CHAPTER TWENTY

32 2 1
                                    


CHAPTER TWENTY

ATHANASIA'S POV

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay nila Kaia ay panay ang buntong hininga ni Bangun na hindi ko naman maiwasang pansinin.

I faced him. "Ano bang meron?" hindi ko na mapigilang tanungin siya.

Sinagot pa rin naman niya ako ng buntong hininga habang patuloy sa pagda-drive.

I took a deep breath and tried to calm myself. "Is it because of what you can see as an outcome?"

Tumango naman siya. "Do you really need to go there?"

My face softened. "Bangun... akala ko ba hindi ka na pwedeng mangealam sa buhay ko kasi nakatakda na ang lahat?"

"Yeah, I know that. Pero kasi—"

I reached for his shoulder and gently patted it. "Hey, everything will be okay."

Saglit naman siyang tumingin sa akin kahit na alam kong kontra siya sa sinasabi ko. "Yeah. It'll be okay."

We both smiled before facing the road ahead. Napansin ko ring sabay kaming napabuntong hininga. Whatever happens, it'll be huge for Bangun to react that way.

Am I gonna die?

I mean ganito lang naman si Bangun kapag kamatayan ko ang pag-uusapan eh. I took a deep breath. I can do this. I want to die anyway. I want this.

I conditioned myself for what might happen tonight. We'll catch the culprit and then, I'll die. Easy peasy.

Bumalik ako sa diwa ko nang ihinto ni Bangun ang sasakyan. "Hindi na ako lalabas," aniya saka pa bumulong. "Kesa may magawa pa akong hindi dapat."

Napangiti na lang ako saka tumango naman. "Thank you for letting me do this, Bangun."

Nanatili naman siyang tahimik kaya napagdesisyunan ko na lang na umalis na. Natanggal ko na ang seatbelt at handa na akong lumabas kaya lang, saktong paghawak ko sa pinto ng kotse ay naramdaman ko ang hawak ni Bangun sa braso ko at ang pagpihit niya sa akin paharap sa kanya.

Agad nanlaki ang mga mata ko sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. "B-Bangun..."

Nakita ko siyang tumitig sa mga labi ko bago tumingin sa mga mata ko. "Athanasia... Gusto kitang halikan." Mas lalo akong natigil sa paghinga. "Pwede ba?"

Ilang segundo akong nahinto sa pag-iisip. Pwede ko siyang itulak. Pwede kong sabihing hindi pwede—na layuan niya ako, pero...

Bigla kong naramdaman ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko pagkatapos kong tumango. Napapikit na lang ako sa nangyayari. Ramdam ko ang pagkakahawak niya sa batok ko at hindi ko napigilang mapahawak sa balikat niya.

His lips did not move, so did mine. Magkadikit lang sila pero sobrang laki na ng epekto sa akin. Ano bang nangyayari sa akin? Ano bang nangyayari sa amin?

After a while, he finally let go of my lips and nape. I slowly opened my eyes and caught him staring deep into my eyes. "A-Ahm..."

A small smile formed on his lips and my heart reacted instantly. I felt my heart skip a beat. "Sige na. Magkita na lang tayo pagkatapos ng mangyayari."

Wala sa wisyo akong tumango nang dahan-dahan pero hindi pa rin naman gumalaw. Narinig ko ang mahina niyang tawa saka lumapit nang sobrang lapit sa akin kaya muli akong napapikit.

Akala ko ay mararamdaman ko ulit ang malalambot niyang labi pero ang narinig ko ay ang pagbukas ng pinto sa likuran ko at ang mahina niya na namang tawa. "Saka na ulit kita hahalikan kapag nagkita tayo." Agad kong binuksan ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin. "Isang beses pa lang naman. Hindi ko naman alam na maaadik ka pala sa halik ko—Aray! Ouch! Asia! Luh! Sakit! Aray! Tama na!"

"Kainis ka! Napaka mo! Adik ka riyan! Heh!" Tinigil ko ang paghampas ko sa braso't dibdib niya saka nagmamadaling lumabas mula sa kotse niya. Buti na lamang at hindi na siya nagpahabol pa ng pang-aasar kung hindi ay wala na akong pakealam kung diyos siya, tatadyakan ko talaga siya.

Agad ko namang nakita ang mga pulis na nakapaligid sa bahay nila Kaia. Ang alam ko ay magbabantay lang sila pero nagulat ako nang makita ko ang ina ni Kaia na umiiyak habang alo ng kanyang asawa.

N-No...

Nagmamadali kong hinanap si SPO3 Benjie at nang hindi ko makita ay magtatanong na sana ako sa mga pulis nang may makita akong aninong nagtatago sa isang makipot na kalye.

Agad ko itong sinundan. Alam kong alam ng aninong iyon na sinusundan ko siya dahil nakikita kong nililingon niya ako at sinisiguradong masusundan ko siya.

Nasa madilim na parte na kami ng sitio nang makita ko si SPO3 Benjie na tumatakbo na para bang may hinahabol at hinahanap ito. Napansin ko naman ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ako saka patakbong lumapit sa akin. "Ma'am! N-Nahuli tayo. Patay na po... ang biktima at... at sinusubukan kong habulin ang suspect."

Agad nanlaki ang mga mata ko. "Alam mo na po kung anong itsura ng biktima? Babae ba o lalake?"

Naguluhan naman ako nang bigla siyang umiling. "Itim lang ang nakita ko, Ma'am. Mukhang nakaitim na suit o dress o cape? Hindi ko na ho mawari. Basta po yung mata niya."

"Anong meron sa ma—" Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang nasa likuran niya.

The black figure stands there which is then transformed into the shape of a man... my man... Zagan...

Pero hindi lang iyon ang nasa likuran ni officer Benjie, kundi ay isa pang pulis na nakatutok ang baril kay Zagan. Bigla akong natigilan.

Alam ko ang mangyayari. H-Hindi niya mababaril si Zagan. So if ever... the police officer will shoot...

Agad akong napatingin kay officer Benjie na nakatitig din sa nasa likuran ko pero wala roon ang atensyon ko kundi sa maaaring mangyari sa balak ng pulis kung tama ang hinala ko.

At sa isang iglap ay nakarinig ako ng putok ng baril. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa pero naramdaman ko na lang na kusang gumalaw ang katawan ko. For a moment there, I remembered those humans who attended my book event to support and appreciate me. And right there and then, I knew I wanted to save a human's life.

Kaya naman hinayaan ko lang nang maramdaman ko ang pagtama ng bala sa may dibdib ko. I could feel the pain, the coldness. Naririnig ko rin ang ingay sa paligid ko. Ang paghingi ng tulong ni officer Benjie.

Pero ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko ay ang nakangiting lalakeng nakatayo na para bang multo sa gitna ng kaguluhan.

Zagan... What have you done? 

Endless Pen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon