Chapter 2

7.4K 175 0
                                    

Palinga linga pa ako pagbaba ng sasakyan ko baka kasi nasa paligid ko lang ang mga tauhan ni Kingston.

"Di ba siya Iyong na sa News na nanggulo?"-bulong bulongan na nasa paligid ko.

Dedma lang talaga ako dahil wala naman talaga maglakas loob na awayin ako dahil takot lang nila kay Ann at Bea.

Nakita ko si Jane pero nauna niya akong tinawag,ayon hila hila ko siya papunta sa tambayan namin.Malapit na ang graduation ni Jane kaya may pictorial daw sila.Next Year pa naman ako gagraduate,nagpaalam din ako dito dahil may babayaran akong tuition sa Accountant office.

"Kelly Harrison may naghahanap sa iyo?"-saad ng Head teacher sa akin.

Kinabahan ako.

"Good morning Ma'am ako po ang personal secretary ni Mr. Vice President Kingston,kung puwedi daw po na maaanyayahan kayo sa kanyang opisina"-saad nito na namumutla na ako .

"Po?!baka na- nagkamali po kayo"-nauutal kong sabi dito.

"Hindi po kayo po talaga "-sabi nito sabay pinakita ang litrato na hawak nito  na ikinalaglag ng panga ko.

Wala na akong nagawa kundi sumama dito.

Sobrang namangha ako sa ganda ng office ng Bise Presidente ng bansa.

Nanginginig ako sa takot dahil nasa harapan ko ang lalaking sobrang talim ng tingin sa akin.Maya maya lang pumasok si Mr.Vice President.

Tumayo ako dito at nag bigay galang.

"Have a sit"-ay Lintik na iyan nakakatakot dahil parang isrikto ito.

"Nice to meet you Miss Harrison ,ipinahanap kita dahil sa malaking gulo na ginawa mo sa kasal ng apo ko at malaking Iskandalo ang nangyari"-diin na sabi nito na panay naman kurot ko sa aking palad.

"Ayoko na maging bastardo ang magiging apo sa tuhod ko kaya magpapakasal kayo ni Lewis"-

"Po!!???"--gulat na sabi ko.

"Yes,Binuntis ka ng apo ko kaya dapat lang pakasalan ka niya"-ulit na sabi niya dito.

"Si-Sir hindi po ako buntis at ano kasi nagkamali lang talaga ako"-parang napapaiihi na ako sa takot at gulat.

"Paninindigan mo ang ginawa mo!"-saad ni Mr Vice President at tumayo na ito.

Tiningnan ko si Lewis napaiwas ako ng tingin dahil parang kakainin na niya ako.

Dahan dahan akong tumayo at lalabas na sana nang magsalita ito.

"Don't try to run and hide again,dahil kahit saan ka pupunta mahahanap pa rin kita!"-Galit na sabi nito.

Talagang dito na talaga mag uumpisa ang gulo na pinasukan ko.

Magagalit na naman ang Daddy ko.Baka itatakwil na ako ng pamilya ko!

Stolen GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon