Chapter 21 | Connection

615 50 0
                                    


Maxx






   MATAPOS ang kaganapang nangyari kanina ay nagsimula ng kumalat ang nangyaring 'yon ang masamang Viora na akala ng lahat ay ang totoong
prinsesa ay wala na at ang tunay na prinsesa ay nagbalik na.


ang mga ibang kaklase nito na ginamitan ng itim na
mahika ay nawala na, nabalik sa normal ang prinsesa
at ang dating mga kinukutya nito ay madali siyang
napatawad dahil sabi nila ay hindi naman daw talaga ang prinsesa ang gumawa ng mga bagay na 'yon. kundi
ang impostor.


nagpasalamat ng ilang ulit si Viora sa 'kin ganon din
si yessah maski ang ibang royalties ay nagpasalamat
din maliban nalang sa lider nila na si prinsipe draco.


hindi ko naman dinamdam ang mga sinabi nito, dahil
nung mga oras na 'yon eh, nakay Viora ang atensiyon
ko.

"Maxx, may naghahanap sa 'yo." tawag sa 'kin ni Jeor
mula sa labas ng pinto ng kwarto ko, bumangon ako
mula sa pagkakahiga at lumabas na tanging suot
ko lang ay isang sando at maliit na salawal, nadaanan
ko pa ang tatlo. pero ng makita ni lorkan ang suot
ko ay bigla itong nagsalita.


"anong suot 'yan.?" kunot-nuong tanong niya na ikinatingin ko sa kaniya. bulag ba siya?

"ano sa tingin mo?" tanong ko pabalik at tska naglakad
papunta sa pinto narinig ko pa siyang nagtatatalak
mula sa sala pero hindi ko nalamang siya pinansin.


ng mabuksan ko ang pintuan ay bumungad sa 'kin si
Viora. ngumiti Ito ng makita ako, pero agad ding nagtakip ng mata ng makita ang suot ko.

"hehe, para sa 'yo 'to! Maxx." saad niya sabay abot
sa 'kin ng isang may kaliitang kahon kinuha ko naman
yun tska siya tinignan baka kase may gusto pang sabihin.



"salamat ulet sa pagtulong sa 'kin Maxx hehe, sige Mauna na 'ko! paalam!" saad nito at tumakbo paalis
magsasalita pa sana ako para magpasalamat eh.

nagkibit balikat nalang ako at tsaka sinarado ang
pinto, naglakad naman ako patungo sa kusina para ihanda ang binigay ni viora hindi ko paman nakita
pero alam kong pagkain 'to dahil sa amoy na nalalanghap ko.


mabilis kong isinalin sa isang plato ang mga maliliit na
tinapay hindi ko alam ang tawag dito pero para siyang
cookies. kumuha ako ng isa at tinikman iyon. pero agad
din akong uminom ng tubig dahil sa sobrang tamis.



"sinong nagbigay niyan?" napabaling naman ako sa
nagsalita hindi ko naramdaman ang presensiya niya.
kanina paba siya d'yan? bwiset na bampirang 'to.

hindi ko siya sinagot. dahil marami rami ang binigay
ni viora kaya nangalangan pa 'ko ng isa pang plato.


"tinatanong kita sinong nagbigay niyan? sa manliligaw
mo? babae o lalaki?" nagsalubong naman ang kilay
ko, ng matapos kong maisalin lahat ng maliit na tinapay
ay tsaka ko siya tinignan. 


"pinagsasabi mo?" sunghal ko sa kaniya tsaka siya
iniwan do'n pumunta ako sa pwesto ni jeor at binigay
ang pagkain na bigay sa 'kin ni viora. masiyadong
matamis kaya binigay ko kay jeor.


"oy salamat." saad naman nito tsaka kinuha ang
isang plato at nilagay sa kandungan niya. puno ng
libro at papel ang paligid nila sa tingin ko ay nag aaral
sila.


"Hoy! kinakausap kita!" sigaw ni Lorkan ng makarating
siya sa harap ko hindi ko siya pinansin. ano bang
problema ng damuhong 'to?


"ganiyan kaba talaga? hindi mo manlang ako susuyuin?
tignan mo 'tong ginawa mo hangang masakit parin
itong pisnge ko!" saad niya kaya tinignan ko siya
tsaka siya tinarayan.

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon