Chapter 6 " The Spectrú "

1.1K 75 0
                                    

The Beauty of Ice


Chapter 6 " The Spectrú "





Maxxton


"Dad aalis na'ko" tawag pansin ko sa kaniya,
naka upo ito sa gilid ng kama, dahil tinitignan
nito ang kalagayan ng anak ko, napalingon
Ito sa akin

" Mag iingat ka Maxx" saad niya at sinagot ko naman
ito ng isang tango, kinuha ko ang kulay ginto kong
balabal na may hood,

lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala dahil
dito ko gagawin ang engkantasyon upang magbukas
ng lagusan, papunta sa bundok ng libalib,
sinuot ko ang aking cloak at pagkatapos ay pumwesto
sa gitna gaya ng turo sa akin ni dad

tumayo ako ng tuwid , at yumukod ng kaunti ang aking
ulo, sinentro ko ang isip ko sa isang bagay,
ang makarating ng mabilis sa bundok libalib
ilang segundo ay nakaramdam na agad ako ng init
at lamig sa aking noo, hangang sa buksan ko ang
aking mata ay siya ring pagbuo ng usok as aking
harapan, naging malaking bilog ito at sa loob
noon makikita mo ang mga puno at matingkad
na dahon at halaman

hindi narin ako napatumpik tumpik pa, pumasok ako
sa loob non kasama ang pagliit ng bilog hangang sa
nawala iyon, bumungad naman sa akin ang lamig
ng kagubatan, matataas na puno  at mediyo makapal
na hamog, kinuha ko ang face mask na kulay itim
at sinuot iyon

pinakiramdaman ko ang paligid at tsaka ko naramdaman ang isang energy na nanggagaling sa
likod ng malalaking puno, 

naglakad ako doon at ng malapit na ako ng may
naramdaman akong isa? mali, dalawang presensiya
ng nilalang sa aking gilid, at ng tinignan ko ito
may isang lalaki ang nakatayo at may isa namang
babae ang papalapit palang




" Sino ka? "  tanong ng lalaki na ngayon ay kaharap
ko na, napatingin naman sa akin ang babaeng
kararating palang sa itsura nito ay mapapansing
nagtataka



hindi ko sinagot ang tanong ng lalaki, tumingin
nalang ako sa isang gilid kung nasaan ang isang may
kaliitang kweba



gamit ang aking kulay dagat na mata ay tinalasan ko
ang aking paningin at doon nakita ko sa loob ang
isang kalansay na may punit punit na damit
nakahiga ito sa isang mahabang bato, at dibdib
naman nito ay isang kulay itim na bulaklak
hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak iyon
pero kahit na kulay itim ito ay masasabi kong maganda
parin siya



hahakbang na sana ako ng bigla nalang may kung anong , humawak sa dalawang binti ko at ng tignan ko
iyon ay isang makapal na puting usok



"Sabihin mo kung sino ka? at ano ang pakay mo dito?"
saad ng lalaki, tinignan  ko siya, at doon ko nakita
ang usok sa kaniyang kamay na nakakonekta
sa mga usok na nakahawak sa mga binti ko


pero imbes na sagutin ko ang tanong niya ay ginamit
ko ang telepathy,  kinausap ko siya gamit ang aking isip
nakakatamad kasi magsalita

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon