CHAPTER EIGHTEEN

31 1 0
                                    


CHAPTER EIGHTEEN

ATHANASIA'S POV

I let out a deep breath as I look around the place. There's a stage in front of everything else, then there are booth stands—souvenir booth, photobooth, food stand. I mean like... diba booksigning lang naman ang mangyayari? Bakit mala-book fair?

May mga upuan nang nakahanda para sa mga magpapapirma dahil baka mahaba-haba raw ang pila kaya para hindi mangalay ang fans ay naghanda na ang staffs. Napaisip naman ako... Just how many people are coming?

Kung makapag-handa naman kasi sila ay akala nila ay dadagsain kami ng fans ko. Imposible naman kasi yun. I mean... oo nga, marami-rami na ang followers ko sa writing account ko at marami na rin ang reads ng stories ko, pero sinong baliw ang gagastos ng ilang daan para lang sa librong mababasa rin naman nila sa platform na 'yun?

"Infinite Ink, ready na po ang lahat." Itinuro ng staff na nasa harapan ko ang pinto. "Bubuksan na lang po ang pintong iyon at papasok na po ang mga magpapapirma sa inyo. Pwede na ho kayong umupo sa pwesto niyo po sa stage."

Tumango naman ako saka siya sinundan. Red, black, white, at gray ang color theme ng lugar. Air-conditioned din ang kwarto kaya ayos na ayos sa akin. Tumingin naman ako sa paligid nang saktong makaupo ako sa pwesto ko.

"Is there anything else you need, Miss Infinite Ink?" Umiling naman ako. "Kada mauubos po ang bote ng tubig niyo rito ay agad papalitan ng isang staff po namin. Tapos po ay magkakaroon ng break at pa-games or mini interviews kada makakatapos po kayong pumirma ng limampung libro."

Napaangat naman ang kilay ko. "Gaano ba karaming tao ang dumating?"

Ngumiti ng napakalaki ang babaeng staff. "Nako, Ma'am! Maraming-marami po. Ubos nga ho yung pina-print ng kompanya na limang daang kopya ng libro niyo ho eh."

Dahan-dahang lumaki ang aking mga mata. "L-Limang daan?"

Masaya itong tumango. "Opo, Ma'am! Kaya nga ho imbes na simpleng book signing ang magaganap ngayon ay mala-simpleng book event ang mangyayari."

"Ibig sabihin ba ay ang limang daang 'yun ang pipirmahan ko ngayong araw na ito?"

Napakamot naman ng batok ang babae saka nag-aalangang tumawa. "Ah eh... opo, Ma'am eh. Dinumog ka ho kasi. Tapos first book signing niyo pa po. Marami nga hong pumunta rito na mula pa sa pinaka-lungsod ng bansa eh. Tapos yung iba naman po eh taga malalayong probinsya, ma'am."

Napahinga naman ako nang malalim. Goodness! Just what in this world did I enter? "S-Salamat na lang."

Tumango naman ang babae. "Sige po, Ma'am. Aalis na ho ako. Kapag po may kailangan po kayo ay magsabi lang po kayo sa amin."

Nagpasalamat na lang ako saka hinayaan siyang umalis. Napabuga naman ako ng hangin saka tumingin sa main door. Behind those doors are hundreds of people who would want to see and meet me. I then felt a warm feeling inside me that made me smile. So this is how it somehow feels.

Muli akong huminga ng malalim saka na naman inikot ang paningin sa paligid. He's not yet here. Is he still mad at me after that night?

Ilang araw na mula ng matinding usapan namin ni Bangun, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam o nagpapakita man lang. No texts. No calls. Nothing.

Isinantabi ko muna ang isipin kong iyon saka nag-focus sa mangyayari ngayon. According to the schedule they prepared, the host will introduce me and the curtains will then open to reveal me. Kaunting pasasalamat lang muna tapos proceed na raw sa first batch ng pipirmahan.

After that ay magpapalaro muna ang host sa fans. Then next fifty. Then a short performance from a certain band daw. Then the third fifty. Then a short question and answer portion daw from me and the readers. Then fourth fifty. Then another set of games. Then so on and so forth.

Basta may games, may question and answer, at may performances.

Hindi naman na ako umangal sa Q & A na gusto nila dahil pang-practice na rin iyon para hindi ako mailang sa mga tao.

Ang security naman daw ng event ay handled na rin. Syempre ay naroroon si SPO3 Caylo kaya mas panatag ang loob ko. Pero mas magiging okay sana ako kung nandito rin si Bangun. Siya naman kasi ang Number one fan ko raw kaya dapat ay nandito siya.

But I can never always have everything I want. Ilang dekada rin bago ko nalaman 'yun. At hanggang ngayon ay applicable pa rin ang phrase na iyon.

Ilang saglit lang ay sinenyasan na ako ng babaeng staff kanina na magsisimula na kaya naman isinara na nila ang kurtinang haharang sa akin at narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Ilang saglit lang ang puro boses na ng iba't ibang tao ang naririnig ko. Footsteps, gasps, and even squeals. After minutes of waiting, the host of the event started.

"Kumusta, mga avid fans ni Infinite Ink? Excited na ba kayo?" masiglang tanong nito sa mic.

"Yes! Woo! Infinite Ink, I love you!" Puro sigaw at hiyawan ng mga tao ang naririnig ko sa likod ng kurtina.

"Pwes, ako rin naman ay excited 'no! Pero bago natin ipakita ang show of the show ay ipapaalala muna ulit namin sa inyo ang mangyayari sa event na ito!" Inisa-isa ng host ang agenda for today. "Oh diba? Ang daming ganap today! But anyways, simulan na natin ang event at baka gabihin pa tayo rito. Ano?" Tumawa naman ang mga tao at kahit ako ay hindi napigilang ngumiti. "Well, let us all give it up for one of the best thriller writers of the world, Infinite Ink!"

Bigla namang bumukas ang kurtina at tuluyan ko nang nakita ang mga taong naghihintay na pirmahan ko ang libro nila.

If the cheers were loud when they haven't seen me yet, well now, it's louder. I even saw some boards saying, "We love you, Infinite Ink!" Napakurap tuloy ako ng ilang beses. I'm overwhelmed as hell.

Pagkatapos akong ipakilala ay inabutan ako ng isang staff ng wireless microphone saka inalalayang tumayo at maglakad papunta sa harap ng table ko. "Good morning, everyone."

"Good morning, Infinite Ink!" someone shouted. "I love you!" pahabol pa nito na umani ng tawa mula sa madla.

Ilang beses muna akong napakurap bago ngumiti. "Thank you for loving me and my stories. Thank you for coming here. Honestly speaking, I have never expected this so pardon me if I get overwhelmed and such."

Napatingin naman ako sa mga taong nag-aabang ng mga susunod kong sasabihin at mga nakangiti. Ang iba naman ay pansin ko pang medyo naluluha kaya hindi ko napigilan ng mahinang tawa.

"I do hope you all enjoy this day. And thank you once again." I slightly bowed before a staff member guided me back to my seat.

And after my short speech, the most awaited book event slash signing has finally begun.

Endless Pen [COMPLETED]Where stories live. Discover now