CHAPTER SIXTEEN

23 1 0
                                    


CHAPTER SIXTEEN

ATHANASIA'S POV

As I drove my way to her house, I could feel my heart beating faster than usual. Makikita ko sa personal ang real-life character ko and that makes me so nervous yet, amazed.

I mean... Who would've thought na may totoong version ang mga karakter eh ang alam ko ay gawa-gawa lamang sila ng imahinasyon ko.

I do not look for a basis. I actually do not know many people for me to use someone as an inspiration for my lead characters. Ang alam ko lang ay papatayin ko rin naman sila sa dulo kaya bakit ako hihingi ng suggestions ng names mula sa iba, diba?

Malapit na ako sa destinasyon ko, at katulad ng hinala ko ay nasa Sitio Tumana rin siya nakatira. Ano bang meron sa lugar na 'to? Is this the real-life world of my stories?

Ang daming katanungan sa isip ko pero alam kong masasagot lang ito kapag nahuli na namin ang suspect. Pero ang isa sa mga pinaka-tanong na naglalaro sa aking isip ay kung may kinalaman si Zagan sa mga nangyayaring pagpatay.

Napailing na lamang ako habang pinapatay ang makina ng sasakyan. I parked Bangun's car in front of Kaia's house. I took a deep breath after I left the car. And I also couldn't help but take my time as I walked toward their gate.

In contrast to my description of my character Kaia's lifestyle, this real-life Kaia's house looked so old and their gate was rusty. My characters' and these real-life people's similarities certainly end with their names and physical attributes. Muli akong napahinga ng malalim bago nag-aalangang nagsalita. "Tao po?"

I waited for someone to come outside but no one did so I called up two more times, louder than the first one before someone finally heard me.

"Hi. Is this the residence of Kaia Samson?" I quickly asked when a middle-aged woman neared me.

Tiningnan niya lamang ako na para bang inaaral niya ang mukha ko. "Si Kai ba kamo?" Tumango na lamang ako. "Ay siya. Nasa sa loob. Sino ka ga?"

Napaisip naman ako. Iyon ata ang hindi ko napaghandaan. "Ahm..."

"Isa ka ga sa mga kaibigan niya't kaklase? Hindi ba't bumisita na rin naman kayo kahapon? Hindi ko maalala ang iyong mukha, iha."

Ilang beses akong napakurap bago dahan-dahang tumango. "Hindi ho kasi ako nakasama sa kanila kahapon dahil hindi ho napayagan kaagad ng mga magulang ko ho. Kumusta na ho ba si Kai?"

Binuksan naman ng babae ang gate saka ako pinapasok at muling isinara ito. "Hay un! Nakaratay pa rin sa kama. Kinakabahan na nga kami eh. Hindi pa namin madala sa ospital dahil nga kulang sa pera."

Agad napaangat ang kilay ko dahil sa sinasabi ng ginang. Wait. What does she mean by bedridden? And what? Hospital?

Nang tuluyan kaming makapasok sa bahay nila ay maliit na espasyo lamang ang lalakarin at may kwarto na roong maliit. Kasing liit ng CR sa apartment ko.

Agad namang nakuha ng babaeng nakahiga sa kama ang atensyon ko. I then had goosebumps. She looks exactly how I described my character, Kaia.

"Kai, anak, may bisita ka," mahinang salita ng ginang sa dalaga. Nang unti-unting bumukas ang mga mata ni Kaia ay humarap sa akin ang ginang. "Maiwan ko muna kayo rito't ipagtitimpla muna kita ng kape kung nais mo."

Tumango na lang ako. "Maraming salamat po." Tumango lang din siya't tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Muling bumagsak ang tingin ko sa babaeng nakahiga. Namumutla ang mga labi niya't hirap na hirap siyang idilat ang mga mata niya.

"Are you Kaia Samson?" Naglakad ako papalapit sa higaan niya.

Nanghihina naman itong tumango. "S-Sino ho kayo?"

I stared at her longer than I should and then I asked her a couple of questions. But suddenly, I felt my head aching and my world turning. I could hear Kaia's voice asking me if I was alright but I couldn't even open my mouth to answer her until I lost consciousness.

When I opened my eyes, I was inside my car and well-seated in the passenger seat. I moved my head to see who was driving—and of course, why was I even surprised to see him there?

"What happened?" I asked as I sat properly and more comfortably.

Saglit siyang nanatiling tahimik bago napabuga ng hangin. "Nawalan ka ng malay habang kausap mo si Miss Samson."

I rolled my eyes. "That, I know of. But I wanna know what happened after that."

"Sinundan kita kaya nung may narinig akong nagpa-panic sa bahay nila eh umimik na ako."

Hindi ko napigilang iangat ang kilay ko. "And that's not even surprising."

Nakita kong kumunot ang noo niya. "Ang alin?"

I scoffed. "Na sinundan mo ako. Akala ko ba eh wala kang planong mangealam?"

"Hindi naman ako nangealam maliban na lang nung hinimatay ka na ah." His tone screams defensiveness.

"Whatever floats your boat, Bangun." Tumingin ako sa labas ng bintana. "Anong nangyari kay Kaia nang mawalan ako ng malay?"

I waited for his answer but after seconds of silence, he still did not give me an answer.

Iniharap ko ang mukha ko sa kanya. "Bangun?"

He remained quiet, but I noticed his hands tightening their grip on the wheel. I was about to call out his name again when he spoke first. "She panicked a little, but she's still lying on the bed."

Napatango na lang ako saka muling tumingin sa bintana. I knew that I made my character Kaia weak and sickly, but I never knew that the real Kaia would have the same state.

Napahilot ako ng sentido ko dahil sa mga nangyayari. These past few days have been very eventful. Hindi lang ang pagsusulat ko't pagresolba ng kaso ang pino-problema ko kundi pati na rin ang pagdalas ng pagkakawalan ko ng malay.

Kung noon ay kada hihimatayin ako ay may makikita akong pangitain ni Zagan, kanina ay wala. Para lang akong normal na hinimatay. Napabuga naman ako ng hangin saka sumandal sa upuan.

Ang isip ko ay lumilipad sa maraming ulap ng isipin ngunit lagi itong hihinto sa parte kung saan ay mababanggit si Zagan.

Akala ko ay mananatiling tahimik ang byahe namin pauwi pero muling nagsalita si Bangun. Isang pangungusap na nagparamdam sa akin ng libo-libong emosyon.

"Gusto kang makausap ni Jelayah tungkol sa misyon mo."

Endless Pen [COMPLETED]Where stories live. Discover now