Chapter 12| Wicherya

947 57 2
                                    

'Chapter 12 | WICHERYA

Maxxton

'' sigurado kabang tama yang dinadaanan natin
Lardon?" tanong ko sa kaniya, kanina pa kami naglala-
kad sa makapal na gubat na to' halos nanginginig na
ang tuhod ko sa sobrang pagod, idagdag mo pa ang
walang kain sinula kanina, sabi ni lardon ay mas
mabuting maaga kami maglakbay patungo sa isang
bayan kung saan maari akong humingi ng tulong para
makamusta ang anak at tatay ko

"konting tiis nalang Maxx" saad niya, napahawak
nalang ako sa isang puno para makapagpahinga ng
kaunti, habol hininga ako dahil sa madaming
bato ang madadaanan

"Maxx tignan mo'to!" tawag sa'kin ni Lardon, at may
tinuturo mula sa ibaba, kaya tumingin ako don at doon
ko nakita ang tatlong tao na sa tingin ko ay kinakalban
nila ang isang nilalang na kulay itim

"anong nangyayari lardon? tulungan ba natin sila?"
tanong ko at lumapit ako sa kaniya, seryoso lamang
siyang nakatingin sa mga nilalang sa ibaba

"Kilala ko ang isa sa kanila ang lalaking yun" saad
niya sabay turo sa isang lalaking may kulay kayum-
mangi ang suot, nakiikita ko kung paano ito makipag-
laban, ang dalawang babae namn ay ganon din.

"kilala mo naman pala eh, tulungan ba natin?"
saad ko, tumingin siya sa'kin bago tumango,
nilabas niya ang kaniyang pana na may lason
sa dulo nito, ang lason na gamit nila ay galing sa bulaklak

habang tinututok ni lardon ang kaniyang pana sa
kalaban ay inayos ko din ang sarili ko, tinangal
ko ang cloak na suot ko pati na'rin ang shoulder bag
na ginawa ko mismo gamit ang balat ng hayop
pagkalapag ng itim na cloak sa lupa ay bumungad ang
hapit na hapit na mukhang sando ngunit may hiwa
sa harapan nito kaya kita ang tiyan ko, gaya ng
sa pang ibaba ko maliit na kulay itim na short at
ang boots na gawa sa balat ng hayop, hangang tuhod
ito, pinalabas ko din ang sandata ko na gawa sa yelo
at engkantasyon ko isa itong pana gaya ng kay lardo
ngunit ang kinaibahan lang nito ay kulay yelo ang akin
habang ang kay lardo at ordinaryong pana.

wala na kaming inaksayang oras, susuwagin na sana
ng halimaw ang lalaki halata dito ang panghihina
pero agad iyon na aksyonan ni lardo, pinatamaan niya
ito ng kaniyang palaso na may lason, habang ako
ay ginamit ang baging na nakadikit sa puno lumambitin
ako pababa sa kinaroroonan nila

sumasabay sa hangin ang malaalon kong buhok ,
nadaanan pa  ng baging ko ang mga halimaw kaya
pinatamaan ko sila ng Ice ball, ng makarating ako
sa gitna ng halimaw at ng dalawang babae ay agad
akong bumitaw sa baging at naglanding ako.

pagkatapak ko sa lupa ay nagcast agad ako ng
spell

VAYONARADE!

sumabog ang kinaroroonan nila sanhi ng pagcast ko
spell lumabas ang kulay berdeng usok, ang usok
na iyon ay nakakalason maski ang halimaw na iyan
ay tatablan nito, masiyadong matindi ang lason
 

hindi na'ko nagaksaya ng panahon gamit ang aking
Pana ay hinila ko ang dulo nito at lumabas ang isang
makintab na palaso at pinakawalan ko sa mga halimaw
mabilis na bumulusok ang palaso at sa isang iglap ay
sumabog muli ang kinaroroonan nila hangang sa
naging mga buto nalamang ang mga ito

"Maxx sa likod mo!" dinig kong sigaw ni lardon
kaya napatingin ako sa likod ganon nalang gulat ko
na may isa pang halimaw ngunit mas malaki Ito
kumapara sa kanina

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon