Chapter 30 | Training 2

349 24 2
                                    

Third person's POV.






''NU 'YAN?" tanong ni Alexandra sa kaibigang si Viora, naka-upo ang dalaga habang may hawak na isang nilalang. mahaba ang mga galamay nito at maitim na may bilog bilog sa katawan. nangilabot si Alexandra sa nakita

"Insekto" maikling tugon ni viora, makikita naman ang pagkadisgusto sa mukha salamangkera.

"kadiri naman bakit ganyan ang itsura nyan?" tanong muli ni Alexandra sa pagkakataong iyon ay nakaisip ng kalokohan si viora. inihagis niya mismo sa mukha ng kaibigan ang insektong hawak niya.

"Kyahhhhh!!!"

"HAHAHAHA" 

nagtitili at tumakbo si Alexandra sa lugar patakbo itong tumungo sa kapatid na tila hindi mapakali sa insektong nasa ulo niya, hindi niya iyon mahawak ng dahil sa pandidiri.

"Kuya! kuya! alisin mo 'to!!" sigaw niya ng makalapit ito kay Alexander. natatawa namang pinanuod ng magkakaibigan ang magkapatid dahil kahit mismo si Alexander ay hingi mahawakan ang insekto.

"kuya ano ba?! alisin mo!" utos ni Alexandra, takot na takot sa maliit  insektong nasa kaniyang ulo.

"sandali 'wag ka kaseng malikot!" hindi rin mapakaling saad ng kapatid.

"walang hiya ka viora gaganti ako humanda ka!" gusot ang mukha ng dalaga habang sinubukan tangalin ng kiya niya ang insekto, ng matangal na ito ay mabilis itong nagbato ng isang kulay lilang orb sa gawi ni viora.

agad naman na alerto ang dalaga sinalubong niya ito ng apoy kaya ng ito ay magkasalpukan ay sumabog ito at namuo ng isang makapal na usok.

mabilis sumugod si viora kay Alexandra kahit na makapal ang alikabok. hindi naman agad naramdaman ni Alexandra ang presensya ng kaibigan kaya hindi inaasahan ang sipa ni viora sa kaniya.

narinig ni Alexander ang daing ng kapatid, gamit ang isa sa kakayahan nito ay bumuo siya ng isang ilusyon para sa lahat. naisip niyang maganda ang pagsasanay kung magiging mas mukhang tunay ang laban.

naging manipis ang kapal ng usok, gulat na mapansin ng lahat ang mga Taoros sa paligid. naging alerto ang lahat.

may laki ng isang puno ang mga Taoros, sila ay mga lalaking kalahating Tao at kalahating Toro na nagmula sa itim na salamangka.

mabilis na sumugod ang mga ilusyong taoros sa kanila mula sa pwesto ni viora ay nilabas niya ang kaniyang buntot paboreyal( peacock) at iwinasiwas niya ito upang makapag-labas ng mga matitilos na balahibo. para itong mga kutsilyo sa talim at hugis.

nagtago si Alexander sa itaas ng puno, ineenjoy ang panunuod sa kaniyang mga walang kaalam alam na kaibigan.

naging maliksi si Draco sa kaniyang mga galaw, bawat galaw nito sa bilis ay may namumuong kuryente sa kaniyang paligid, wala pa sa limang segundo ng mapatay niya ang anim na taoros.

samantalang sintulis ng isang espada ang pinapakawalan ni kyra, gamit ang hangin ay nakakagawa ito ng isang wave. bawat madaanan nito ay nahahati ang katawan ng mga taoros.

sa hindi kalayuan ng pwesto ni Draco at kyra ay makikita si yessah, pinalilibutan ito ng mga lumulutang na kulay lilang orb bawat taoros na lalapit sa kaniya ay kusang nagiging abo.

The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon