CHAPTER 10

1.2K 76 1
                                    

TAHIMIK AKONG umiinom ng kape habang pinagmamasdan ang napakagandang garden na alagang-alaga ng mga maid rito. Gustong-gusto raw kasi ni Tita Monique na pinagmamasdan ang mga bulaklak.

Napabuntong-hininga ako. Somehow, I feel guilty. Hindi ko naman kasi alam na magagalit ng ganoon si Lucas. Nalaman ko din sa mga maid na sadyang hindi gusto ni Lucas na ginigising siya dahil nagkakatopak nga siya. Whatever, at least I got my revenge on him.

Namula ako ng maaalala ang sinabi sa akin ni Manang Lois, matagal na siyang tagapamahala ng bahay na ito at sinabi niya sa aking yung kwartong pinasukan ko kagabi ay kwarto ni Lucas. What the hell? I mean, bakit naman doon nilagay ang mga gamit ko kung may nag-ooccupy na pala ng kwartong 'yon?

Nang malaman ko iyon, dali-dali kong inilipat lahat mga gamit ko sa katabing guestroom. Fuck! I've never felt so stupid until that time.

Si Lucas naman... Ugh. I don't know where he is. He went outside and I just can careless to wherever hell he went, who he went with or even if he's still alive or lying dead on the ground. I inhaled deeply and closed my eyes. The garden is so beautiful. Ayoko mang aminin pero mas maganda at mas komportable dito kaysa sa garden namin na madalas naming tinatambayan.

"Ma'am Loraine. Gusto niyo po ba ng snacks?" Tanong sa akin ni Ate Betty. Sa tingin ko ay mas bata siya ng kaunti kay Mommy. Ngumiti ako.

"Hindi na 'po, busog pa naman ako atsaka Loraine nalang, Ate Betty. Masyadong nakakatanda yung ma'am eh." Pabiro kong sabi. Nakitawa naman siya.

"Ah sige, Loraine." Sabi niya at akmang aalis na.

"Uh, Ate Betty, si Sherley po? Parang hindi ko pa po kasi siya nakikita sa mansyon mula kanina." Tanong ko. Napansin ko ang pag-aalangan niyang magsabi at ang pagpilit niya ng ngiti.

"Naku, day-off niya po kasi ngayon." Sabi niya. I noticed that she wants to say something but she's hiding it in her fake smile. I just sighed and smiled at her.

Wala naman akong paki-alam kung nasaan man si Sherley dahil hindi naman kami ganoon ka-close. Nagtaka lang talaga ako dahil hindi ko pa siya nakikita mula kanina. Lalo na at nung saktong pagkawala niya ay umalis rin si Lucas. What a funny coincidence.

"Saan nga po pala ang punta ni Lucas, Ate Betty?" Nakangiti kunwaring tanong ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paglunok niya. Napaiwas rin siya ng tingin.

"H-Hindi ko alam kung saan nagpupunta si Ser ng ganitong oras pero sigurado po akong nandyan lang siya sa paligid. Bumabalik naman iyon para sa tanghalian kaya 'wag na po kayong mag-alala." Halata ang kaba sa kanya kahit na nakangiti siya. Mmm... I smell something fishy. Whatever, hindi naman talaga ako ganon ka-interesado sa mga lakad ng lalaking iyon. Uhh, whatever.

Ngumiti lang ako ng malaki at saka isinabit ang kamay ko sa braso ni Ate Betty.

"Hayaan niyo, Ate Betty. Hindi naman ako nag-aalala sa lalaking 'yon. Malaki na siya hindi na kailangan ng atensyon. By the way, may asawa na ba kayo, Ate Betty?" Tanong ko habang papunta kami sa kitchen. Nakipagkwentuhan muna ako kay Ate Betty bago nakapagdesisyon. Umalis ako ng kitchen at kinawayan ko yung ibang mga maid para tumigil sa mga ginagawa nila.

"Naku, Ma'am anubayan. Nakakahiya naman sa inyo." Sabi ni Ate Teresa. Tinawanan ko lang siya at pinaupo sa living room.

"Don't worry, Ate Teresa. Tulungan nalang kita sa pagluluto mamaya. Manang, Ate Betty, sabihan niyo lang kung kailangan niyo ng tulong mamaya. Ngayon, samahan niyo nalang muna ako. Magkakasama tayo ng dalawang buwan, hindi ba? Mahirap yung wala akong nakaksundo dito." Sabi ko. Napabuntong-hininga naman si Ate Betty at si Manang sa sinabi ko.

Crazy In Love With The Male Lead - ON HOLDWhere stories live. Discover now