Chapter 11

6.3K 154 8
                                    

Nauna nang umalis si Lewis dahil may board of meeting pa daw siya ng alas otso.Nag suot na lang ako ng simpleng dress at sandals.

Pagdating ko sa Company nginitian ko  si kuya Guard na pangalan niya pala si kuya Nilo.Nakita ko rin na ginagamit na niya ang kotse na binigay ko dito.

Dumiretso na ako sa 11 floor.Pagdating ko may nag assists agad sa akin sa Accounting Department.Ang dali lang pala ang gagawin ko dito,magprint lang at ilagay ito sa ayos ang lahat na papers then may kukuha dito para e review.

Kaya ayaw ko ng kursong  business management dahil ayoko magbasa ng mga papel na sandamakmak.

Tumayo muna ako dahil ang sakit ng puwet ko sa kakaupo.Pupunta muna ako sa office ng Asawa ko,pero nakasalubong ko agad ang head leader ng Accounting Department.

"Where you going?!"-mataray na tanong nito sa akin .

Bakit kaya halos nakaka punyeta ang mga ugali ng mga tao dito?!

"Iihi lang ako"-tamad na sagot ko dito.

"Pabalik balik kana sa Cr kelly!"-bulyaw nito sa akin.

"Anong magagawa ko eh sasabog na ang pantog ko"-irap na sabi ko dito.

"Irereklamo na kita kay Sir Kingston!"-galit na sabi nito.

Whatever!bahala siya,hindi ko na siya pinansin at tumalikod na ako dito.

Pumunta na lang ako sa office ng Asawa ko.Wala dito iyong clown niyang secretary kaya dumiretso na akong pumasok.Pagpihit ko ng pinto nakita  ko ito na may kausap sa telepono.

"What?!Na coma siya?okay I'll come with you,okay.Tomorrow?okay I'm free tomorrow.Okay bye."-nakita na niya ako kaya dumiretso na agad ako sa table niya.

"Sino iyon"-tanong ko kaagad.

"Kaibigan ko,pupunta ako bukas sa US bibisitahin namin ang aming kaibigan dahil na Coma after ng brain Surgery niya"-saad nito.

"Ilang araw ka doon?"-parang nakaramdam agad ako ng lungkot dahil parang nasanay na ako na siya lagi ang kasama ko sa pagtulog.

"Maybe two days"-saad nito,bigla na lang may kumatok at pumasok si Mrs.Solis ng head leader ng Accounting.

Nagtatakang tiningnan nito ako.

Magsusumbong  siguro ito.

"Bakit Nandito ka Miss Harrison?"-agad na tanong nito.

"Tinawag kasi ako  ni Sir Kingston dahil gusto niya daw kainin ko iyong Banana niya"-nangingiting sabi ko dito na bigla namang kandaubo si Lewis.

Nanlalaki rin ang mga mata ni Mrs.Solis.

"A-anong Kailangan mo Mrs.Solis?"-iyon tuloy nabulol na si Lewis.

"Ah-ah kasi Sir ,itong si Miss Harrison hindi maayos magtrabaho"-sumbong nito,sabi ko na nga ba eh magsusumbong kaya nandito.

"Ako na bahala , puwedi kana lumabas"-saad naman ng Asawa ko na parang na stressed agad ito.

Tiningnan muna ako ng masama ni Mrs.Solis bago ito lumabas.

"Ilagay mo minsan sa lugar ang biro mo"-sermon agad nito sa akin.

"Biro ba iyon,talaga naman kakain ako ng saging"-sabi ko dito sabay talikod pumunta ng mini kitchen niya.May maliit na kitchen dito sa office ni Lewis,kung sakali Hindi daw siya makalabas para kumain dito na siya nagluluto.Ang cute kaya ng office niya.

Malulungkot ako pag aalis na siya bukas,total dalawang araw lang naman siya mawala at saka mabilis lang ang araw.

Hindi na ako babalik doon sa Accounting ,matulog na lang ako dito sa office ng Asawa ko habang nagtatrabho siya.

"Tulog muna ako,ayoko ko muna magtrabho doon sa Accounting".-sabi ko dito at hinubad ko muna ang sandals ko.

Humiga na ako at talagang nakakaramdam na ako ng antok.Lumapit si Lewis sa akin at may dala dala itong jacket .

"Sobrang ikli ng dress mo"-saad nito at pinatong sa hita ko ang jacket niya,at dahil na rin antok na antok ako hindi ko namalayan nakatulog na  ako.

Stolen GroomWhere stories live. Discover now