayos ka lang?" muli niyang tanong.

Hinarap ko na siya saka inayos ang pagkakaupo ko sa kotse. "I'm fine. I was just thinking of something."

"Tungkol ba sa desisyon mong pumirma ng kontrata para sa mga libro mo?"

Tumango na lang ako para maiba ang topic sa utak ko.

Saglit naman siyang natahimik kaya akala ko ay hindi na namin iyon pag-uusapan. "'Wag ka masyadong mag-alala. Nandito naman ako, hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama."

Napakaseryoso ng boses niya na nagpagulo sa isip ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko. See? That's one of the reasons why I want the old Bangun. I'm not like this before. And he's definitely not like that before.

Buong byahe ay nanahimik na lang kaming dalawa. Ayoko siyang kausapin at baka kung ano na naman ang mabigkas niya na iba na naman ang maging reaksyon ng katawan ko.

Paghahanap sa killer ang isa sa mga misyon ko, at hindi si Bangun at kung ano man ang nangyayari sa akin.

Besides, if there's another person that I need to find in order to have my peace of mind, it has to be Zagan.

Kailangan kong malaman kung nasa loob ba ni Officer Benjie si Zagan at nagpaparamdam na siya sa akin. Baka sakaling matuloy na ang naudlot naming pagsasama noon.

It has been a century since I lost him, and finally, he's coming back.

A mixture of excitement, longing, and fear is what I'm feeling right now. I'm hoping that he'll come back at the same time, I don't want him to be here again.

I have really loved that man. Right from the start. But there's something wrong with that love... Because only Zagan can unlock the dark side of me.

Endless Pen [COMPLETED]Where stories live. Discover now