Chapter 8

1.7K 41 0
                                    

Chapter 8

IRIS CHRISTABEL’S POV

Nakauwi na kami sa bahay na karga-karga ko si Hope sa bisig ko. Napagod sa paglalaro, bumalik na ang sigla niya nung sinabi kung may daddy siya, kaya ito nakatulog sa mga bisig ko.

Bumungad sakin si mommy sa sala at niyakap niya ako.

“Iaakyat ko muna si hope mom.” Tumango naman siya. At umakyat naman ako sa taas at inihiga na si hope sa kwarto at kinumutan. Iniwan ko na siya doon at bumaba na sa sala.

“Kumain na ba kayo?” tanong ni mommy. At tumango nalang ako.

“Pumunta siya dito kanina” nanlaki naman ang mata ko. Kahit hindi sabihin ni mommy ay alam ko kung sino ito.

“A---aanong ginagawa niya dito?” kinakabahan kung tanong

“He’s looking for you” kaswal na sagot niya. Napakagat ako sa labi ko dahil naiiyak ako.

“Wala po ba siyang sinabi tungkol sakin? Wala naman siguro siyang nilalaman tungkol sa anak ko hindi ba?” pilit kung hindi kabahan. Hindi ko talaga to inaasahan




Bumuntong hininga naman siya “Iris. Don’t be afraid to tell him the truth. You both already matured kaya alam niyo na ang tama at mali. Kung sasabihin mo sa kaniya, lalong sasaya si hope dahil nakilala na niya ang ama niya. That’s what you want right, na maging masaya si hope.” Tumango naman ako sa sinabi niya.
“Mayaman ang ama nang anak mo Chris. Maraming paraan para malaman niya. Makipagkita ka sa kaniya and talk to him.” Payo niya. Tumango nalamang ako.

“Umakyat kana pagkatapos okay. You need to rest” and then she left.

Naiiyak na ako, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba talaga sa kaniya. Pano kung ayaw niayng tanggapin ang anak ko. Ayoko naman nang ganun. Binuntong hininga ko nalang ang mga iniisip ko, kaya umakyat nalang ako. Tumabi ako sa anak ko na mahimbing na natutulog at tinitigan ko siya nang mabuti. ‘Para sayo anak gagawin ko ang lahat. Pero hindi muna talaga ngayon. Natatakot parin ako sa kakalabasan’. Hinalikan ko nalang ang kaniyang noo at nilamon na ng antok.

Hiding The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now