Chapter 16

1.5K 38 10
                                    

IRIS CHRISTABEL

Pagdating ko sa address na ibinigay niya, isang abandonadong gusali ang unang nakita ko. Napapitlag naman ako nung narinig ko ang isang tawag.

“Hello Claire. andito na ako.” nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba. ‘sana wala nangyaring masama sa anak ko.

“Good. Pumasok ka sa gusali at pumasok ka sa 3rd floor.” Tumungo ako sa loob ng gusali at umakyat sa hagdanan. May nakita akong mga armadong lalaki na lumalapit sa’kin.

Hinawakan ang magkabilang braso at kinaladkad papasok sa isang abandonadong opisina. Nagpupumiglas ako dahil sa higpit nang pakakahawak nila sakin.

“BITIWAN NIYO ANO BA!” sigaw ko.

“MOOOOMMY” ang anak ko.

“Well you’re already here mabuti naman. Itali niyo yan.” Utos niya sa mga lalaki.

“ANO BA BITAWAN NIYO AKO!”

“Wag ka nang lumaban pa Iris dahil hindi mo sila kaya.” Ngumisi naman siya.

“Ano ba ang kailangan mo sa’min Claire” tanong ko. At ayon na naman ang nakaka-irita niyang ngisi.

“Sa totoo lang si Aiden lang naman ang kailangan ko. Pero dumating ka ulit sa buhay niya, kaya nawala na naman ang atensyon niya sa’kin.” Matalim pa rin ang tingin niya sa’kin.

“Na sayo na si Aiden, Claire. Boyfriend mo na siya, bakit mo ba kami dinadamay ng anak ko” sigaw ko sa kaniya.

“Sana nga boyfriend ko nalang siya, pero HINDI, hindi ko siya boyfriend. HINDI NIYA AKO MINAHAL GAYA NG PAGMAMAHAL NIYA SAYO IRIS. Ilang taon kang nawala, pero ikaw pa rin ang nasa puso niya Iris. Ako yung nandon para sa kaniya nung iniwan mo siya, pero ako pa rin yung nabaliwala pagbalik mo.”
Hinawakan niya ang panga ko.

“SANA HINDI KA NALANG BUMALIK” sigaw niya.

“Hindi ko kasalanan kung bakit hindi ka niya minahal Claire”
*PAK
*PAK

“MOOOMMY” tumingin naman ako sa anak ko ‘okay lang si mommy’bulong ko
Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Ang sakit ng dalawang pisnge ko.

“Kulang pa ‘yang ih. Kulang na kulang pa yan.” sabi niya.

“kung ang tanging paraan lang ay ang patayin kayo, ay gagawin ko. Hindi sana kasali yang batang yan kung hindi napalapit si aiden sa kaniya.  Sorry na lang, dahil kayong dalawa ang tatapusin ko.
Umiling ako

“wag na yong anak ko Iris. Wag mong idamay ang anak ko dito. Sakin ka may galit hindi ba, sa ‘kin mo ibuntong ang galit ko” sigaw ko sa kaniya.”

Ngumisi naman siya “ayoko namang madaliin ang pagkamatay niyo nang walang paghihirap” sabi niya

“Boys bugbugin niyo ang babaeng yan” at saka humalakhak.

Lumapit na sila sa akin at sinimulang suntukin at sipa-sipain ang katawan at umakha ko.

“WAGG PO! WAG PO ANG MOMMY KO!” Humihikbing sigaw ni hope “MOOOMMY” sigaw niya.

“ANO BA YAN ANG INGAY MO NAMANG BATA KA” naiinis na sigaw ni Claire. Aakma niyang sisipain nang sumigaw ako.

“WAG CLAIRE! SAKIN MO NA LANG GAWIN, WAG ANG ANAK KO!” Kahit masakit na ang katawan ko at gusto nang pumikit ng mga mata ko ay pinipilit ko paring magsalita.
Ngumisi lang siya.

“Too late” at sinipa. Mas lalo ang napaiyak nang namimilipit sa sakit ang anak ko.

“HOOOOPE” sigaw ko. Kahit pinagtulong-tulongan nila ako ay pinipilit kung makalaban.

Isang malakas na halakhak ang narinig ko sa loob ng lumang opisina

“Kawawa ka naman. Hindi kayang iligtas ang anak niya. Gusto ko pang maghirap ka Claire.” At ngumisi.

“Ibitay niyo yang batang yan patiwarik.”

“WAAAG CLAIIIRE. MAAWA KA SA ANAK KOOOOO” kahit nanghihina na ang katawan sa bugbog at iyak ay kinakaya ko parin

“AHAHHAHAHA wala ka nang magagawa” sabi niya.

“HOOOOOPPE ANNAK!” napahikbi ako sa nakikita ko. Nagsisimula na siyang mamutla. Nagulat naman ako ng iputok ni Claire ang baril sa harap ko.

“ANG INGAY INGAY! TUMAHIMIK KA KUNG AYAW MONG PAPUTUKAN KITA NITO.” Sigaw niya. Kahit masakit ang tutunlan ko sa pagpipigil nang iyak ay nagsalita pa rin ako.

“Claire itigil mo na to. Wag mong idamay ang anak ko dito, maawa ka naman.” Humalakhak nman siya.

“Wag na Iris mamamatay rin naman yang anak mo.” Ngumingisi niyang sabi.

“Nagtataka ako kung bakit ka pa pinatulan ni Aiden kung may anak ka na. Ah Oo nga pala ano. Anak niyo pala siya. Kaya pala dapat ko talaga kayong patayin.” Nanlamig ako sa sinabi niya. ‘paano niya nalaman’ sabi ko sa isip ko.

“Hindi ko na sasabihin sa’yo kung pano ko nalaman. Ang importante ay alam ko na. kaya buburahin ko na kayo dito sa mundo para wala ng sagabal sa mga gusto ko. Kinasa niya ang baril niya at itinutok sa noo ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang putok. Napasigaw naman ako ng ipinutok niya ang baril, ngunit wala akong naramdamang sakit. Iminulat ko ang mga mata ko at nanlaki dahil sa gulat, nang nakita kung naliligo si Claire sa sarili niyang dugo.

“IRIS” Itinaas ko ang ang ulo ko at napahagulhol. Nandito na siya. Tinakbo niya ang distansya namin at niyakap ako. Napakikbi ako sa mga bisig niya.

“It’s okay now!” mas lalo akong napaiyak. Doon ko na naramdaman ang matinding pagod at sakit sa katawan ko.

“Iligtas mo ang anak natin Aiden” bulong ko at dun na bumigaw ang katawan ko.

Hiding The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now