chapter 32 | Heneral Loki

327 23 0
                                    

Third person's POV





LUMABAS mula sa gilid ang mga Hari at Reyna ng Lightomnian, dumeretso ang mga ito sa mga trono na nasa itaas ng Lightorepeo. may iba't ibang desenyo at kulay ang mga trono para sa mga Hari at Reyna.

"Mula sa pamumuno ng Neró ( water ) palació, ang mahal na Hari at Reyna! si Haring. THEOS DONOVAN at Reyna. YURI DONOVAN." pagpapakilala ni Dean allu tumayo ang dalawa at bahangyang tumango bago muling maupo sa trono. pansin sa kanila ang naglalarong kulay dagat sa kanilang kasuotan at eleganteng postura ng mga ito.

"sa kaharian naman ng Aéras at Gi ( Air and Earth) palació, Haring. KADIN MADDOC at Reyna. UREN MADDOC." tumayo ang dalawa at nagpakita ng kahusayan sa kanilang mahika maraming namangha sa kanila lalo na ang Reyna Uren. na kilala bilang isang Amazona noong ito'y dalaga pa. makikita sa kanila ang kulay ng Dilaw na ginto at berdeng malabnaw  na kulay sa kanilang kasuotan.

"Ang namumuno naman mula sa lugar ng mga mangkukulam sina Haring. SANDRO RADE at Reyna. AMEXIA RADE, mula sa Mágos palació." ng tumayo ang dalawa ay nagbago ang kanilang kulay itim na kasuotan napalitan ito ng kulay lila at nagkaroon ng guhit na ginto sa bawat sulok ng kanilang suot. tila bumata ang hari at reyna sa kanilang suot.

"omygad ang ganda talaga ni mama, parehas kaming pretty." pagmamalaki ni Alexandra habang nagniningning na pinapanood ang mga magulang.
sumang-ayon ang kaibigan niya sa kaniya dahil totoo naman ang sinabi nito.

"Mula sa itaas ang namumuno sa Hander palació. Haring. DARSON GARRISON at Reyna. HESSAH GARRISON." tumayo ang dalawang namumuno sa palasyong nabangit, makikita sa kanila ang pagka-strikto. kilala ang dalawa dahil sa ginawa nila sa pakikipaglaban sa kadiliman noon, silang dalawa ang muntik na magsakripisyon alang-alang sa kaligtasan ng mga Lightomnian.

"Ang huling aking ipapakilala ay importanteng mamamayan ng Lightomnian ang ating tagapagligtas! si Haring. CYRUS ZAYON at ang kaniyang asawa na tumulong upang masugpo ang kadiliman. si Haring. RAXXTON ZAYON ng Fotiá palació ( Fire )."  tumayo ang dalawang makisig na lalaki magkaiba kanilang kasuotan gaya ng kasuotan ni reyna. Uren at haring. Kadin. ang kasuotan ni Haring. Cyrus ay isang pinaghalong kulay Abo at Asul samantalang kay Haring. Raxxton ay pinaghalong pula na kasing kulay ng dugo at kulay ginto.

makikita sa mga ito ang kakisigan at kagwapuhan, makikita din sa kanila ang pagka-dominante sa kanilang tindig. naghiyawan ang mga studyante at guro sa dalawang lalaking mukhan binata.

"Go! Go! Go! Ama! Papa! " sa lakas ng boses ng dalaga ay namutawi sa buong Lightorepeo ang boses ni Caxxtein. siya ang pangalawang anak nila haring. cyrus at haring. raxxton.

para kay Caxxtein ay siya na ang pinakmasayang dalaga sa buong mundo ng mahika dahil naging magulang niya ang dalawang makisig na lalaki na naging kaniyang dalawang ama. pinagmamalaki niya ang kaniyang mga magulang kahit na pareho itong lalaki.

napatawa ang ilan sa sinigaw ng prinsesa, hindi na bago ang asta nito na para bang isang normal na mamamayan lamang na Lightomnian.

matapos ang pagpapakilala ay naupo at tumahimik na ang lahat akmang magsasalita na si Dean allu upang ipakilala ang mga prinsipe at prinsesa ng bawat kaharian ng biglang magdilim ang kalangitan.

lalong natahimik ang mga studyante at ang iba ay tila nakaramdam ng panganib. maski ang mga reyna at hari gayon din si Dean ally na inalerto ang sarili.

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon