Chapter 24 | Adelfí psychí mou

588 49 1
                                    





Maxx



         "LUMAPAG tayo ro'n" utos ko sa sinasakyang
pegasus tinuro ko ang likod ng Dormitoryo. pagkalapag
ng pegasus ay agaran akong bumaba at hinayaang ng
umalis ang kabayong may pakpak palayo sa lugar.

pasimple kong inayos ang balabal na nakatakip sa
aking mukha tumingin ako sa paligid. tahimik at
mukhang walang nilalang sa paligid kaya agad akong
tumingala at tinignan ang tapat ng silid ko.

muli akong tumingin sa paligid ng masigurado kong
wala talagang kahit anong nilalang ay agad kong
ginamit ang kinuha ko mula sa bayan ng florenta.

isang mahabang baging ngunit mabulaklak ito at
makulay  ginagamit ito ng mga florenta kapag sila
ay umaakyat sa mga bundok. mabilis kong hinagis
ang baging at kumapit naman ang dulo nito sa
veranda ng kwarto ko.

nagmistulang ahas ang baging dahil sa pumulupot
ito sa katawan ko at kusa ako nitong inakyat sa
veranda. tumingin ulet ako sa ibaba kung may nilalang
napabuntong hininga ako dahil wala akong nakita.

pumasok na 'ko sa  loob at hinayaang gumapang ang
baging sa gilid ng bintana at nagmukha itong desenyo.

tingal ko na ang balabal at humiga sa kama tsaka
pumikit. pero ganon nalang gulat ko ng may narinig
akong  nagsalita mula sa pintuan.

"Saan ka galing?" mabilis akong napaupo at tinignan
ang lalaking nagsalita.

kinunutan ko siya ng nuo.

"anong ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong ko
pabalik. nagsalubong ang kilay nito.

"huwag mong ibahin ang usapan. ang sabi ko saan
ka galing?" naiinis na tanong niya sinagot ko naman
siya ng pabalang.

"hulaan mo." walang gana kong tugon at muling
humiga at akmang ipipikit ko na ang mata ko upang
matulog dahil sa pagod ng bigla itong pumatong sa 'kin.

"h-hoy bampira! umalis ka nga!" saad ko sabay tulak
sa kaniya sa balikat pero hindi ito nagpatinag naging 
pula pa ang mata nito tsaka ako tinitigan.

"saan ka ba kase pumunta ha? alam mo ba kung saan
saan ka namin hinanap?" saad nito na ikinahinahon
ko. pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya pero lagi
akong hinuhuli ng mga mata niyang pula. heto
nanaman yung pakiramdam.

pakiramdam ko na. kailangan ko siya.

"s-sa lugar kung saan ako nangaling" saad ko napa-
buntong hininga siya at lumapat ang mga labi nito
sa leeg ko. nanlaki ang mga mata ko dahil ramdam ko
ang init ng paghinga niya.

"umalis ka na nga bampira ka!" inis ko sabi at muli
siyang tinulak pero para naman akong lantang gulay 
na walang lakas dahil sa ginawa nito.

DINILAAN NIYA LANG NAMAN ANG LEEG KO!

"a-anong ginagawa mo!?"

"alam mo ba kung gaano ako nag alala? bakit hindi
ka nagsasabi kung saan ka pupunta, edi sana sinamahan nalang kita para hindi ako nag alala ng
husto!" napatigil ako sa mga sinambit nito bigla akong
nakaramdam ng pagiinit mula sa pagkatao ko.

umangat ang mukha nito at natapat sa akin.

"sabihin mo nga saan kaba talaga pumunta?" puno
ng pagaalala at- hindi mawaring nararamdaman ang
nakikita ko mula sa mga mata niya. bigla nanaman
ako nahihipnotismo mula sa mga pulang mata nito.

gusto ko ba siya? bakit ganto ang nararamdaman ko?
pakiramdam ko kailangan ko siya.

"s-sa bayan ng florenta, binisita ko lang ang pinagalingan ko" saad ko sabay iwas ng tingin.

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon