Chapter 16

6.3K 148 1
                                    

Pinipigilan kong umiyak.Ayoko umiyak!ayoko ko ipakita kay Lewis na nasasaktan  ako.Bumalik ulit ako sa table ko para ipagpapatuloy ang aking trabaho.

It's already lunch break.Tinawag ako ni kath na kumain na pero pinauna ko na ito.

Napabuntonghininga ako, I'm delayed.
Halos mag dadalawang buwan na rin kami nag sasama ni Lewis.

I open my phone at tinawagan ko si Bea.

"Hey"-paos na boses na sumagot ito.I think natutulog pa ito.

"Can you clean up the mess I got with Rhenz?"-sabi ko dito.

"Okay,I will"-narinig ko na tumawa ito.

"Thanks Bea"-pagsasalamat ko dito.

"Welcome bitch"-sabay sabi nito at pinatay ko na rin ang tawag.

Nag sibalikan na ang iba galing sa Canteen pero ako nakaupo pa din ako at tuloy ang trabaho.

Bakit ang dali naman ipakasal ni Vice ang nag iisang apo niya sa akin?Kung tutuusin hindi nila ako kilala.

Maya maya lumapit si kath sa akin.

"Kelly,dinalhan na kita ng Coffee at Burger,kung gusto mo kumain lumabas kana  lang at ako muna ang papalit sa puwesto mo"-nakangiting saad nito.

Ngumiti ako dito at nagpasalamat.

Babalik sana ulit ako sa office ni Lewis nang makita ko si Stella.

Pero tumuloy pa rin ako.

Dumiretso na agad ako pumasok .Nadatnan ko ang mga ito na kumakain sa mini kitchen.

Nakita nila akong dalawa.

Dumiretso na ako sa sofa at doon umupo.Hindi ko nadala ang binigay ni kath na burger at kape.Tinatamad na rin akong lumabas para kumain dahil wala rin akong gana.

Humiga na lang ako sa sofa kahit rinig ko ang tawa ni Stella.Dahil medyo pagod ako at inaantok hindi ko namalayan na nakatulog ako.

In the middle of my sleep I felt that someone had put a blanket over me.

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom.Tiniklop ko muna ang kumot at tumayo na ako.Wala si Lewis ,may nakita ako sa ibabaw ng center table na mga pagkain.

lumabas na lang ako at bumalik sa table ko para magtatrabho ulit.Kahit malamig na ang kape ininum ko na at kinain na rin ang burger na binigay sa akin ni Kath.

Habang ngumunguya hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko.

I'm inlove!

Akala ko hindi ako maging katulad ng mga kaibigan ko na nababaliw sa mga lalaki.

Mapait akong ngumiti,may mahal naman ang taong gusto ko.

Hindi ko na namalayan na nag siuwian na ang lahat at kunti na lang ang natira dito sa Department namin.

Tumayo na ako at inayos ko ang mga gamit ko.Hindi ko rin nakita si Mrs.Solis at ibang kasamahan ko pati na rin si Kath baka kanina pa sila umuwi Hindi ko lang siguro napansin.

Pasakay na ako ng elevator ng lumabas na rin sa kanyang office si Lewis at kasama nito si Stella.

Nang nagbukas na ang elevator sumakay na ako at sumabay na rin silang dalawa pero tumigil ang mga ito sa 6th floor ,nakita ko nakatingin si Lewis sa akin pero binaliwala ko ito.

Nang nagsarado na ulit ang Elevator doon ko binuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Stolen GroomWhere stories live. Discover now