Chapter 12

6.2K 156 0
                                    

Parang ang haba ng tulog ko.Panay pa ang hikab ko  habang nakatingin sa kisame.

"Kain na tayo"-sabi ni Lewis na hindi ko pala namalayan na nasa harapan ko na ito.

"Anong oras na?"-tanong ko dito.

"Its already Lunch break,ginawa mo ng bahay ang office ko"-saad nito na inabot pa ang kanyang kamay para tulungan ako tumayo.

Nag ayos muna ako ng sarili dahil ang gulo ng buhok ko.Habang nakatingin sa salamin,malaki na talaga ang nagbago sa sarili ko.Dati kasi nakasalamin at naka braces kaya wala talaga dati nanliligaw sa akin.Last Year ko lang tinanggal ang braces ko na kasama ko pa ang apat kong mga kaibigan pumunta sa dentista.Dahil okay na naman ang mga mata ko , tinanggal ko na rin ang salamin.

Pero sino mag aakala na dating nerd may asawang napaka hot,napakaguwapo at sobrang macho at bunos pa iyong magaling sa kama.

Sinuklay ko na ang buhok ko at naglagay ng konting blush on at konti ring lip gloss.Ayoko ko talaga ng sobrang make up dahil pinapangati ako.At sabi naman ng mga friends ko no need naman daw ako maglagay ng make up dahil maganda daw ang kutis ng mukha ko.

Nadatnan ko na nakaupo si Lewis sa sofa habang may pinipindot ito sa cellphone.

"Let's go"-yaya ko dito.

Tumayo na rin ito at hinawakan ang kamay ko.

Hindi naman ako denideny ni Lewis na Asawa niya ako.Pero ang mga putang ina ayaw lang maniwala na Asawa ako ng boss nila at kabit lang ang Stella na iyon.

Nang nakalabas na kami lahat ng mga mata sa amin.Hawak kamay kasi kami ng guwapong Asawa ko.Pati ang bruhang Sekretarya ni Lewis nakanganga pa ito ng makita kami.

"Sa canteen na tayo kakain,bagong bukas ito at masarap ang mga pagkain"-saad nito na tinanguan ko lamang.

PAgdating sa Canteen ang daming empleyado,nang pumasok na kami parang artista lang ang dating namin na nakatingin sila lahat pati si Mrs.Solis laglag panga na naman.

Pinaupo ako ni Lewis at siya na daw mag oorder ng tanghalian namin.

Ang sama ng tingin nila sa akin.Who cares!Loyal na fans pala ito ni Stella ang mga empleyado ng Asawa ko.Isang sikat na modelo at artista si Stella, kaya sinasamba na siya ng mga tao dito sa Company.

After five minutes bumalik na si Lewis at may kasama itong taga silbi na bitbit ang pagkain namin.

Wow!Ang sarap ng food.Favorite ko ang Pinakbet dahil magaling magluto si Jane at lagi nagluluto para sa amin.Na miss ko na tuloy si Jane umuwi na ito sa Sorsogon sasama sana ako kaso iyon nga bigla akong pinakasal kay Lewis kaya hindi tuloy ako nakasama sa kanila.

"Sarap naman niyan!"-saad ko na agad ako nagsandok at nag simula ng kumain.

Hindi talaga malakas kumain ang asawa ko,mas marami pa yata akong kumain dito.Kahit anong daming kain ko Hindi talaga ako tumataba , sabi nga ni Bea maganda daw ang katawan ko dahil kahit anong kain ko wala talaga akong baby fats.

"Mamayang gabi ng alas diyes ang alis ko Hindi na bukas ng umaga"-seryosong sabi nito.

"Bakit?"-nagtatakang tanong ko dito.

"Ah-mauuna na ako sa mga kaibigan ko at sasabay ako sa isa kong kaibigan mamayang gabi"-umiwas ito agad ng tingin sa akin.

Hindi na ako umimik.Alam ko nag sisinungaling siya . Kanina habang nakahiga  ako sa Sofa at kagigising lang  narinig ko na nag uusap sila ni Stella at alam ko na kasama niya mamayang gabi aalis ito papuntang US.

Stolen GroomWhere stories live. Discover now