Chapter 9 "Unexpected "

1.1K 74 0
                                    


Chapter 9  "Unexpected "







Maxxton





'"Asutrana!" tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang
inaayos ang mga gamit na magulo dito sa sala,
napakunot naman ang noo ko parang dinaanan ng
bagyo ang sala, napalingon ito sa akin bahagyang
yumukod



"asan si Haux?" tanong ko pagkababa ko ng Bag ko sa
Couch


"Nasa kaniyang silid master, naghahanda sa pagpunta
niyo sa iniyong Ama" nakangiting saad nito, napangiti
naman ako at dumeretso na sa taas, pagtapat ko sa
pintuan ng kaniyang kwarto ay maririnig ko ang
kaniyang mga yapak na para bang kiti kiti, Agad kong
binuksan ang kwarto at tumambad sa akin ang magulo
niyang kwarto nasa tapat siya ng kaniyang Aparador
at naghahalungkat ng damit, tumingin naman ito
sa akin at halata sa mukha niya ang gulat


"Daddy!!" Masayang saad nito sabay takbo at yumapos
sa akin ng sobrang higpit,


"Daddy aalis naba tayo?" tanong nito, nginitian ko
siya at tumango, agad naman ito napakalas sa akin
at pumunta sa kaniyang kama kung saan puno ng
magulo niyang damit, kumuha ito ng dalawa
isang puti at itim na T-shirt


"Dad ano mas maganda dito?" tanong niya, tinuro
ko naman ang puti, ngumiti ito at tumakbo siya papunta sa banyo niya,


"Bilisan mo Haux, hintayin kita sa labas" saad ko at
lumabas narinig ko naman itong tumugon ngunit
hindi ko 'maintindihan, pagkababa ko sa sala ay naabutan
ko si Asutrana, magsasalita na sana ako ng bigla akong
nakaramdam ng hindi maganda, panganib!!


"Master" saad niya alam kong naramdaman niya ang
naramdaman ko, ano naman kaya ang hindi magandang mangyayari?!

"Asutrana! bantayan mong maigi si Haux  huwag mong
hahayaan na may mangyari ng kahit ano sa kaniya"
Bilin ko, tumango naman ito at tumugon ng 'Oo'


ilang oras din ang lumipas ay bumaba na si Haux
ngunit ramdam ko parin ang panganib, sumakay na
kami ng kotse sinama ko din si Asutrana para
bantayan, ang anak ko


ilang oras din ang binyahe ay nakarating kami sa
Silver companybumaba na kami at naglakad
papasok sa loob, ramdam ko ang titig ng mga empleyado sa amin, ng makarating ako sa Frost desk
ay tinanong ko ang babae


"nandito ba si Daddy?" tanong ko, tumingin muna
ito sa akin bago magsalita



"o-opo Mr. Silver" saad niya tinanguan ko na lamang siya
at naglakad papunta sa Elevator, nasa likod ko si Haux
ay si Asutrana na nakabhis ng maayos, dahil baka
ano pa'ng sabihin ng mga tao sa kaniya kung susuitin
niya muli ang natural niyang damit, ng nag-ting ang
Elevator at huminto ito sa office ni daddy, lumabas na
kami Doon at nagtuloy ulit sa paglalakad


bulungan dito, bulungan doon yan ang naririnig ko
sa mga empleyadong mga nadadaanan namin,
ng matapat kami sa pinto ng daddy ay huminto ako
dahil nag Vibrate ang Cellphone ko, kaya piauna ko
muna sina Asutrana sa loob


lumayo along bahagya sa pinto at tinignan ang Caller
si Alexandra, kinuha niya ang number ko ng pauwi
na kami kanina


The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon