Chapter 23| Caxx vs. Lor?

593 50 5
                                    

Ho-Ho  mukhang nagkakaroon na ng something
kina Lorkan at Maxx, hehe

Jinxes<33





Alexandra





            "MGA mababangong bulaklak ang ganda ganda..
tayo ay rumampa ang saya saya~" kanta ko sabay
kembot pakanan at pakaliwa nakasuot ako ngayon
ng mabulaklak na damit, kumakanta habang sumasayaw dito sa hardin ng nanay ko.


nandito ako ngayon sa aming palació at maya maya
lang ay papasok na 'ko pero ngayon sinusulit ko
muna ang ganda ng kalikasan at ang mga magandang
bulaklak na pinitas ko mula sa mga tanim ni mama.

"bubuka ang bulak-"

"bubuka ang maharot ang landi landi~"  naputol ang
pagkanta ko ng sumabat ang aking napaka panget
na kapatid. nahinto ako sa pagsayaw at pagrampa dahil
sa nasira na ang maganda ko sanang araw kung hindi
lang pa epal 'tong kuya ko.


"epal ka?" tanong ko tsaka ko siya tinarayan sabay
walkout kase naiinis ako sa nagmumukha niya
hayop siya.


"hoy saan ka pupunta?" sigaw niya kaya napahinto
hindi dahil sa tanong kundi dahil sa tinawag niya akong 'Hoy' sa ganda kong 'to?! tapos hoy lang.

"may pangalan ako. hayop ka!" sigaw ko pa pabalik
tsaka ako nagchant na sana maging putik ang 
dadaanan niya.

"Xandra! 'wag kanang maginar-arayy!!" napahinto
ulit ako sa pagrampa dahil narinig ko ang sigaw niya

'hahaha buti nga'  tawa ko sa isip ko akmang maglalakad na 'ko ng bigla akong nadapa at saktong
lumapat ang maganda kong mukha sa isang putik.

"k-kyahhh, Mama si kuya huhu"

narinig ko naman ang tawa ng kuya ko kaya tumayo
ako tsaka ko siya dinuro.

"bwiset kang hayop ka! " sigaw ko tsaka ako bumulong
ng isang spell pagkatapos ay nakita ko nalang ang
paghinto niya sa pagtawa at nagsimula na siyang
magpalabas ng mabahong amoy.

'Bwahahaqhha '

"ew. kuya dito kapa dumumi! isusumbong kita"
saad ko sabay tawa na parang ako ang nagwagi sa
laban.  pero saglit lang iyon dahil narinig ko si
mother earth na tinawag pangalan namin ni kuya.

"Xandra, xander ano pang ginagawa niyo riyan?
mahuhuli na kayo sa klase niyo, at anong nangyari
sa iniyo ha?" tanong ni mama kaya agad akong
nagsumbong.

"Ma! tignan mo ang ginawa niya sa magandang kong
mukha napasukan pa ng putik yung ilong ko huhu."
sumbong ko at kunwaring walang kalaban laban.

"Alexander!" tawag ni mama sa kaniya na hangang
ngayon ay pinipigilan ang pag-utot niya

'hahahahaha'

"M-ma y-yang anak m-mo! ohh"  nahihirapang saad
niya. kaya tinignan ako ni mama at nilakihan ng mata
alam ko na ibig sabihin non. kaya dinispell kona
ang ginawa ko kay kuya. tapos ang sama ng tingin
niya sakin para bang sinasabi niyang 'humanda ka'

'owemjii'

"maglinis kayo ng katawan niyo at Mahuhuli na kayo
sa klase niyo" saad ni mother kaya pumasok na kami
sa loob pero bago 'yun nakatangap ako ng batok
mula kay kuya tsaka siya tumakbo papasok.




× × ×





naglalakad kami ni kuya ngayon dito sa koridor ng
Academiya, kaniya kaniya gawain ang mga studyante
may nagcicismisan sa gilid, may naghaharutan sa
tabi ng hagdan, may naghahabulan na parang mga
isip bata merong ding mga normal lang na parang
mga patay na naglalakad. hayys boring.



The Beauty of Ice |BxB| OnholdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon