Chapter 3

1.5K 85 1
                                    

The Beauty of Ice

Chapter 3






Third person's POV






Nasa harapan na ng isang malaking Gate ng University
si Maxx, pagkababa niya ay agad na itong nag paalam
sa kaniyang ama at anak, hinintay niyang umalis
ang mga ito bago siya pumasok sa bago nitong
skwelahan na papasukan



ng maka alis ang mga ito, ay agad nito inayos
ang nagulo nitong  kulay asul na buhok, dahil
sa haba ng kaniyang buhok na umaabot hangang
sa kaniyang pang upo, malaki din ang katawan
ni Maxx ngunit napag kakamalan parin itong
babae.



ng maayos niya kaniyang  buhok  ay sinunod
nito ang uniporme at bag nito ng masigurado
na ayos na, ay pumasok na ito, papasok na sana
siya ng harangin siya guard.


" I.D " saad nito, mahahalata sa itsura ang pagkayamot
tinignan lamang siya ni Maxx dahil din sa bangs
nito na natatakpan ang isang mata



"Transferee po" saad ni Maxx, napatango nalang
ang guard at hinayaan ng pumasok sa loob si Maxx



sa pagtapak niya ay agaw atensiyon ito agad ng
mga iilang studyanteng may kaniya kaniyang ginagawa, sino ba'ng hindi makaka agaw ng
atensiyon kung kulay asul ang buhok mo at
mukha ka pang babae?



kaniya kaniyang bulungan ang mga studyante
kahit na naiinis si Maxx dahil lahat ng mata
ay nakatingin sa kaniya ay wala naman
itong magawa, kaya mas minabuti nalamang niyang
tumuloy at maglakad ng tahimik, 




dahil malawak ang unibersidad para hanapin
nito ang Dean's office , kailangan niyang magtanong
dahil kung hindi niya gagawin ay baka maligaw
pa siya, sa hindi kalayuan ay may nakita siyang
isang babaeng naka salamin, halatang Nerd ito
dahil sa haba ng palda hangang tuhod, at mga
librong hawak nito, isama pa ang nakayuko
pa ang paglalakad nito


ng malapit na ang studyante ay humarang ito
kaya ang babae napa angat ang tingin, doon
naman nasilayan ni Maxx ang mata nito kahit
may makapal pa itong salamin, hilig na ni Maxx
ang tumingin sa mga mata ng mga nakakasalamuha
nito, dahil gusto niyang makakita ng mga magagandang mata,



samantala napatulala naman ang babae kay Maxx
dahil sa ganda nito, lalo na ang buhok at Mata niya
napalunok nalang ang babae dahil sa isip nito na
baka bullihin din siya nito katulad ng iba.




" Pwede magtanong" tanong ni Maxx, nanlaki naman
ang mata ng babae dahil narinig nito ang boses ni maxx, hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang
binata o hindi



" Miss? tatanungin ko lang sana kung nasaan ang
dean office?" tanong muli ni Maxx,



" Uhmm D-d-do" hindi na natapos ng babae ang
sasabihin ng makita niya ang tatlong babae na
papunta sa direksyon nila, biglang namawis ang
mga palad nito, at nanginginig dahil ang mga babaeng
yun ang mga bumubully sa kaniya, gusto niyang
tumakbo pero mahahalata siya ng mga to' at isa
pa may nagtatanong pa sa kaniya

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon