Chapter 1

3.3K 126 5
                                    


Third person's POV

Sa isang kaharian ng mga lithomnian, sa gitna
ng lugar kung saan naka sentro ang Light Palació
nagtitipon tipon ang lahat ng mga mamamayan
sa bawat sulok ng Mundo ng mahika , walang ginawa
ang mga mamayan kung hindi  ang  umiyak, sumigaw
at mag makaawa sa mga hari at reyna


ang mga kawal o sundalo ng bawat kaharian ay
nagtipon upang pigilan ang mga kalaban sa pagsira
ng Light palació, makikita ang kalahati ng lugar
ang mga sumabog na kabahayan, mga walang buhay
na lithomnian , at ang iba pang mga nilalang na
naninirahan sa lugar.


Ang mga hari ng bawat kaharian ay lumalaban
ginagamit ang kapangyarihan at lakas na meron sila
ang mga reyna naman ay pumoprotekta sa kanilang
mga sinasakupan at kasama doon ang mga sangol
ang mga anak ng mga Hari't Reyna


sa pamumuno ng Hari ng Ice palació na ang itinakda
na tatapos sa maitim nilang kalaban ay gumawa
ng pwersa upang mapaghandaan ang pag ataki
ng hari ng kadiliman.



Ang kaharian ng apoy, tubig, hangin at lupa ay
gumuho at ang natitira na lamang ay ang kaharian
ng yelo' at ang light palació kung saan nagtitipon
ang lahat ng lithomnian,



" Cyrus, Ang Ikatlong sangol mo nawawala!"
saad ni Reyna Hessah ang Reyna ng kaharian apoy
Dahil sa narinig ni Cyrus ay hindi na ito nagdalawang
isip pa ay bumalik ito sa loob ng Light palació
upang tignan ang kaniyang mga anak. pagkarating
niya sa kinalalagiyan ng mga sangol at naabutan
niya si Reyna Uren ang Reyna ng kaharian Hangin


"Uren!" tawag ni Cyrus sa Reynang nagbibigkas
ng mahika


" Cyrus" bangit ni Reyna Uren kay Haring Cyrus


" Ang Anak ko si Ziuss!" Saad ni Cyrus at tsaka
nito tinignan ang mga sangol, hinawakan naman
siya ni Reyna Uren sa kaniyang braso dahilan
mapahinto si Cyrus sa paghahanap


" Cyrus, makinig ka, patawarin mo'ko" saad ni Uren
at yumuko, binigyan naman siya ni Cyrus ng nalilitong
tingin.


"anong ibig mong sabihin? Uren!" aligagang saad ni
Cyrus


" Patawarin mo'ko Cyrus dinala ko si Ziuss sa
mundo ng mga mortal" naluluhang saad ni Uren,
hindi naman napigilan ni Cyrus balikan ang
sinabi ng matandang Hakeshan





'FLASHBACK,

' Tandang Hakeshan" saad ni Cyrus sabay yuko
upang magbigay galang sa sina unang salamangkero
hindi niya mawari ngunit bigla siyang kinabahan
dahil sinadya siyang puntahan ng tandang hakeshan

"Ano po ang sadya niyo?" magalang na sabi ni
Cyrus sa matandang salamangkerong kaharap nito
nasa loob sila ng kaniyang silid ngayon at ang kaniyang asawa ay may ginagawang pagpupulong

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon