Chapter 10

1.8K 43 1
                                    

Chapter 10

IRIS CHRISTABEL’S POV

Hindi ako pumasok ngayon, dahil kinakabahan pa rin ako, baka kasi bumalik na naman siya. Kaya heto ako ngayon nag gogrocery kasama ang anak ko.

“Mommy can we also buy some dairy milk chocolates?” she asks. I just smile and nod to her. We’re already here in the chocolate department at namimili na ako ng mga chocolates na gusto niya. Napatingin agad ako sa kaniya nung sumigaw siya.

“MIIIIISTEER!” she shouted at the man. Hindi ko kilala ang lalaki pero pamilyar ang likod niya. Nanlaki naman ang mata ko nang humarap siya sa ‘kin.

“Mommy he’s the person that I’ve been talking to you. Na we have the same color of the eye.” Nakatulala at hindi makapagsalita. “Mommy!” tawag ni Hope sa’kin kaya tumango nalang ako, dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko.

“Nag bu-buy po pala kayo dito mister” tanong ni hope sa lalaki. Tumingin naman ako sa kaniya at nagulat dahil nakatitig lang naman siya sa akin, dali-dali ko namang iniwas ang mga mata ko sa kaniya.

“Yes baby” nakangiting sagot ni Aiden sa bata.

“Why don’t you join us mister” tumingin naman sakin si Aiden.

“Is it okay with your mom?” nakatingin parin siya sa’ kin.

“Mommy can he join with us.?” Nagsusumamo niyang tanong. Nag puppy eyes naman siya sakin, kaya napabuntong-hininga naman ako saka tumango

“Yehhheeey” hinawakan niya naman ang kamay ni Aiden. “Tara na po mister.” anyaya ng anak niya.

Nauna na silang maglakad at nasa likod lang ako. ‘hindi pa naging ganito si Hope kasaya pag may nakikilala siya, kahit isang beses lang silang magkakilala at ang close-close nila’.

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa pumasok sa isip ko ‘ito na ba ang tawag nilang lukso ng dugo’.

“Mommy bat kayo tumigil” napabalik naman ako sa huwisyo dahil sa boses ng anak ko.

“Yes baby.” nakangiti kung sagot.
Nandon parin siya kasama ni Hope. Ang saya-saya ng anak ko. Ngayon kulang siya nakitang ganito. Nakikita ko rin sa mata ni Aiden ang saya.

“Mommy, why are you crying” hinawakan ko naman ang pisngi ko at basa nga. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na ako.

“Napuwing lang baby.” tumango naman siya.

“Mommy can we go to the mall today I want to play with daddy aiden to the arcade.?” nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

“Daddy ano?” tanong ko. At tumingin sa harap kung nasaan si Aiden. “Daddy Aiden po. That’s his name po. And I want to call him daddy po, kasi po his so mabait and we have the same eye color po. Okay naman po hindi ba?” tumango nalang ako. Ayoko namang sabihing hindi, dahil alam kung malulungkot lang siya. Di man niya sabihin alam kung gusto niya na may daddy siya.

“Mommy punta po tayo sa mall, please mommy.” She begs. Bumuntong hininga-nalang ako at tumango.

“Daddy Aiden payag na po si mommy” sigaw niya. Ngumiti naman si Aiden.
Lumapit siya sa’kin “Did you bring your car?” he asked.
“Oo” kaunting sagot ko

“Just leave your car in here. Babalikan na lang natin mamaya.” Tumango nalang ako. Umalis na kami at pumunta nang mall para maglaro sa arcade. Nagsimula na silang mag larong dalawa at ako heto nanunood lang sa kanila. Marami silang games na nilaro at maraming tickets na nakuha at ang huli nilang nilapitan ay ang claw machine.

“Daddy Aiden I want a Teddy bear po.” Ngumiti naman si Aiden. “I want that panda Daddy.” Hinulog na ni aiden ang mga tokens. At nag simula nang galawin ni aiden ang joystick.

“Go daddy you can do it” pag checheer niya kay Aiden. “Yes. Ang galing niyo po.” She laughed. Ngumiti rin si aiden kaya napangiti rin ako.
“Look mommy oh.”
“Say thank you to him anak”
“Thank you po daddy” sabay halik sa pisngi niya.
“Umuwi na tayo. It’s getting dark. Ihahatid ko na kayo.”  Tiningnan ko naman ang wrist watch ko. He’s right, malapit nang mag 6 pm.

“papakuha ko nalang ang sasakyan mo sa convenient store” hindi na ako kumuntra pa. Hinatid niya kami sa bahay namin. ‘di rin nagtagal ay nakarating na kami. Lumabas na ako sa kotse niya at kinuha si Hope sa backseat. Nakatulog siguro ito dahil sa pagod. Kinuha ko na siya at kinarga.
“salamat sa pag-hatid” pagpapasalamat ko.  Hindi na siya nakasagot dahil sa pagsabat ni mommy.
“Nandito na kana pala iha.” Sabi niya. Nagulat naman siya ng nakita niya si aiden sa tabi ko.

“Good evening Mrs. Sandoval” pagbati niya.
“Good evening. Ikaw pala ang naghatid sa anak ko.” Tumango naman siya.

“Magkakilala po kasi sila ni Hope mommy.” Nagulat naman si mommy sa sinabi ko.
“Ganun ba.” sabi niya “Pasok ka muna iho, para makapag hapunan ka” pag iimbita niya. Umiling siya

“Wag na po ma'am.” At ngumiti.

“I have to go Iris” bulong niya sakin. Tiningnan ko naman si mommy, hindi pa rin nawawala ang pagkabigla niya sa mukha niya.

“Mrs. Sandoval mauna na po ako” tango lang ang kaniyang sagot. Hinintay kung makaalis siya at saka pumakos. Hinatid ko na si Hope sa kwarto upang makapagpahinga naman siya ng maayos. Bumaba na ako pagkatapos, dahil alam kung maraming katanungan sa isip ni mommy ngayon. At tama nga ako, naghihintay siya sa sala na may dalawang tasa at tinapik ang katabi niyang upuan.

“Pano nagkakilala ang mag-ama mo iha. Alam niya na ba? Kailan sila nagkakilala.?” nagtatakang tanong ni mommy. Kaya ikwenento ko sa kaniya lahat simula sa mall. Mas lalong nagulat si mommy sa sinabi ko tungkol sa pagbisita niya sa opisina ko.

“May balak ka bang sabihin sa kaniya?”

“Darating po tayo diyan. Huwag muna ngayon.” At saka bumuntong hininga. Pagkatapos namin mag usap ni mommy ay umakyat na ako at tumabi sa anak ko at natulog.

Hiding The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now