Chapter 4

1.9K 46 0
                                    

Chapter 4

IRIS CHRISTABEL’S POV

Lutang akong nangmamaneho, buti na ka uwi kami ng ligtas ng anak ko.

“Loooolaaaaaaa!” tili ni hope pagkapasok sa bahay at sinalubong naman siya ng yakap ng kaniyang lola. “Look lola oh. I have a new Bag and books.” At ipinakita sa kaniyang lola ang bago niyang gamit at umupo sa couch sa sala.

“Are you okay anak?” tanong sakin ni daddy. Tumango lang ako bilang sagot
“Halika na, pasok kana para makapagpahinga kana” tumango lang ako at sinabayan si dad sa paglakad

Pumunta ako sa kusina upang uminom nang tubig at pagharap ko nandon si mama.

“Oh mom. Where’s Hope?” tanong ko kay mama. Tinuro naman niya ang sala at nandon nag lalaro sa kaniyang lolo

“May problema ba?” tanong ni mommy. Umiwas naman ako nang tingin upang hindi niya mahalata “Alam kung may problema ka sinasabi ng mga mata mo oh. Ano yun?” kilalang kilala niya talaga ako

“Kanina po kasi, nung nawala sa paningin ko si Hope, may tumulong sa kaniya ma. At sabi niya magkaparehas daw sila ng mata. Ma alam mo po’ng nag-iisa lang po sila dito sa pilipinas na ganon ang mata. Their eyes are the rarest ma, baka po siya yon” naiiyak kung kwento sa mama ko

“Lumiliit na ang mundo niyo anak. Para sa’kin may karapatan si James na malaman na may anak siya.” bumuntong hininga naman siya. “Alam mo nung umalis ka nang gabing iyon, pumunta siya dito, hinahanap ka niya, hindi ka pala nagpaalam sa kaniya ng maayos” nanlaki naman ang mata ko sa nalaman. ‘pinuntahan niya ako dito’. “Sinabi namin na hindi namin alam. At gaya ng sinabi mo we erase and delete all the information sa airport kung saan ka patungo. His a billionaire anak, and he can do anything, kaya nung nalaman niya, tumawag sa amin ang employee sa airport na may nagtanong daw na hinahanap ka kung saan ka patungo, but we already erased it kaya  wala siyang nakuha, hindi ko na alam kung ano na ang mga nangyari sa araw na ‘yon.”Natulala lang ako sa mga nalaman ko, hindi ko lubos maisip na pumunta siya dito. Hindi nga ako nakapagpaalam sa kaniya nang maayos. Umalis lang ako ng walang paalam.

“Pag-isipan mong mabuti anak kung ano ang mas makabubuti kay hope at sa iyo. Malaki kana kaya mo nang gumawa ng desisyon. Desisyon na kaya kang pasayahin at ang anak mo.” Hinalikan ni mama ang noo ko pagkatapos niyang sabihin iyon. “Magbihis kana’ we’ll prepare for our dinner” tumango naman ako at iniwan si mommy sa kusina.

**
Its already dinner at nandito na kami sa hapag kumakain. Pagkatapos kumain ay pumunta na kami ni Hope sa kwarta namin.

“Baby mag bihis kana.” Tumango naman siya. Nagbihis narin ako at tumabi sa kaniya. “Did you enjoy kanina?” I ask

“Yes mommy. I hope next time we’ll go again there ha?” ngumiti naman ako at tumango.

“Sleep kana” she nodded and closes her eyes. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya, nang natulog na siya ng mahimbing natulog na rin ako.

Hiding The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now