CHAPTER NINETEEN

25 1 1
                                    


CHAPTER NINETEEN

ATHANASIA'S POV

I was almost done with the ninth batch and my wrists are hurting. I couldn't complain so I smiled instead and tried to treasure these moments like what Bangun used to say.

There are some who would suddenly take a photo of me while I sign their copy of my book, but there are others who would ask for my permission if they could take a photo with me. I always say yes, though.

And then there's the giving of the freebies. I was actually thankful that Bangun bought tons of giveaways or else I would've seen the sadness in some fans, which surprisingly is something I do not want to encounter.

"Hala, Infinite Ink! Idol na idol kita!" A staff member instructed the teenage girl to place her copy of my book on my table for me to sign. "Ay sorry po." Nahihiya pa itong natawa.

I smiled at her. "It's fine. It's fine. So... you also write stories?"

Nakangiti naman itong tumango ng ilang beses bago nagsalita. "Bale nakuha ko po yung inspirasyon na magsulat ng thriller dahil sayo pero nilalagyan ko ho ng romance yung sa akin kasi ewan ko ho. Parang bet ko po siyang ganon."

Mahina naman akong natawa saka tinapos ang pagpirma ko saka umabot ng string bag at ibinigay sa kanya. "Well, write whatever you want. You are the queen of your fictional world, okay?"

Mas lalong lumaki ang ngiti niya. "Yes po, Ma'am! Pwede po bang mayakap ka po?"

Bahagya akong natigilan habang napapakurap ng ilang beses, pero sa huli ay kinalma ko ang sarili ko saka ngumiti at tumayo. "Of course. Come here." I opened my arms and waited her to hug me. And when she did, I suddenly felt my right shoulder getting wet. Saka ko lang narinig ang mahina niyang hagulgol. "H-Hey! A-Are you okay?"

Bumitaw naman siya sa pagkakayakap saka tumango habang pinupunasan ang luha niya. "Sobrang saya ko lang po talaga. Ilang taon ko po kasing sinubaybayan ang mga kwento mo po sa app tapos ngayon po ay nasa harapan na kita tapos nayakap pa kita." Muli siyang umiyak.

I patted her head and fixed her hair. "Hey, it's okay. I never thought that this would be my effect on people." Napangiti naman ako nang tuluyan siyang tumahan. "Anyways, thank you so much for coming here."

"Nako. Anytime po, Miss Infinite Ink. Sisiguraduhin ko pong maka-aattend po ako ng lahat ng event niyo po. Salamat po ulit! Aalis na ho ako at may huling batch pa pala." Kumaway pa siya bago tuluyang makababa ng stage.

Ako naman ay nanatiling nakangiti. Well, that's unexpected.

"Ayan! Natapos din ang pangalawa sa huling batch ng mga magpapapirma kaya para sa commercial break natin, may tanong kami sayo, Miss Infinite Ink!" wika ng host na nagpangiti sa akin.

Last set of Q & A portion, here we go. Tumango naman ako saka inabot ang mic. "Give it to me, host!" makwela kong sagot na nagpa-ngiti sa madla.

"Ay nako, Miss Infinite Ink. Hindi na tayo simpleng Q & A portion ha?" Napaangat naman ang dalawa kong kilay sa sinabi ng host. Then what? Humarap siya sa audience saka sumenyas sa main door. "May we call on the special someone of our favorite writer, Sir Bangun!"

Legit na agad akong napatingin sa pintuan at nang bumukas iyon ay dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko.

Bangun was just wearing a white fitted polo and black pants with black shoes while holding a bouquet and smiling at me. His top knot hair is looking fine. He walked like nothing else in the world matters but me and him.

Endless Pen [COMPLETED]Where stories live. Discover now